21/06/2026
"Jack of all trades," isang katagang akmang-akma sa paglalarawan ng mga ama.
Maaaring hindi sila ang pinakamahusay sa bawat larangan, ngunit marami silang kayang gawin. Hindi dahil eksperto sila sa lahat, kundi dahil handa silang matuto at magsakripisyo alang-alang sa kanilang pamilya.
Sila ang haligi ng tahanan, mga taong tahimik na nagpapasan ng responsibilidad, nagbubuhos ng pagod, at gumagawa ng paraan upang matugunan ang pangangailangan ng mga mahal sa buhay. Kadalasan, ang kanilang mga sakripisyo ay hindi napapansin, at ang tunay na halaga ng kanilang presensya ay higit na nararamdaman kapag sila ay wala.
Patuloy silang lumalaban sa bawat hamon dahil may pamilyang umaasa sa kanila. At kung may nararapat tawaging "Jack of all trades," marahil ay ang mga ama iyonโhindi dahil perpekto sila, kundi dahil ginagawa nila ang lahat ng makakaya para sa kapakanan ng kanilang pamilya.
Maaaring hindi sila ang pinakamahusay sa lahat ng bagay, ngunit ang kanilang pagmamahal, dedikasyon, at walang sawang pagsisikap ay hindi matatawaran.
Sa lahat ng mga ama, Happy Father's Day. Salamat sa inyong walang kapantay na pagmamahal at sakripisyo.
Words by Villa Fe Aรฑora
Layout by Zandrei Sabanal