
01/08/2025
Eto yung mga panahon na sinasama ako palagi ni madam sa steraha or sa mga kasal na pinupuntahan nya.. matatandaan ko kasal ang pinuntahan nya noon dito..
imagine di ka naman pwede pumasok sa hall kasi bawal.. kung saan saan kami nagtatambay ng asawa ko pampalipas ng oras.. tanda ko neto sa kamsa kamsa to, tapos anlayo layo pa neto noon.. yun bang wala kang magawa dahil napakapa bebe netong madam namin π
literal as in mapakita lang na pilipini ang driver at yaya nya eh pilit nya ako isasama "yabang ba"
Hindi ko akalain na makakayanan ko yang mga panahon na yan yung pagod, hirap at pasakit yesss, drama noh. Pero totoo po lahat ng to.. sa mag 4years ko na paninilbihan sa mga amo ko ay napakadami kong karanasan.. isasama ka nya sa party tapos babantayan mo lang siya isusuotan mo ng sapatos kasi di daw nya kaya, bitbitin mo bag nya kasi daw mabigat, aalalayan mo siya sa hagdan dahil di daw nya kaya ang umakyat.. yes, layas talaga tong amo namin na to nung nabubuhay pa si baba..
Tapos meron pang mga panahon na uuwi kami madaling araw mga 1am tapos gigising naman ako ng 5:45am para gumawa ng almusal noong nabubuhay pa si baba.. un bang parang kakahiga mo palang tas gigising kana ulit, madaming beses na umiiyak nalang ako sa pagod. Un bang magluluto ka tapos maghuhugas bigla magpaplancha ka tas bigla ka maglalaba.. sa madaling araw nagigising ako na namamanhid ang mga kamay ko dagdag mo pa ang mga sugat dahil sa tapang ng mga sabon nila dito.. un ba halos di kana makapagvacuum kasi wala ng lakas ang kamay mo..
Pero kinaya ko kasi iniisip ko ung anak ko at ung magiging bahay namin noon. Sabi ng asawa ko "matatapos din to ma" palagi akong umiiyak as in halos araw araw.. lagi ko sinasabi sa asawa ko gusto ko na umuwi pero di pa pwede kasi nga kasalukuyan na ginagawa na noon ang bahay namin.. kaya lagi ko kinakausap si lord sabi ko eh wag nya ako papayagan na mapagod sana kayanin ko pa..
At noong naitayo na nga ung bahay namin para bang nabuhayan ako ng loob.. lalo nung nakikita ko na ung anak namin na nagdadalaga na..
Kaya sa mga kagaya namin ofw na nangangarap mag ibang bansa tibayan nyo lang ang loob nyo, tapos samahan nyo ng dasal.. at isinop ang bawat perang kinikita ninyo.. dahil hindi basta basta ang magtrabaho dito sa abroad..
Oh siya un lang naman π€