14/09/2025
๐ด๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐ฉ๐๐๐๐๐ ๐ฉ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ด๐๐๐๐๐๐ 2025! ๐งก๐โจ
Isang natatanging karangalan para sa bayan ng Monkayo ang pagkakapanalo ng isang masigasig at mapagmahal na g**o ng Monkayo National High School na si ๐๐ฏ. ๐ง๐ฒ๐ต๐ฟ๐ผ๐๐ฒ ๐ง๐ฟ๐ถ๐๐๐ต๐ฎ ๐๐ฒ๐น๐ผ๐ ๐ฅ๐ฒ๐๐ฒ๐, bilang Binibining Monkayo 2025! ๐
Hindi lamang kagandahan ang kanyang ipinamalas sa entablado kundi pati na rin ang talino, puso, at paninindigan para sa kultura at kinabukasan ng Monkayo. Bilang isang g**o, dala niya ang inspirasyon ng mga kabataang kanyang hinuhubog at ngayon, bilang Binibini, dala rin niya ang tinig at adhikain ng buong bayan. ๐โจ
Sa kanyang makabuluhang sagot, kanyang binigyang-diin ang adbokasiya na โTreasures of Monkayo, Wow Kayoโโisang panawagan na itaguyod at ipreserba ang ating yamang likas, kultura, at ang mga kwento ng bawat Monkayoanon. ๐พ๐บ
Aniya, ang korona ay hindi lamang simbolo ng ganda, kundi simbolo ng pag-asa at lakas ng komunidad. Ito ay patunay na ang tunay na Binibini ay yaong nagbubukas ng pintuan ng oportunidad para sa mga magsasaka, artisan, at mga kababayan upang umangat ang kanilang kabuhayan.
Ang kanyang panalo ay hindi lamang tagumpay ng isang indibidwal, kundi tagumpay ng buong bayan ng Monkayoโisang paalala na ang kagandahan ay higit pa sa panlabas na anyo, kundi sa kakayahang magbigay inspirasyon at mag-ambag sa pagbabago. ๐โจ
Mabuhay ka, Bb. Tehrose Trizsha Delos Reyes! Huwaran ng talino, kagandahan, at pusong handang maglingkod na isang tunay na g**o at reyna ng bayan. ๐ฉโ๐ซ๐
๐๐ช๐ฃ๐ถ๐ฉ๐ฐ ๐ฏ๐ช: Edz Adrian Cagbabanua
Photo Courtesy: Municipality of Monkayo