19/05/2024
Heat Exhaustion and Heat Related Illnesses!
Ang heat exhaustion ay ang lubhang pagkapagod dulot ng mainit na temperatura. Maaari itong mangyari kapag nagtagal sa init, at hindi sapat ang pag-inom ng malinis na tubig. Ito ay maaaring magdulot ng dehydration.
Mga Sintomas: pagod, panghihina, sakit sa ulo, pagduduwal, pagkakuba
Heat Stroke
Ang heat stroke ay ang pinaka malubhang uri ng sakit na may kaugnayan sa init. Hindi nakakayanan ng katawan na palamigin ang sarili, at ito’y napupunta sa mapanganib na init ng katawan. Ito ay isang emergency na nangangailangan ng agarang atensyong medikal.
Mga Sintomas: pagkawala ng malay, pagkalito, atake sa puso.
Sakaling makaranas ng alinman sa mga sintomas, tandaan ang mga unang lunas:
- Lumipat sa lilim o lugar na may pagkakataon ng paglamig.
- Alisin ang mga damit.
- Maglagay ng malamig na kompresyon.
- Pag-inom ng malamig na tubig nang dahan-dahan.
- Makipag-ugnayan sa mga serbisyo ng emergency o ospital.
Mga Hakbang sa Pag-iingat:
- Pag-inom ng sapat na tubig.
- Iwasan ang iced tea, soda, kape, o mga inumin na may alcohol.
- Limitahan ang mga outdoor na gawain mula 10 ng umaga hanggang 4 ng hapon.
- Gumamit ng proteksyon laban sa sunburn: sombrero, payong, sunblock.
- Magsuot ng maluwag at magaan na damit.
Maging handa sa bantang dulot ng Mainit na Panahon.