15/04/2026
ARTIST PINASINUNGALINGAN ANG PAHAYAG NI MADRIAGA SA PAINTING
Pinabulaanan ni artist Tanya Gaisano Lee ang pahayag ni Ramil Madriaga kaugnay ng isang painting na nabanggit sa pagdinig ng House Committee on Justice tungkol sa impeachment ni Vice President Sara Duterte.
Sa kanyang Instagram Stories, nilinaw ni Lee na siya mismo ang nagbigay ng naturang painting sa Bise Presidente noong mayor pa ito ng Davao City noong 2021.
“Anything stated otherwise is FALSE. I am not a scholar. I am not from Laguna. I am from Davao: life is HERE.”
Matatandaang sinabi ni Madriaga sa pagdinig na siya umano ang nagbigay ng painting na gawa ng kanyang scholar para kay VP Sara.