21/09/2025
๐ฆ๐๐๐๐๐๐ก ๐๐ก๐ ๐๐๐ก๐๐๐๐ก๐ ๐ฃ๐๐ก๐๐๐๐๐ก
๐๐๐ช๐ก๐๐ฉ-๐ช๐ก๐๐ฉ. ๐๐๐ก๐๐ฃ๐๐ฌ. ๐ฝ๐ช๐ค๐ฃ๐ ๐๐๐ก๐๐ฃ๐ ๐๐ฉ ๐๐๐ก๐๐ฉ.
Liliosa Hilao. Macli-ing Dulag. Archimedes Trajano. Rizalina Ilagan. Emmanuel Lacaba. Edgar Jopson.
Mga pangalang tila nabura na sa pahina ng mga aklat-aralin, ngunit patuloy na bumabalik sa alaala ng mga nakarinig ng kanilang tinig. Mga mukha sa lumang litratoโmapurol na ang kulay, ngunit matalim pa rin ang saysay.
Mga tinig na pinutol bago pa man tuluyang umalingawngaw, mga pangarap na pinigtal bago pa man sumibol.
At sa bawat pangalan na ating naririnig, may mga libo-libong iba pa na hindi kailanman naisulat sa talaan:
mga estudyanteng biglang nawala sa piling ng kanilang paaralan,
mga manggagawang tinanggalan ng kabuhayan,
mga magsasakang binawi ang lupaโt saka pinaslang sa sariling bukirin,
at mga ina at amang hanggang ngayon ay naglalakbay, humahaplos sa hangin, sa pag-asang matatagpuan ang malamig na katawan ng kanilang pinakamamahal.
At higit pa roonโang mga anak ng mahihirap, ang mga tinig sa lansangan, ang mga bangkay sa sapa, ang mga pangalan sa pader, ang mga nawalang parang usok sa gabi.
Mga katauhang hindi naitala, mga kwentong hindi nailathala, mga boses na piniling patahimikin ng Estado, ngunit ngayon, tayo ang kanilang panibagong tinig.
Tayo ang tutula kung silaโy sinakal. Tayo ang sisigaw kung silaโy pinatahimik. Dahil bawat pangalan na binabanggit ay isang paalala: na silaโy totoo, na silaโy nawala, na silaโy pinatahimik, hindi ng panahon, kundi ng pasismo.
Huwag nating hayaang malibing sa katahimikan ang libo-libong boses na pinutol ng karahasan. Hanggang may mga pangalan tayong naaalala, may laban tayong ipinagpapatuloy. Sapagkat sa oras na kalimutan sila, doon tuluyang nagwagi ang kawalan ng hustisya.
Hindi sila statistics. Hindi sila 'collateral damage.' Sila ay anak, kapatid, g**o, manggagawa, mamamayan na ang tanging kasalanan ay ang manindigan.
Ngayong anibersaryo ng Martial Law, hindi tayo magdiriwang. Tayoโy magluluksa. Maniningil. Magsasalita.
Sambitin ang kanilang mga pangalan. Ipaglaban ang kanilang alaala. At sa ngalan nila, ipagpatuloy ang laban.
โ๐๐๐ก๐๐ฃ๐ ๐๐๐ฎ๐๐ฃ๐ ๐จ๐ ๐ ๐๐ข๐๐ฎ ๐ฃ๐ ๐ข๐๐ข๐๐ฉ๐๐ฎ-๐ฉ๐๐ค. ๐๐๐ก๐๐ฃ๐ ๐ ๐๐ฅ๐๐ฎ๐๐ฅ๐๐๐ฃ๐ ๐๐๐ฃ๐๐ก๐ ๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐ฃ๐๐ฃ๐๐ ๐ค๐ฉ. ๐๐๐ก๐๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐๐ ๐๐ ๐๐ก๐๐ข๐ค๐ฉ, ๐๐๐ฃ๐๐๐โ๐ฉ ๐ข๐๐ฎ ๐๐จ๐๐ฃ๐ ๐ฃ๐๐ฃ๐๐ฃ๐๐ฃ๐๐๐๐๐ฃ.โ
At sa kanilang mga pangalan, tayoโy muling magpapakilala.
Sulat ni Cameille Ortega | Associate Editor for Online Journalism Affairs
Layout ni Christian Acero | Head Layout Artist for Technicals