13/05/2026
Ibinunyag ni Batangas 1st District Rep. Leandro Legarda Leviste ang mga dokumentong umano’y nagpapakita na noong April 22 ay nakahanda na ang mga tig-₱200,000 na cheque para sa Nasugbu at Taal, kasama ang iba pang bayan sa lalawigan.
Gayunman, ayon kay Leviste, hindi umano naisama sa payout noong April 24 ang ilang barangay sa kabila ng pagkakumpleto ng mga kinakailangang dokumento noong April 17 at pagkakalahanda ng mga cheque noong April 22.
Giit ng kongresista, lumabas lamang sa publiko ang impormasyon noong May 12, matapos itong maungkat, kaya’t dapat umanong linawin kung bakit naantala ang pamamahagi ng ₱16.8 milyon na para sa 84 barangay.
Binigyang-diin din niya na ang naturang pondo ay galing sa taumbayan at hindi personal na pag-aari ng sinuman, at nanawagan siya ng paliwanag mula sa mga kinauukulan kaugnay ng isyu.