18/08/2025
๐๐๐ฆ๐จ๐ฅ๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ฌ๐ ๐๐ข๐ง๐๐ซ๐ข๐ญ๐๐ง, ๐๐ฆ๐ฉ๐ข๐ฌ๐ ๐ง๐; ๐๐๐ ๐๐๐ ๐ก๐๐ก๐๐ง๐๐ ๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐จ๐ค๐๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐๐ญ ๐๐ฒ๐ฎ๐๐
Sinimulan ngayong araw ang court-ordered demolition sa mga bahay at gusaling nakatirik sa paligid ng palengke at barangay hall sa Ibabao, Binaritan, Morong, Bataan.
Tinatayang mahigit 70 pamilya ang naapektuhan ng demolisyon na nag-ugat sa matagal nang kaso sa pagitan ng mga residente at ng may-ari ng lupa. Bago pa man ang aktibidad, umani na ito ng sari-saring diskusyon at hinaing online mula sa mga apektado.
Kaugnay nito, naglabas kahapon ng pahayag si Mayor Leila G. Linao-Muรฑoz sa opisyal na page ng Municipality of Morong, Bataan na magbibigay ng pinansyal na tulong ang may-ari ng lupa at maglalaan ng lupang malilipatan ang lokal na pamahalaan.
Ipinaliwanag ng LGU na prayoridad ang pagbili ng relocation site para sa mga naapektuhan. Gayunman, dahil mas komplikado ang proseso ng pagbili ng lupa ng pamahalaan kumpara sa pribadong transaksyon, wala pang tiyak na petsa para sa pamamahagi. Kapag nakumpleto ang pagbili, saka pa lamang maglalabas ng mga certificate upang matiyak na ang mga nakalista ay makatatanggap ng kanilang bahagi.
Alinsunod sa batas, nagbigay ng โฑ31,500 na financial assistance ang may-ari ng lupa sa bawat pamilyang naapektuhan. Kasabay nito, namahagi rin ng ayuda ang Department of Social Welfare and Development.
Isa sa nakatanggap ng tulong ay ang pamilya ni โRenibetโ (hindi tunay na pangalan) na nakapaghanda na bago pa man ang demolisyon. โKonti lang din ang naisalba naming gamit. โYung mga kayang buhatin lang at madaliang mailabas, โyun lang ang nailigtas. Pero โyung totoong mahalaga, โyung mga bagay na may kasamang alaala at matagal nang nandoon, naiwan na at kasama nang nawasak,โ aniya.
Para kay Renibet, hindi lamang bahay ang nawala kundi pati ang dignidad. โHindi biro ang mawalan ng bahay at higit pa doon, hindi biro ang mawalan ng dignidad habang nakikita mong winawasak ang lahat ng pinaghirapan ng pamilya mo,โ dagdag niya.
Ipinahayag din ng ilang residente na sana ay nagkaroon ng mas maayos na proseso at mas malinaw na pakikipag-ugnayan mula sa may-ari ng lupa at sa LGU upang mapagaan ang bigat ng pagkawala ng tirahan.
Ayon sa lokal na pamahalaan, sinikap nilang humiling ng extension upang makalipat muna ang mga residente bago ang demolisyon, ngunit hindi ito pinagbigyan ng may-ari ng lupa.
โNgayon, tanging masasabi ko na lang, masakit mawalan ng bahay, pero mas masakit mawalan ng tahanan. โYung bahay namin, wala na. Pero dala ko pa rin lahat ng alaala, pagmamahal, at yakap ng pamilyang doon ko nakasama. Kahit anong demolition ang mangyari, hindi nila kayang gibain โyung puso ng tahanan na dala-dala ko saan man ako mapunta,โ pagtatapos ni Renibet.
___
Disclaimer: All news and information shared here are based on credible sources and verified facts at the time of writing. This page is independent and reflects my perspective as a writer and journalist. Please cross-check for updates as events develop.
Connecting people, one story at a time.
More via | ๐ฉ [email protected]