14/08/2026
ANG TOXIC NA TAO AY HINDI LAGING PINAKAMALAKING PROBLEMA.
Minsan, ang mas malaking problema ay ang LEADER na ayaw niyang i-address.
Masakit, pero kailangang sabihin:
Hindi mo na pinoprotektahan ang tao.
Pinoprotektahan mo na ang sarili mo sa isang mahirap na confrontation.
“Hindi ba ninyo nalalaman na ang kaunting lebadura ay nagpapalsa sa buong masa?”
— 1 Corinto 5:6
Isang maliit na bagay.
Isang taong laging late.
Isang leader na laging absent.
Isang volunteer na puro pangako pero walang delivery.
Isang taong disrespectful pero hindi kino-correct.
At dahil ayaw nating makasakit—
pinapalampas natin.
Tinatawag natin itong grace.
Pero tandaan:
Ang biyaya ay biblical.
Ang pag-enable sa maling pattern ay hindi.
PASTOR, NAKIKITA ITO NG MGA TAO.
Nakikita ito ng faithful volunteer.
Nakikita ito ng taong laging present.
Nakikita ito ng taong naghahanda nang maaga.
Nakikita nila kung sino ang consistent—
at kung sino ang puro salita.
At kapag pareho mong tinatrato ang faithful at unfaithful—
unti-unti mong tinuturuan ang buong church na walang halaga ang faithfulness.
“ANG PINAPALAMPAS MO, ITINUTURO MO.”
Kapag palaging late at walang correction—
itinuturo mong optional ang punctuality.
Kapag hindi naghahanda pero ginagamit pa rin—
itinuturo mong optional ang excellence.
Kapag paulit-ulit na absent pero binibigyan pa rin ng platform—
itinuturo mong optional ang commitment.
Kapag disrespectful pero hindi kino-correct—
itinuturo mong acceptable ang disrespect.
Hindi lang sermon ang bumubuo ng culture.
Ang tolerance mo rin.
KAYA KAILANGAN NG TAPANG SA LEADERSHIP.
“Mas mabuti ang hayagang pagsaway kaysa lihim na pag-ibig. Tapat ang mga sugat ng kaibigan…”
— Kawikaan 27:5–6
Minsan, ang confrontation ay hindi kawalan ng love.
Ito ang tunay na anyo ng love.
Hindi mo siya kino-correct dahil galit ka sa kanya.
Kino-correct mo siya dahil ayaw mong manatili siyang ganoon.
Hindi lahat ng mahal mo ay dapat mong i-promote.
Hindi lahat ng may potential ay ready mag-lead.
Hindi lahat ng matagal na sa church ay qualified sa leadership.
Tenure is not maturity.
Talent is not character.
Potential is not performance.
PASTOR, PROTEKTAHAN MO ANG FLOCK.
“Ingatan ninyo ang inyong sarili at ang buong kawan…”
— Gawa 20:28
Hindi lang responsibility ng leader ang palaguin ang church.
Responsibility din niyang protektahan ang church.
Set clear expectations.
Confront issues early.
Give people room to repent.
Celebrate faithfulness.
Promote proven character.
At kung paulit-ulit ang pattern kahit ilang beses nang kinausap—
magkaroon ng courage na gumawa ng mahirap na decision.
Ito ang matindi:
Ang leader na ayaw mag-confront ng dysfunction ay kalaunan magiging bahagi ng dysfunction.
At minsan, hindi namamatay ang church culture dahil may isang toxic person.
Namamatay ito dahil may leader na paulit-ulit na nagsasabing:
“Hayaan na natin.”
Mag-ingat.
Dahil ang maliit na bagay na ayaw mong i-address ngayon
maaaring maging culture na kailangan mong labanan bukas.
Huwag mong isakripisyo ang buong team para protektahan ang feelings ng isang tao.
— Pastor Kim 🔥