24/01/2025
Convo with my daughter
ate:ma! ma! may ikukwento ako sayo.
me:ano yun?
ate:alam mo ba ay may humintong motor kanina tapos sabi saken sakay na daw ako pero hindi ako sumakay! buti nakita ko sila dal-ang (tita nya na 10yrs old din) tumakbo takbo ako, tapos ayun nakapunta nako sa kanila.
me: hala baka yun yung nagbibigay ng milktea (yung nabalita kahapon dito sa aming brgy). san banda nangyare sa tulay?
ate:oo
(narinig ng papa nya)
papa nya:ano yun lalake babae?
ate:diko alam
me:malaki ba boses
ate:opo
me:edi lalaki yun.
papa:dimo nakita plaka?
ate:hindi
me:anong kulay ng suot at ng motor? nakahelmet lang ba sya hindi nya inalis.
ate: oo, color black. (yung suot) yung motor di nya matandaan anong color
ate:(inulit yung kwento) ay ma sabi nya saken halika na sumabay sabi ng mama mo!! tapos buti may dumaan ayun tumakbo takbo nako at nakita ko sila dal-ang
me:(nagulat 😳) hala anak (sabay yakap ng mahigpit) buti alam mo ginagawa mo ang talino mo naman buti di ka kinabahan.
ate:(nangingilid na luha nya na medyo takot) opo alam ko po gagawin ko
me:bat hindi kase kayo magkakasabay umuwe ng kapatid mo.
ate:ayaw nya kase akong hintayin.
me:sa susunod sabay na kayo sasabihin ko sa teacher na wag syang palabasin hangga't wala kapa.
ate:opo
papa:buti dika sumama
ate:alam ko nadin kase yun matagal na
me:oo nga kahit nung wala pa dito yan sinasabi ko nadin gagawin nila pag may ganun.
me:🥹🥹 buti nalang matalino si ate natin alam ginagawa nya hindi sya sumama at kinabahan.
PAALALA!! Mag ingat po tayo lalo na ang ating mga anak wag po tayong sasama kahit kanino lalo na't sa di natin kakilala! kahit sabihin pa na pinasasabi ng magulang or kung sino man. wag na wag pong maniwala paalalahanan po natin ang ating mga anak. at kung kaya po natin silang ihatid at sunduin gawin po natin para sa kaligtasan ng ating mga anak!!
Ps: sana po maging aware ang brgy official may mag ikot ikot po sanang mga tanod para makita ang mga ganap. at sana po ipaalis ang helmet pag pumasok sa ating baryo para makita ang mga muka kung sino ang mga susundo sa ating mga anak.