The Cache

The Cache The CLSU-Department of Information Technology Official Student Publication

Where Truths Are Stored And Uncovered

[REPOST] NAGKAKAISANG PAHAYAG NG CLSU STUDENT PRESS COMMUNITY HINGGIL SA TOBOSO 19 MASSACREMariing kinukundena ng mga pu...
03/05/2026

[REPOST]

NAGKAKAISANG PAHAYAG NG CLSU STUDENT PRESS COMMUNITY HINGGIL SA TOBOSO 19 MASSACRE

Mariing kinukundena ng mga publikasyon at samahan ng mga estudyante-mamahayag ng Central Luzon State University (CLSU) ang pagpaslang ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa siyam (9) na sibilyan sa isinagawa nitong operasyong militar sa Toboso, Negros Occidental, noong Abril 19. Sibilyan, mga estudyante, mamamahayag, researcher, at advocates ang kabilang sa mga naiulat na nasawi—isang tahasang pagyurak sa karapatang pantao na nangangailangan ng taimtim na pagtawag ng hustisya.

Kinabibilangan ng mga naiulat na biktima ang aming kapwa mamamahayag na si RJ Ledesma, regional coordinator ng Altermidya sa Negros, at Editor-in-chief ng Paghimutad – Negros Alternative Media. Ang buhay-mamamahayag ni Ledesma ay umikot sa paglubog sa kanayunan, pakikipamuhay sa mga rural na komunidad, at paglilimbag ng mga istoryang hindi sa kanya, kundi mga kwento ng tunay na kalagayan ng mga tunay na taong kanyang nakakadaupang-palad: mga magsasaka, mga manggagawa, at mga simpleng mamamayan.

Isa siya sa nagbigay ng boses sa mga magsasaka sa kanilang mga hinaing sa lupang sakahan, sa pait na dinaranas ng mga nagtatrabaho sa tubuhan, at sa kawalan ng tirahan ng mga pamilya sa ngalan ng huwad na pag-unlad.

Gayundin ang mga estudyante ng University of the Philippines na sina Alyssa Alano, Education and Research Councilor ng UP Diliman Student Council, at Maureen Keil Santuyo, peasant advocate ng National Network of Agrarian Reform Alliance – Youth (NNARA-Youth), at Errol Wendel, peasant organizer mula sa Unyon ng Manggagawang Agrikultura (UMA). Kabilang din sa mga nasawi ang dalawang menor de edad.

Bagaman patuloy ang paninindigan ng AFP na armado ang ilan sa mga nasawi at tahasang nagpapakalat ang mga social media trolls ng mga retrato ng mga wala nang buhay na indibidwal na may katabing mga di umano ay mga baril, hindi ito sapat na batayan ng estado upang bansagan silang mga miyembro ng New People’s Army lalo na at may kasaysayan ang AFP ng pagtatanim ng mga ebidensya sa mga kasong kagaya nito. Nauna nang kinompirma ng Communist Party of the Philippines sa isang email exchange sa Philippine Collegian na sina Ledesma at Alano ay hindi nila kaanib.

Sila ay nasa Negros lamang upang makipamuhay at alamin ang kondisyon ng mga magsasaka sa naturang isla, bagay na mahalagang gawain para sa mga mamamahayag upang tunay na maintindihan at matukoy ang mga suliranin nang sa gayon ay epektibong maipahayag ang mga nilalaman ng balita gamit ang mga nakalap na impormasyong hindi maibibigay ng mga aklat at apat na sulok ng paaralan. Ang tahasang pagpaslang at pagbansag sa kanila bilang mga ‘terorista’ ay isang direktang pag-atake sa kanilang konstitusyonal na karapatang tinatamasa dapat ng lahat.

Naisusulat din sa International Humanitarian Law ang proteksyon para sa mga sibilyan, na kanilang binigyang-kahulugan bilang mga indibidwal na hindi mga miyembro at nakikibahagi sa sandatahang lakas o alinmang armadong grupo. Isa ang Pilipinas sa nag-ratipika ng batas na ito at iprinoklama taong 1956.

Hinding-hindi kailanman maituturing na terorismo ang paglilingkod sa masa. Sa halip, ang tanging krimen na nangingibabaw dito ay pagtapak sa karapatang pantao, bagay na itinuturing na krimen at ipinagbabawal mismo ng Batas Republika Blg. 9851 o ang Philippine Act on Crimes Against International Humanitarian Law, Genocide, and Other Crimes Against Humanity.

Isang malaking kabalintunaan na ang mismong inaasahang magpatupad at sumunod sa batas na ito ay sila pang nangunguna sa pagsuway. Sa panahon ngayong pinapaslang ang mga ordinaryong mamamayang ang adhika lamang ay matulungan ang kanilang kapwa, nararapat nang lalong paigtingin ang panawagan para sa hustisya ng mga nasawi at proteksyon para sa mga patuloy sa paglilingkod sa kabila ng peligrong mismong ang gobyerno ang nagpapalaganap.

Nakikiramay ang buong CLSU Student Press Community sa mga pamilya ng mga sibilyang napatay sa gitna ng operasyong militar. Ipinananawagan rin namin na puspusin ng kinauukulan ang legal na pamamaraan at aspeto upang makamit ang hustisya sa mga buhay na sana’y magsisilbi pa para sa ating bayan.

Defend Press Freedom.


NAGKAKAISANG PAHAYAG NG CLSU STUDENT PRESS COMMUNITY HINGGIL SA TOBOSO 19 MASSACRE

Mariing kinukundena ng mga publikasyon at samahan ng mga estudyante-mamahayag ng Central Luzon State University (CLSU) ang pagpaslang ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa siyam (9) na sibilyan sa isinagawa nitong operasyong militar sa Toboso, Negros Occidental, noong Abril 19. Sibilyan, mga estudyante, mamamahayag, researcher, at advocates ang kabilang sa mga naiulat na nasawi—isang tahasang pagyurak sa karapatang pantao na nangangailangan ng taimtim na pagtawag ng hustisya.

Kinabibilangan ng mga naiulat na biktima ang aming kapwa mamamahayag na si RJ Ledesma, regional coordinator ng Altermidya sa Negros, at Editor-in-chief ng Paghimutad – Negros Alternative Media. Ang buhay-mamamahayag ni Ledesma ay umikot sa paglubog sa kanayunan, pakikipamuhay sa mga rural na komunidad, at paglilimbag ng mga istoryang hindi sa kanya, kundi mga kwento ng tunay na kalagayan ng mga tunay na taong kanyang nakakadaupang-palad: mga magsasaka, mga manggagawa, at mga simpleng mamamayan.

Isa siya sa nagbigay ng boses sa mga magsasaka sa kanilang mga hinaing sa lupang sakahan, sa pait na dinaranas ng mga nagtatrabaho sa tubuhan, at sa kawalan ng tirahan ng mga pamilya sa ngalan ng huwad na pag-unlad.

Gayundin ang mga estudyante ng University of the Philippines na sina Alyssa Alano, Education and Research Councilor ng UP Diliman Student Council, at Maureen Keil Santuyo, peasant advocate ng National Network of Agrarian Reform Advocates – Youth (NNARA-Youth), at Errol Wendel, peasant organizer mula sa Unyon ng Manggagawa sa Agrikultura (UMA). Kabilang din sa mga nasawi ang dalawang menor de edad.

Bagaman patuloy ang paninindigan ng AFP na armado ang ilan sa mga nasawi at tahasang nagpapakalat ang mga social media trolls ng mga retrato ng mga wala nang buhay na indibidwal na may katabing mga di umano ay mga baril, hindi ito sapat na batayan ng estado upang bansagan silang mga miyembro ng New People’s Army lalo na at may kasaysayan ang AFP ng pagtatanim ng mga ebidensya sa mga kasong kagaya nito. Nauna nang kinompirma ng Communist Party of the Philippines sa isang email exchange sa Philippine Collegian na sina Ledesma at Alano ay hindi nila kaanib.

Sila ay nasa Negros lamang upang makipamuhay at alamin ang kondisyon ng mga magsasaka sa naturang isla, bagay na mahalagang gawain para sa mga mamamahayag upang tunay na maintindihan at matukoy ang mga suliranin nang sa gayon ay epektibong maipahayag ang mga nilalaman ng balita gamit ang mga nakalap na impormasyong hindi maibibigay ng mga aklat at apat na sulok ng paaralan. Ang tahasang pagpaslang at pagbansag sa kanila bilang mga ‘terorista’ ay isang direktang pag-atake sa kanilang konstitusyonal na karapatang tinatamasa dapat ng lahat.

Naisusulat din sa International Humanitarian Law ang proteksyon para sa mga sibilyan, na kanilang binigyang-kahulugan bilang mga indibidwal na hindi mga miyembro at nakikibahagi sa sandatahang lakas o alinmang armadong grupo. Isa ang Pilipinas sa nag-ratipika ng batas na ito at iprinoklama taong 1956.

Hinding-hindi kailanman maituturing na terorismo ang paglilingkod sa masa. Sa halip, ang tanging krimen na nangingibabaw dito ay pagtapak sa karapatang pantao, bagay na itinuturing na krimen at ipinagbabawal mismo ng Batas Republika Blg. 9851 o ang Philippine Act on Crimes Against International Humanitarian Law, Genocide, and Other Crimes Against Humanity.

Isang malaking kabalintunaan na ang mismong inaasahang magpatupad at sumunod sa batas na ito ay sila pang nangunguna sa pagsuway. Sa panahon ngayong pinapaslang ang mga ordinaryong mamamayang ang adhika lamang ay matulungan ang kanilang kapwa, nararapat nang lalong paigtingin ang panawagan para sa hustisya ng mga nasawi at proteksyon para sa mga patuloy sa paglilingkod sa kabila ng peligrong mismong ang gobyerno ang nagpapalaganap.

Nakikiramay ang buong CLSU Student Press Community sa mga pamilya ng mga sibilyang napatay sa gitna ng operasyong militar. Ipinananawagan rin namin na puspusin ng kinauukulan ang legal na pamamaraan at aspeto upang makamit ang hustisya sa mga buhay na sana’y magsisilbi pa para sa ating bayan.

Defend Press Freedom.


In a nation where truth is threatened by censorship, harassment, and violence, journalism remains a weapon against corru...
03/05/2026

In a nation where truth is threatened by censorship, harassment, and violence, journalism remains a weapon against corruption and abuse of power. Every suppressed story is a stolen truth from the people, and every silenced journalist is an attack on democracy itself.

The Cache, the student publication of Central Luzon State University Department of Information Technology, calls for an end to press censorship and all forms of suppression against journalists and campus publications. Truth must never kneel before power, and a free press cannot exist where fear dictates what can and cannot be written.

The Cache likewise condemns the continuing culture of impunity against media workers. Justice remains denied for journalists like Frenchie Mae Cumpio, RJ Nichole Ledesma, Jacob Baluyot, and countless others who have faced threats, abduction, and death for exposing the truth. Journalism is not a crime, and journalists must not die for fulfilling their duty to the people.

We demand stronger protection for journalists across the country and within the university. We demand sufficient funding, institutional support, and recognition for campus publications to operate freely without fear of intimidation, suppression, or interference from forces that seek to silence critical voices.

The press exists not to protect the powerful, but to hold them accountable. As long as corruption thrives, journalism must persist. As long as injustice lives, the press must continue to fight—for the silenced, for the oppressed, for the truth.


Sa kasalukuyang kalagayan ng ekonomiya sa Pilipinas, araw-araw na pasan ng manggagawang Pilipino ang bigat ng sistemang ...
01/05/2026

Sa kasalukuyang kalagayan ng ekonomiya sa Pilipinas, araw-araw na pasan ng manggagawang Pilipino ang bigat ng sistemang patuloy na nagpapahirap sa kanila.

Habang walang humpay ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin, nananatiling nakapako ang sahod ng uring manggagawa. Sa bawat dagdag-presyo ng pagkain, pamasahe, at serbisyo, lalo namang kinakapos ang mga pamilyang Pilipino.

Sa kabila ng suliranin sa mababang kita, patuloy na inaabuso ang oras, lakas, at kalusugan ng mga manggagawa. Sa ilalim ng mapagsamantalang kalakaran, napipilitan silang magtrabaho nang lampas sa makataong oras kapalit ng sahod na hindi sapat upang mabuhay nang may dignidad.

Sa paggunita sa Araw ng Paggawa, hindi sapat ang pagbibigay ng papuri at pasasalamat. Higit kailanman, kinakailangan ang kongkretong aksyon upang tugunan ang matagal nang hinaing ng uring manggagawa: makabuluhang dagdag-sahod, makataong oras ng paggawa, seguridad sa trabaho, ligtas na kondisyon sa paggawa, at pagwawakas sa iba’t ibang anyo ng pang-aabuso at pagsasamantala.

Ang manggagawa ang nagpapatakbo sa bansa. Sila ang gulugod ng ekonomiya, pundasyon ng bawat industriya, at lakas na bumubuhay sa lipunan.

Panahon na upang pakinggan ang kanilang tinig. Panahon na upang wakasan ang sistemang kumikitil sa kanilang dignidad at kinabukasan.

Mula sa The Cache, opisyal na pahayagang mag-aaral ng Central Luzon State University Department of Information Technology, mariin naming kinikilala at sinusuportahan ang laban ng manggagawang Pilipino para sa makatarungang sahod, karapatan, at disenteng pamumuhay.

Mabuhay ang uring manggagawa!


PANITIKAN: 5-5-5Tila isang bulaklak itong si Maria,itinanim sa sementadong kalsada ng kakulangan,may ugat na nakapako sa...
01/05/2026

PANITIKAN: 5-5-5

Tila isang bulaklak itong si Maria,
itinanim sa sementadong kalsada ng kakulangan,
may ugat na nakapako sa bitak ng kawalan,
may dahon na humihingal sa hangin ng pangungulila,
may luntiang pangarap na pilit humihinga sa sikat ng umaga.

Limang buwan na ang lumipas,
limang buwan ng pagkaluklok sa parehong semento,
limang buwan ng pilit na ngiti.

Kailangan n’yang mamulaklak,
makalabas sa semento ng kawalan,
maranasan ang mag-aruga ng matatamis na bunga,
at mapatubigan ng karapatan.
Kung saan ang nakaaangat ay bibigyan s’yang ginhawa,
at ang batas ay aayon sa kanya na parang ulan sa tag-init—
dumarating, nagbibigay-buhay.

Bawat kalansing ng baryang dumaraan sa kanya,
ay dagok sa puso n’yang nag-aasam ng kalayaan at kontrata.
Sa kabila ng lahat,
isa pa rin namang bulaklak si Maria—
kahit sa sementadong daan,
kahit sa ilalim ng tirik na araw na tila nagsusungit.

Ngunit bukas,
mag-aaklas siya,
kakalas mula sa sementadong kalsada,
hihingi ng pantay na karapatan,
hihiling ng lupa na may buhay,
hihiling ng araw at ulan na hindi manhid sa kanyang pag-usbong,
hihiling na ang mga bulaklak na kaherang tulad n’ya,
ay hindi na lamang pilit itanim sa kakulangan,
kundi sa lupang pahihintulutan s’yang mamukadkad…

at maging regular na bulaklak.

End Endo!

Orihinal na inilathala sa Ateista (Opisyal na Literary Folio ng The Cache para sa Editorial Year 2025-2026)

Isinulat ni Berdeng Dugo
Guhit ni Jaymark Cacondangan, The Cache


CACHE-toons: "Kuromi Fowler" POV: Buong semestre mong inuna ang gala, tulog, at pag-cracram, tapos ngayong labasan ng gr...
28/04/2026

CACHE-toons: "Kuromi Fowler"

POV: Buong semestre mong inuna ang gala, tulog, at pag-cracram, tapos ngayong labasan ng grades sa portal, kay Kuromi ka magmamakaawang tulungan ka.

Guhit ni Sean Oliver Peralta, The Cache


PANITIKAN: Bilyete Lunes ng umaga, iminulat ko ang aking mga matang nagpupungay pa rin sa bigat ng gabing nagdaan. Dali-...
26/04/2026

PANITIKAN: Bilyete

Lunes ng umaga, iminulat ko ang aking mga matang nagpupungay pa rin sa bigat ng gabing nagdaan. Dali-dali kong iniyapak ang mga paa patungong banyo upang gumayak patungo sa lugar kung saan may pa-iskolar ang kongresista. Pagdating ko roon, siksikan—parang mga isdang nasa lata, at maya-maya lamang ay dumating si Kong.

“Kong, manghihingi lang po sana ng pamasahe.”
“Kong, pera lamang po pambayad sa ospital.”
“Kong, isa po akong college scholar, at naaawa ako sa aking mga magulang na kinakapos magpadala mula sa Middle East, naapektuhan po ng sigalot.”

Mga kalansing sa loob ng lata—mga isdang ang hangad ay pag-asa.

Kasama ko ang aking inay na ang sulyap sa aking mga mata’y dismayado, sapagkat ang tulad kong lumaking tikom ang bibig ay hindi nakapagpaawa sa palad ng kongresista.

Matapos ang pagbibigay ng mga kailangan para sa scholarship program, diretsong humakbang ang aking mga paa patungo sa bus na dalawang oras ko pang hinintay papuntang eskwela.

Dumating ako sa isang karnabal—halo-halong nagtitinda ng kung ano-ano ang bumungad sa balintataw kong pagod sa mga sariwang luha. Umikot ito sa mga ilaw ng perya, puno ng iba’t ibang huni ng mga tao—sigawan at tawanan sa kanya-kanyang sakayan.

Isang bilyete. Pumusta ako sa isang bilyete.

Otsentang pisong bilyete kapalit ng panandaliang p**t ko sa katotohanang hindi pantay ang buhay. Sa paglunday ng Vikings na ito, lumilipad sa ere ang aking isipan, at sa paghampas ng hangin sa aking mukha, unti-unting inaalis nito ang galit sa aking damdamin.

Sa bilyete, panandalian kong nalimot kung gaano ko kinasusuklaman ang kung sino mang bumuo ng latang ito ng sardinas na tinipid pa sa sarsa. Sa mga panindang nasa aking harapan, panandalian kong nalimutan ang katarantaduhang isinusukli ng sanlibutan. At sa krudong nagpapalipad at nagpapaugong sa mga sakayan sa perya, lalo nitong ipinamukha na walang daloy ng pagbabago—sapagkat ang dating singkwenta pesos na bilyete ay naging otsenta. Ngunit laking pasasalamat ko pa rin sa bilyete, dahil kahit sa panandaliang panahon, nalimot ko kung gaano kasuwail ang mundo.

Maramdaman ko lang muli ang kumawala sa latang pinagkaitan, sa bilyete, ako’y pupusta nang pupusta.

Isinulat ni Mar Gianne Bautista, The Cache
Guhit ni Joana Marie Fronda, The Cache


LOOK: The Cache, the official student publication of the CLSU–Department of Information Technology, rises strong in its ...
20/04/2026

LOOK: The Cache, the official student publication of the CLSU–Department of Information Technology, rises strong in its debut at the 4th University Publications Press Conference (UPPC), securing 3rd Best Performing Publication.

Entering the conference for the first time, The Cache delivered a standout performance, amassing 416 total points across various categories.

Here is the list of all The Cache entries that won awards in their respective categories:

Social Media Category
- 3rd Best News Entry - Kyx Hubilla & Vince Daniel Mesa
- 1st Best Column Entry - Mariah Nicole Santiago
- 3rd Best Editorial Entry - Lenard Rubang
- 3rd Best Feature Entry - Lyane Daniela Culala
- 1st Best DevComm Entry - Lenard Rubang
- 6th Best Literary Entry - Mar Gianne Bautista
- 5th Best Sports Entry - Edrian Lawrence Ipac
- 5th Best Editorial Cartoon Entry - Jaymark Cacondangan
- 2nd Best News Photo Entry - Chris Dwayne Fernandez
- 3rd Best Comics Entry - Joana Marie Fronda
- 2nd Best Literary Graphics Entry - Joana Marie Fronda
- 2nd Best Infographics Entry - Dharyll Badua

News Broadcast Production (TeknoBalita)
- 8th Best News Anchor - Abraham Pinpin
- 10th Best News Anchor - Mariel Elexa Francisco
- 4th Best Technical Director - Sam Axel Benedicto
- 10th Best News Story - “Platform shift ng CLSU”
- 5th Best News Script
- Overall 6th Place

Newsletter
- 2nd Best News Pages
- 1st Best Opinion Pages
- 2nd Best Features Pages
- 4th Best Development Communication Pages
- 5th Best Literary Pages
- 3rd Best Sports Pages
- 3rd Best Photos
- 1st Best Page Design
- Overall 1st Place

Tabloid
- 2nd Best News Pages
- 2nd Best Opinion Pages
- 2nd Best Features Pages
- 1st Best Development Communication Pages
- 5th Best Literary Pages
- 6th Best Sports Pages
- 3rd Best Photos
- 1st Best Page Design
- Overall 2nd Place

Magazine (Kawayanan)
- 4th Best News Pages
- 1st Best Opinion Pages
- 1st Best Features Pages
- 3rd Best Development Communication Pages
- 4th Best Literary Pages
- 4th Best Sports Pages
- 4th Best Concept
- 1st Best Cover Design
- 2nd Best Photos
- 1st Best Page Design
- Overall 2nd Place

Literary Folio (Ateista)
- 1st Best Visual Arts
- 4th Best Literary Concept
- 5th Best Literary Content
- 2nd Best Page Design
- 1st Best Cover Design
- Overall 3rd Place

Anchored on the theme “Beyond the Campus: Young Journalists as Cross-Platform Catalysts for the Filipino Communities,” the 4th UPPC brings together CLSU campus publications at the R&E Amphitheater to celebrate student journalism and excellence.


IN PHOTOS: The University Auditorium was transformed into a dazzling display of artistry, advocacy, and charisma last Ap...
19/04/2026

IN PHOTOS: The University Auditorium was transformed into a dazzling display of artistry, advocacy, and charisma last April 16, as drag queens took center stage for the highly anticipated ExDRAGvaganza.

Held in celebration of Central Luzon State University’s 119th Founding Anniversary, the event provided a vibrant platform for expression, blending high-fashion aesthetics with powerful performances that captivated the student body and faculty alike. From intricate costumes that pushed the boundaries of creativity to lip-sync numbers that brought the house down, the queens delivered a show that underscored the university's commitment to inclusivity and the celebration of diverse cultural forms.

Photos by Chris Dwayne Fernandez, The Cache


ICYMI: The Gabi ng Parangal, themed SANDUGUAN: Dugo at Diwa ng Nagkakaisang Tagumpay, recognized excellence among studen...
17/04/2026

ICYMI: The Gabi ng Parangal, themed SANDUGUAN: Dugo at Diwa ng Nagkakaisang Tagumpay, recognized excellence among students, faculty, and staff from various departments, colleges, and university offices on April 14 at the University Oval Grounds.

Photos by Chris Dwayne Fernandez, The Cache


NEWS: Capstone presentations, awarding of winners mark ITCON 2026Capstone projects highlighting innovation and technical...
17/04/2026

NEWS: Capstone presentations, awarding of winners mark ITCON 2026

Capstone projects highlighting innovation and technical expertise took center stage as 4th-Year Bachelor of Science in Information Technology (BSIT) students presented their research during the Information Technology Research and Innovation Conference (ITCON) 2026 on April 14, held as part of the Technology Week celebration.

The event gathered alumni, faculty members, and invited experts who served as panelists during the presentations. It showcased the capabilities and skills developed by the soon-to-be graduates through four years of practical and theoretical learning. Projects centered on AI-driven technologies, Internet of Things (IoT), systems development, and cybersecurity.

The program opened with remarks from College of Engineering representative Dr. Jose P. Dela Cruz, followed by IT Capstone Coordinator Mr. Ronnie Camilo F. Robles and Department Head Dr. Angela C. Tolentino, who introduced the keynote speaker.

Assoc. Prof. Michelle M. Cortez, Dean of the Institute of Computer Studies at Bulacan Agricultural State University, emphasized the significance of capstone projects for aspiring professionals.

“It opens many possibilities, not only for you but for many of us,” Cortez stated.

She highlighted that capstone projects aim to address pressing problems through technical and automated solutions, while also opening opportunities for collaboration across different sectors.

Following the keynote address, the program proceeded with the presentations, while the awarding of outstanding capstone projects was conducted the following day, April 15.

𝗕𝗲𝘀𝘁 𝗣𝗼𝘀𝘁𝗲𝗿 𝗔𝘄𝗮𝗿𝗱𝘀
The Best Poster award was given to two capstone projects focused on institutional service and public security:

Integrated CLSU Auxiliary Service Lodging Management System with Data Visualization and Centralized Booking for CLSU Auxiliary Service – Farmers Hostel
Authors: Mark Louie Cacho, Ma. Xciamiah Gail Abad, Hanz Lionel Busine
Adviser: Mr. Joey G. Fernando

RESQNECT: Enhancing Bayani App for Smarter Emergency Response in Science City of Muñoz
Authors: Jhero Antonio, Mathea Zaida Gaye Francisco, Edzleizel Mae Sagabaen
Adviser: Mr. Cenon C. Divina

𝟭𝘀𝘁 𝗥𝘂𝗻𝗻𝗲𝗿-𝗨𝗽 𝗳𝗼𝗿 𝗕𝗲𝘀𝘁 𝗣𝗼𝘀𝘁𝗲𝗿:
- EMOTION TRACK: A web application for monitoring and analyzing senior high school students’ emotions using logged inputs
- DoWell: An all-inclusive patient management and treatment scheduling application for Dwell Dermatology Center

𝟮𝗻𝗱 𝗥𝘂𝗻𝗻𝗲𝗿-𝗨𝗽 𝗳𝗼𝗿 𝗕𝗲𝘀𝘁 𝗣𝗼𝘀𝘁𝗲𝗿:
- BUILDXACTLY: A smart recommender system for construction material estimation
- PWA-Based Delivery Management System with real-time order tracking
- Smart Event Management and Reservation System for CLSU–IAO
- Arduino-Based IoT-Driven RFID Bicycle Lock with GPS tracking

𝗕𝗲𝘀𝘁 𝗣𝗿𝗲𝘀𝗲𝗻𝘁𝗲𝗿 𝗔𝘄𝗮𝗿𝗱𝘀
The Best Presenter awards recognized students’ ability to clearly communicate complex and technical concepts:

- FERTILYZE: A soil fertilizer recommendation mobile application
- BantayKalusugan: An integrated public health surveillance and response system
- CLAIR: Automated monitoring and treatment system for ammonia emissions in poultry farms

𝗕𝗲𝘀𝘁 𝗖𝗮𝗽𝘀𝘁𝗼𝗻𝗲 𝗔𝘄𝗮𝗿𝗱𝘀
Under the Mobile and Cloud Computing track:

- Green Innovations for Tomorrow Corporation (GIFT Corp.)
- WRITERS: An integrated platform for writing resources and services
- CLSU-FHES: An automated faculty hiring and evaluation system

Under Data Science and Artificial Intelligence:

- BITECAREPH: A web-based system for animal bite treatment centers

Under Cyber-Physical Systems and IoT:

- RFID-Based E-Logbook: A real-time facility monitoring system

A standout project, RICECOUNT: An IoT-Based System for Enhanced Accuracy and Efficiency in Rice Grain Counting, received both Best Presenter and Best Capstone awards under the Video and Image Processing track. The project was developed by Kyle Angeli R. Mejia, Erjohn Agape Sabio, and Mark Vincent Tapec, under the supervision of Mr. Leo Christopher Viray. | via Justine Rey Garcia, The Cache

Photos by Kim Carlo Herrera, The Cache


Address

CLIRDeC, Department Of Information Technology State University
Muñoz

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when The Cache posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category