30/10/2025
Lumang larawan sa Canuyep Elementary School, Brgy. Canuyep Mulanay, Quezon. Kung saan sa idad kung walo (Grade 2) naglalakad na kami ng higit kumulang 14 km. araw araw para lang makapasok sa eskwelahan.
Simple lang pangarap ko noon, noong panahong buo pa ang pamilya at hindi pa kami nagkakawatak watak. Sabi ko sa kanila habang nagtitikal sila ng lukad, magtatapos ako ng pag-aaral para kahit papano ay may makatapos sa pamilya, at magkaroon tayo ng maayos na buhay.
Nag Grade 1 ako sa Mulanay Central Elementary School at naging g**o ko noon si Mam Rocete na ngayo'y nasa feeling na ni Amang lumikha, sa tapat ng lumang room ni Sir Felix Roadilla. Napalipat ng Grade 2 sa Canuyep Elementary School at nagbalik ng Mulanay Central Elementary School ng Grade 3. Naging Teacher ko ang tito Felix Roadilla, Mam Reviliosa, Mam Cherry Mendoza, at Sir Villare.
Naranasan ko na ang lahat ng hirap gaya ng maglukad, mangisda, mag-uling, mag balagwit ng tubig, manglikay pambili ng candy na hubad. Grade VI ako noon nong magsimula kaming magkawatak watak dahil sa problema ng pamilya. Gumraduate ako ng Grade 6 sa Mulanay Central Elementary School ng walang kasamang magulang, na para bang isang tupang naliligaw sa isang malawak na pastulan.
Mahirap sa una specially pagka nasa ganon idad kapalang, nagpalipat lipat ako ng tahanan. Napunta sa Lola't lolo ko, hanggang sa ampunin ako ni Director Adelia R. Roadilla ng PUP Mulanay na kapatid ng tatay ko. Sa kanila ako nanilbihan kapalit ng pag-aaral ko. Pangalawang magulang at tumayong magulang ko hanggang sa maka Graduate ng koleheyo. Opo nagtrabaho po ako, working student para makatapos. Nagpakatulong po baga para sa pangarap. (Pero sa ASTI sana talaga ako kung di niya ako inampun)
Gumraduate ako sa Mulanay Institute batch 2013 at Nakapag tapos ng koleheyo sa Polytechnic University of the Philippines - Mulanay Campus sa kursong Bachelor of Science in Office Administration (BSOA) Batch 2017. After kung makapag - tapos, April 18, 2017, ay may trabaho na agad na naghihintay sakin sa San Pedro Laguna at doon ang aking unang karanasan sa pag oopisina.
P.A Alvarez Properties isang real estate at napunta ako sa frontline office kung saan makikita mo at makaka kilala ka ng iba't ibang uri ng ugali ng tao. Masaya na may kasamang kunting kaba, na regular ako doon bago ako mag resign dahil may offer sakin ang PUP Mulanay.
Hindi ako natanggap sa PUP Mulanay dahil sa Third Degre Consanguinity at dahil doon nawalan ako ng pag-asa. Ang sabi ng Tita ko mag Computer Shop ako and yes, nag boom naman bago ang Pandemic. Buti nalang tinanggap ako ng PUP Unisan Campus.
March 15, 2019, to Present, dahil sa merong master's degree course ang PUP Unisan, nag subok ulit akong mag-aral ng master's in public administration, nakumpleto ang academic units and nakapasa sa Comprehensive Examination. Thesis nalang talaga ang kulang Graduate na. Ngunit dahil sa problemang financial hindi ko pa ito matapos tapos. Ngunit ang maipagmamalaki ko lang kahit papano nakakapag invest ako ng sariling lupa at bahay sa idad na bente otso (28). Pero ilang porsyente nito ay Loan at utang parin 🤣 Habang ang mga Congressmang sangkot sa corruption ay nagpapaka sasa sa mga tax nating binabayaran sa araw araw ng gawain. Haizt..
Nasan ang hustisya 🥹