Parish Youth Ministry - Parokya ng Ina ng Laging Saklolo - Sumagonsong

Parish Youth Ministry - Parokya ng Ina ng Laging Saklolo - Sumagonsong PYM Sumagonsong Official page
๐Ÿ‡ป๐Ÿ‡ฆ Roman Catholic Diocese of Gumaca
Vicariate of St. Luke

02/10/2026

Pumirma tayo sa
"Dapat Isa Lang" People's Initiative
upang tapusin ang Political Dynasty sa bansa.

d1l.org
dapat.isalang.org

๐๐€๐๐€๐‹๐€๐๐†๐ˆ๐ ๐’๐€ ๐€๐๐†๐‡๐„๐‹ ๐๐€ ๐“๐€๐†๐€๐“๐€๐๐Ž๐ƒ (๐€๐ง๐ ๐ก๐ž๐ฅ ๐๐ž๐ฅ๐š ๐†๐ฎ๐š๐ซ๐๐ข๐š)๐‘จ๐’๐’ˆ๐’‰๐’†๐’ ๐’๐’ˆ ๐‘ซ๐’Š๐’š๐’๐’”, ๐’•๐’‚๐’ˆ๐’‚๐’•๐’‚๐’๐’๐’… ๐’Œ๐’๐’๐’ˆ ๐’Ž๐’‚๐’‰๐’‚๐’, ๐’๐’‚ ๐’”๐’‚ ๐’‘๐’‚๐’ˆ-๐’Š๐’ƒ๐’Š๐’ˆ ๐‘ต๐’Š๐’š๐’‚, ๐’‚๐’Œ๐’ ๐’”...
01/10/2026

๐๐€๐๐€๐‹๐€๐๐†๐ˆ๐ ๐’๐€ ๐€๐๐†๐‡๐„๐‹ ๐๐€ ๐“๐€๐†๐€๐“๐€๐๐Ž๐ƒ (๐€๐ง๐ ๐ก๐ž๐ฅ ๐๐ž๐ฅ๐š ๐†๐ฎ๐š๐ซ๐๐ข๐š)

๐‘จ๐’๐’ˆ๐’‰๐’†๐’ ๐’๐’ˆ ๐‘ซ๐’Š๐’š๐’๐’”,
๐’•๐’‚๐’ˆ๐’‚๐’•๐’‚๐’๐’๐’… ๐’Œ๐’๐’๐’ˆ ๐’Ž๐’‚๐’‰๐’‚๐’,
๐’๐’‚ ๐’”๐’‚ ๐’‘๐’‚๐’ˆ-๐’Š๐’ƒ๐’Š๐’ˆ ๐‘ต๐’Š๐’š๐’‚,
๐’‚๐’Œ๐’ ๐’”๐’‚ ๐’Š๐’š๐’'๐’š ๐’‘๐’Š๐’๐’‚๐’–๐’ƒ๐’‚๐’š๐’‚.

๐‘บ๐’‚ ๐’‚๐’“๐’‚๐’˜ ๐’๐’‚ ๐’Š๐’•๐’,
๐’”๐’‚ ๐’‘๐’Š๐’๐’Š๐’๐’ˆ ๐’Œ๐’'๐’š ๐’‰๐’–๐’˜๐’‚๐’ˆ ๐’๐’–๐’Ž๐’Š๐’”๐’‚๐’,
๐’‚๐’Œ๐’'๐’š ๐’•๐’‚๐’๐’ˆ๐’๐’‚๐’˜๐’‚๐’, ๐’ƒ๐’‚๐’๐’•๐’‚๐’š๐’‚๐’,
๐’‘๐’‚๐’Ž๐’–๐’๐’–๐’‚๐’ ๐’‚๐’• ๐’ˆ๐’‚๐’ƒ๐’‚๐’š๐’‚๐’.

๐‘จ๐’Ž๐’†๐’.








๐‘ถ๐‘ฒ๐‘ป๐‘ผ๐‘ฉ๐‘น๐‘ฌ, ๐‘จ๐‘ต๐‘ฎ ๐‘ฉ๐‘ผ๐‘พ๐‘จ๐‘ต ๐‘ต๐‘ฎ ๐‘บ๐‘จ๐‘ต๐‘ป๐‘ถ ๐‘น๐‘ถ๐‘บ๐‘จ๐‘น๐’€๐‘ถAng Oktubre ay nakatalaga bilang Buwan ng Santo Rosaryo sa Simbahang Katolika dahil s...
01/10/2026

๐‘ถ๐‘ฒ๐‘ป๐‘ผ๐‘ฉ๐‘น๐‘ฌ, ๐‘จ๐‘ต๐‘ฎ ๐‘ฉ๐‘ผ๐‘พ๐‘จ๐‘ต ๐‘ต๐‘ฎ ๐‘บ๐‘จ๐‘ต๐‘ป๐‘ถ ๐‘น๐‘ถ๐‘บ๐‘จ๐‘น๐’€๐‘ถ

Ang Oktubre ay nakatalaga bilang Buwan ng Santo Rosaryo sa Simbahang Katolika dahil sa matagal nang debosyon kay Maria at sa Rosaryo bilang panalangin ng pagninilay sa buhay ng Panginoong Hesukristo.

Ang mahalagang pinagmulan nito ay ang Labanan sa Lepanto noong Oktubre 7, 1571. Hinikayat ni Papa San Pio V ang mga Kristiyano na manalangin ng Santo Rosaryo para sa tagumpay. Matapos ang tagumpay ng Holy League, naging mahalaga ang Oktubre 7 sa debosyon sa Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo.

Noong 1883, itinalaga ni Papa Leo XIII ang buong buwan ng Oktubre sa espesyal na debosyon sa Santo Rosaryo. Dahil dito, naging tradisyon ng Simbahan ang paggunita sa Oktubre bilang Buwan ng Santo Rosaryo, habang ang Oktubre 7 ay ipinagdiriwang bilang Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo.

Ang Santo Rosaryo ay hindi lamang panalangin kay Maria; ito ay pagninilay sa buhay, pagpapakasakit, kamatayan, at kaluwalhatian ni Hesukristo, kasama ang Mahal na Birhen, bilang Kanyang ina.

Mahal na Ina ng Santo Rosaryo, ipanalangin mo kami.








๐๐€๐๐€๐‹๐€๐๐†๐ˆ๐ ๐Š๐ˆ๐๐€ ๐’๐€๐ ๐Œ๐ˆ๐†๐”๐„๐‹, ๐’๐€๐ ๐†๐€๐๐‘๐ˆ๐„๐‹, ๐€๐“ ๐’๐€๐ ๐‘๐€๐…๐€๐„๐‹, ๐Œ๐†๐€ ๐€๐‘๐Š๐€๐๐†๐‡๐„๐‹Kapistahan: Setyembre 29O mga banal na Arkanghel, S...
28/09/2026

๐๐€๐๐€๐‹๐€๐๐†๐ˆ๐ ๐Š๐ˆ๐๐€ ๐’๐€๐ ๐Œ๐ˆ๐†๐”๐„๐‹, ๐’๐€๐ ๐†๐€๐๐‘๐ˆ๐„๐‹, ๐€๐“ ๐’๐€๐ ๐‘๐€๐…๐€๐„๐‹, ๐Œ๐†๐€ ๐€๐‘๐Š๐€๐๐†๐‡๐„๐‹
Kapistahan: Setyembre 29

O mga banal na Arkanghel, San Miguel, San Gabriel, at San Rafael, mga tapat na lingkod at sugo ng Diyos, samahan at ipanalangin ninyo kami.

SAN MIGUEL,
tagapagtanggol laban sa kasamaan, ipagtanggol ninyo kami sa tukso, panganib, at anumang masama. Palakasin ang aming pananampalataya at katapangan.

SAN GABRIEL,
tagapagdala ng Mabuting Balita, turuan ninyo kaming makinig sa Diyos, sundin ang Kanyang kalooban, at maging tagapagdala ng pag-asa at katotohanan.

SAN RAFAEL,
arkanghel ng kagalingan at kasama sa paglalakbay, pagalingin at aliwin ang mga may karamdaman at samahan kami sa aming bawat hakbang.

Samahan at gabayan ninyo kami palapit kay Kristo, ipag-adya sa masama, at tulungan kaming mamuhay nang may pananampalataya, pag-ibig, at pag-asa.

San Miguel, San Gabriel, at San Rafael, ipanalangin ninyo kami at dalhin ang aming mga dalangin sa harap ng Diyos.

Amen.










๐๐€๐๐€๐‹๐€๐๐†๐ˆ๐ ๐Š๐€๐˜ ๐’๐€๐ ๐‹๐Ž๐‘๐„๐๐™๐Ž ๐‘๐”๐ˆ๐™ ๐ƒ๐„ ๐Œ๐€๐๐ˆ๐‹๐€  Kapistahan: Setyembre 28Amang Mapagmahal, ang Iyong Anak na si Hesukristo ay ...
27/09/2026

๐๐€๐๐€๐‹๐€๐๐†๐ˆ๐ ๐Š๐€๐˜ ๐’๐€๐ ๐‹๐Ž๐‘๐„๐๐™๐Ž ๐‘๐”๐ˆ๐™ ๐ƒ๐„ ๐Œ๐€๐๐ˆ๐‹๐€
Kapistahan: Setyembre 28

Amang Mapagmahal, ang Iyong Anak na si Hesukristo ay naghandog ng kanyang buhay para sa kaligtasan ng tanan. Kasihan kami ng iyong pag-ibig upang maihandog ang aming buhay para sa iyo at sa aming kapwa tao. Inakay rin ng mapagpala Mong kamay ang iyong mga lingkod na sina San Lorenzo Ruiz at mga kasama sa lupain ng Hapon upang tularan ang sakripisyo ni Kristo at ipamansag ang Mabuting Balita ng Kaligtasan. Isinasamo namin na sa pamamagitan ng panalangin ng mga banal na martir na kami'y maging matatag sa pananampalataya tulad nila at maging kasangkapan ng pagpapahayag ng mabuting balita sa aming bayan at sa mga bansang nasa paligid namin. Dinggin Mo ang aming kahilingan at ang tanging biyayang aming hinihingi:

(Banggitin ang intensyon)

San Lorenzo Ruiz at mga kasamahan, Ipanalangin ninyo kami.

Amen.








๐๐€๐๐€๐‹๐€๐๐†๐ˆ๐ ๐Š๐€๐˜ ๐’๐€๐ ๐๐€๐ƒ๐‘๐„ ๐๐ˆ๐Ž ๐๐† ๐๐ˆ๐„๐“๐‘๐„๐‹๐‚๐ˆ๐๐€ Kapistahan: Setyembre 23Mahal na Padre Pio, tumatawag ako sa iyo ngayon kasa...
23/09/2026

๐๐€๐๐€๐‹๐€๐๐†๐ˆ๐ ๐Š๐€๐˜ ๐’๐€๐ ๐๐€๐ƒ๐‘๐„ ๐๐ˆ๐Ž ๐๐† ๐๐ˆ๐„๐“๐‘๐„๐‹๐‚๐ˆ๐๐€
Kapistahan: Setyembre 23

Mahal na Padre Pio, tumatawag ako sa iyo ngayon kasama ng maraming nagmamahal at namimintuho sa iyo.

Alang-alang sa mga sugat na iyong tiniis nang maraming taon bilang pakikiisa sa pagpapakasakit ni Jesus, naging kalugud-lugod ka sa Panginoon at tinawag ka upang mapabilang sa kasamahan ng mga banal.

Naniniwala akong dinidinig ng Panginoon ang iyong pagtawag para sa mga humihingi ng paggaling at pinatatawad din niya ang iyong mga pinatawad. Ang paggaling ng mga maysakit ang katibayan na hindi ka binibigo ng Panginoon.

Sumasamo ako sa iyo na tulungan akong ilapit sa Diyos ang aking kahilingan.

(Banggitin ang kahilingan.)

Huwag mo sana akong pabayaan at pagpalain mo ang lahat ng aking mga mahal sa buhay.
Amen.

Santo Padre Pio, ipanalangin mo kami!









๐๐‘๐€๐˜๐„๐‘ ๐“๐Ž ๐Ž๐”๐‘ ๐‹๐€๐ƒ๐˜ ๐Ž๐… ๐๐„ร‘๐€๐…๐‘๐€๐๐‚๐ˆ๐€ Feast Day: September 20Turn to me thine eyes, Oh most loving Virgin of Peรฑafrancia and...
19/09/2026

๐๐‘๐€๐˜๐„๐‘ ๐“๐Ž ๐Ž๐”๐‘ ๐‹๐€๐ƒ๐˜ ๐Ž๐… ๐๐„ร‘๐€๐…๐‘๐€๐๐‚๐ˆ๐€
Feast Day: September 20

Turn to me thine eyes, Oh most loving Virgin of Peรฑafrancia and have mercy on my soul that come to thee, full of repentance.

Protect my family, relatives, friends and benefactors. Intercede for your devotees, both the living and the dead, especially for those whom I am most obliged to help.

Pray for me, console me, save me. In my hours of peril, adversity and afflictions, above all, in the hour of my death, appear before your Divine Son to help and defend me.

Tell Him that I am your devotee, that having complete trust in your protection I kneel before your miraculous image to ask for your powerful intercession. Virgin of Peรฑafrancia, Pray for me, help me, console me, and deliver me from all evil.

Amen.







๐๐€๐๐€๐‹๐€๐๐†๐ˆ๐ ๐’๐€ ๐๐Ž๐Ž๐๐† ๐‰๐„๐’๐”๐’ ๐๐€๐™๐€๐‘๐„๐๐Ž (tuwing Biyernes)Katamis-tamisan naming mahal na Poong Jesus Nazareno, Diyos at Manun...
18/09/2026

๐๐€๐๐€๐‹๐€๐๐†๐ˆ๐ ๐’๐€ ๐๐Ž๐Ž๐๐† ๐‰๐„๐’๐”๐’ ๐๐€๐™๐€๐‘๐„๐๐Ž
(tuwing Biyernes)

Katamis-tamisan naming mahal na Poong Jesus Nazareno, Diyos at Manunubos ko, na naglakbay sa Kalbaryong pasan-pasan Mo ang Krus na pagpapakuan sa Iyo. Akong abang makasalanan, na naging dahilan ng Iyong di masayod na hirap ay nagpupuri sa Iyo at nagpapasalamat, na bilang maamong Kordero ay buong hinahong tinanggap Mo sa ibabaw ng Iyong balikat ang kahoy ng Iyong kamatayan upang doon mawakasan ang aking mga kasalanan at ng sandaigdigan.

Patawarin mo ako, O Butihing Jesus; inaamin ko ang aking mga sala at akoโ€™y nananalig na dahil sa kabutihan Mong walang kahulilip ay hugasan Mo ng Iyong Dugo. Iniibig Kita ng higit sa lahat ng bagay, ipinangangako na akoโ€™y magiging matapat hanggang sa oras ng aking kamatayan.

Patnubayan Mo ako, Diyos ko, ng Iyong biyaya at ihatid Mo ako sa landas ng Iyong mga Utos diyan sa Iyong Langit na Kaharian.
Siya Nawa.








๐‘ƒ๐‘…๐ด๐‘Œ๐ธ๐‘… ๐‘‡๐‘‚ ๐‘‚๐‘ˆ๐‘… ๐‘€๐‘‚๐‘‡๐ป๐ธ๐‘… ๐‘‚๐น ๐‘ƒ๐ธ๐‘…๐‘ƒ๐ธ๐‘‡๐‘ˆ๐ด๐ฟ ๐‘†๐‘ˆ๐ถ๐ถ๐‘‚๐‘… (๐š„๐š—๐šŠ๐š‹๐š›๐š’๐š๐š๐šŽ๐š ๐š˜๐š›๐š’๐š๐š’๐š—๐šŠ๐š• ๐šŸ๐šŽ๐š›๐šœ๐š’๐š˜๐š—, ๐šŽ๐šก๐šŠ๐šŒ๐š ๐š๐š›๐šŠ๐š—๐šœ๐š•๐šŠ๐š๐š’๐š˜๐š—, ๐š‹๐šข ๐š‚๐š ๐™ฐ๐š•๐š™๐š‘๐š˜๐š—๐šœ๐šž๐šœ ๐™ป๐š’๐š๐šž๐š˜๐š›๐š’) O Mot...
16/09/2026

๐‘ƒ๐‘…๐ด๐‘Œ๐ธ๐‘… ๐‘‡๐‘‚ ๐‘‚๐‘ˆ๐‘… ๐‘€๐‘‚๐‘‡๐ป๐ธ๐‘… ๐‘‚๐น ๐‘ƒ๐ธ๐‘…๐‘ƒ๐ธ๐‘‡๐‘ˆ๐ด๐ฟ ๐‘†๐‘ˆ๐ถ๐ถ๐‘‚๐‘…
(๐š„๐š—๐šŠ๐š‹๐š›๐š’๐š๐š๐šŽ๐š ๐š˜๐š›๐š’๐š๐š’๐š—๐šŠ๐š• ๐šŸ๐šŽ๐š›๐šœ๐š’๐š˜๐š—, ๐šŽ๐šก๐šŠ๐šŒ๐š ๐š๐š›๐šŠ๐š—๐šœ๐š•๐šŠ๐š๐š’๐š˜๐š—, ๐š‹๐šข ๐š‚๐š ๐™ฐ๐š•๐š™๐š‘๐š˜๐š—๐šœ๐šž๐šœ ๐™ป๐š’๐š๐šž๐š˜๐š›๐š’)

O Mother of Perpetual Succour, behold me, a miserable sinner, at your feet.
I have recourse to you, and put my trust in you.

O Mother of Mercy, have pity upon me. I hear you called by all the refuge and hope of sinners; be then my refuge and my hope. Succour me for the love of Jesus Christ; stretch out your hand to me, O my Mother, who recommend and dedicate myself to you as your perpetual servant. I bless and thank God for having in his mercy given to me this confidence in you, the pledge, as I believe, of my eternal salvation. Alas, too often in the past I have miserably fallen because I did not have recourse to you! I know that with your help I shall conquer; I know that you will help me if I recommend myself to you; but I fear that in the occasions of falling I might not call on you and so should lose my soul. This, then, is the grace I seek from you โ€“ and I beg you to obtain it for me โ€“ namely, in the assaults of hell always to have recourse to you and to say to you:

"O Mary, help me; Mother of Perpetual Succour, do not allow me to be separated from God."

Amen.








๐‘ท๐’‚๐’ˆ๐’ˆ๐’–๐’๐’Š๐’•๐’‚ ๐’”๐’‚ ๐‘ด๐’‚๐’‰๐’‚๐’ ๐’๐’‚ ๐‘ฉ๐’Š๐’“๐’‰๐’†๐’๐’ˆ ๐‘ด๐’‚๐’“๐’Š๐’‚ ๐’๐’‚ ๐‘ต๐’‚๐’ˆ๐’…๐’‚๐’…๐’‚๐’๐’‚๐’Ž๐’‰๐’‚๐’•๐’Š ๐Ÿ๐Ÿ“ ๐‘บ๐’†๐’•๐’š๐’†๐’Ž๐’ƒ๐’“๐’† Sa araw na ito, inaalala natin ang Mahal na Birheng M...
14/09/2026

๐‘ท๐’‚๐’ˆ๐’ˆ๐’–๐’๐’Š๐’•๐’‚ ๐’”๐’‚ ๐‘ด๐’‚๐’‰๐’‚๐’ ๐’๐’‚ ๐‘ฉ๐’Š๐’“๐’‰๐’†๐’๐’ˆ ๐‘ด๐’‚๐’“๐’Š๐’‚ ๐’๐’‚ ๐‘ต๐’‚๐’ˆ๐’…๐’‚๐’…๐’‚๐’๐’‚๐’Ž๐’‰๐’‚๐’•๐’Š
๐Ÿ๐Ÿ“ ๐‘บ๐’†๐’•๐’š๐’†๐’Ž๐’ƒ๐’“๐’†

Sa araw na ito, inaalala natin ang Mahal na Birheng Maria na Nagdadalamhati, ang Ina na nakibahagi nang buong puso sa paghihirap at sakripisyo ng kanyang Anak na si Hesukristo.

Ang Pitong Hapรญs (7) ni Maria:

1. ๐Ÿ—ก๏ธ ANG PROPESIYA NI SIMEON

โ€œAt pagdaraan ang isang tabak sa iyong sariling puso.โ€
โ€” Lucas 2:35

Sa pagdadala nina Maria at Jose kay Hesus sa Templo, sinabi ni Simeon na ang batang ito ay magiging tanda ng pagsalungat at ang isang tabak ay tatagos sa puso ni Maria.

Pagninilay:
Bago pa man mangyari ang Kalbaryo, ipinahiwatig na kay Maria ang sakit na kaakibat ng kanyang pagiging Ina ng Tagapagligtas. Gayunman, hindi siya umatras. Tinanggap niya ang kalooban ng Diyos.

2. ๐Ÿ—ก๏ธ ANG PAGTAKAS PATUNGONG EHIPTO

โ€œBumangon ka, dalhin mo ang bata at ang kanyang ina, at tumakas kayo patungong Ehipto.โ€
โ€” Mateo 2:13

Kinailangan nina Maria at Jose na lumikas kasama ang sanggol na si Hesus upang iligtas Siya mula kay Herodes.

Pagninilay:
Hindi naging madali ang pagiging Ina ni Maria. May takot, pagod, pangamba at kawalan ng katiyakan. Ngunit sa gitna ng panganib, pinangalagaan niya ang buhay na ipinagkatiwala sa kanya ng Diyos.

3. ๐Ÿ—ก๏ธ ANG PAGKAWALA KAY HESUS SA TEMPLO

โ€œAnak, bakit mo ginawa ito sa amin? Tingnan mo, ang iyong ama at ako ay nag-aalala sa paghahanap sa iyo.โ€
โ€” Lucas 2:48

Tatlong araw na hinanap nina Maria at Jose si Hesus bago Siya natagpuan sa Templo.

Pagninilay:
Naranasan ni Maria ang sakit ng isang Ina na hindi alam kung nasaan ang kanyang Anak. Ngunit nang matagpuan niya si Hesus, muli niyang hinarap ang isang misteryong hindi niya lubos na nauunawaan.

May mga pagkakataon ding tila nawawala si Hesus sa ating buhay. Hindi ibig sabihin nito na iniwan na Niya tayo. Kung minsan, kailangan lamang nating muli Siyang hanapin.

4. ๐Ÿ—ก๏ธ ANG PAGKIKITA NI MARIA AT HESUS SA DAAN PATUNGONG KALBARYO

Ang tradisyong ito ay kilala sa debosyon at sa Ikaapat na Istasyon ng Krus, ngunit mahalagang tandaan na hindi tahasang isinasalaysay ng apat na Ebanghelyo ang mismong pagkikita nina Maria at Hesus sa daan.

Gayunman, malinaw sa Kasulatan na si Maria ay naroroon sa paanan ng Krus:

โ€œNakatayo naman sa tabi ng krus ni Jesus ang kanyang inaโ€ฆโ€
โ€” Juan 19:25

Pagninilay:
Maaaring hindi natin mabasa sa Bibliya ang eksaktong tagpo ng kanilang pagkikita sa daan, ngunit alam nating hindi iniwan ni Maria ang kanyang Anak sa oras ng Kanyang paghihirap.

Minsan, hindi natin kayang alisin ang sakit ng taong mahal natin. Ngunit maaari nating gawin ang ginawa ni Maria: manatili.

5. ๐Ÿ—ก๏ธ SI MARIA SA PAANAN NG KRUS

โ€œNang makita ni Jesus ang kanyang ina at ang minamahal niyang alagad na nakatayo roon, sinabi niya sa kanyang ina, โ€˜Ginang, narito ang iyong anak!โ€™โ€
โ€” Juan 19:26

Ito marahil ang pinakamalalim na sandali ng pitong sakit.

Nakita ni Maria ang kanyang Anak na ipinako sa Krus. Ang batang minsan niyang kinarga, inalagaan at pinalaki ay ngayo'y nakabitin sa Krus para sa kaligtasan ng sangkatauhan.

At kahit halos hindi na mabata ang sakit, naroon siya.

Pagninilay:
Ang tunay na pag-ibig ay hindi lamang nananatili sa panahon ng tagumpay. Nanatili si Maria sa paanan ng Krus.

Sa ating sariling mga krusโ€”pagkawala, kabiguan, pagdurusa, problema sa pamilya, o mga panahong tila walang kasagutanโ€”matuto tayong tumayo kasama ni Maria sa paanan ng Krus ni Kristo.

6. ๐Ÿ—ก๏ธ ANG PAGTANGGAP NI MARIA SA WALANG BUHAY NA KATAWAN NI HESUS

Matapos mamatay si Hesus, kinuha ang Kanyang katawan at inihanda para sa libing.

โ€œKinuha ni Jose ang bangkay ni Jesus, binalot niya ito sa isang malinis na linoโ€ฆโ€
โ€” Mateo 27:59

Ang tradisyon ng Pietร , kung saan inilalarawan si Maria na karga ang patay na katawan ng kanyang Anak, ay isang malalim na pagninilay sa misteryo ng Kalbaryo. Hindi tahasang sinasabi ng Ebanghelyo na si Maria mismo ang tumanggap ng katawan ni Hesus sa kanyang mga bisig, ngunit ito ay naging makapangyarihang bahagi ng tradisyong Kristiyano.

Pagninilay:
Ang kamay na minsang humawak sa sanggol na si Hesus ay tila muling yumakap sa Kanyang katawanโ€”ngunit ngayon, wala na Siyang buhay.

May mga pagkakataon sa buhay na kailangan nating tanggapin ang mga bagay na hindi natin kayang baguhin. Hindi madaling tanggapin ang pagkawala, ngunit sa pananampalataya, alam nating ang kamatayan ay hindi ang huling salita.

7. ๐Ÿ—ก๏ธ ANG PAGLILIBING KAY HESUS

โ€œAt inilagay niya ito sa isang libingang inuka sa batoโ€ฆ at iginulong ang isang malaking bato sa pintuan ng libingan.โ€
โ€” Mateo 27:60

Isinara ang libingan. Tila tapos na ang lahat.

Ngunit ang pananampalatayang Kristiyano ay hindi nagtatapos sa libingan.

Pagninilay:
Ang Sabado Santo ay larawan ng mga sandaling tahimik ang Diyos. May mga panahon na nananalangin tayo ngunit tila walang sagot. Umiiyak tayo ngunit tila walang nangyayari.

Ngunit ang katahimikan ng Diyos ay hindi nangangahulugang kawalan ng Diyos.

Sa likod ng libingan ay naghihintay ang Muling Pagkabuhay.

~PANALANGIN~

Mahal na Birheng Nagdadalamhati,
Ina ng mga nagdurusa at Ina ng mga umiiyak,
samahan mo kami sa aming mga sariling krus.

Kapag kami ay natatakot, turuan mo kaming magtiwala.
Kapag kami ay nawawalan, turuan mo kaming kumapit sa Diyos.
Kapag tila tahimik ang Panginoon, turuan mo kaming maghintay.
At kapag dumating ang aming Kalbaryo,
tulungan mo kaming huwag tumalikod sa Krus ni Kristo.

Mahal na Ina,
tulad mo, na nanatiling nakatayo sa paanan ng Krus,
nawa'y manatili rin kaming tapat kay Hesus
sa panahon ng saya at dalamhati,
sa buhay at maging sa kamatayan.

Ina ng mga Nagdadalamhati,
ipanalangin mo kami.

Amen.

๐‘†๐‘ก๐‘Ž๐‘๐‘Ž๐‘ก ๐‘€๐‘Ž๐‘ก๐‘’๐‘Ÿ ๐‘‘๐‘œ๐‘™๐‘œ๐‘Ÿ๐‘œ๐‘ ๐‘Ž
๐‘–๐‘ข๐‘ฅ๐‘ก๐‘Ž ๐ถ๐‘Ÿ๐‘ข๐‘๐‘’๐‘š ๐‘™๐‘Ž๐‘๐‘Ÿ๐‘–๐‘š๐‘œ๐‘ ๐‘Ž,
๐‘‘๐‘ข๐‘š ๐‘๐‘’๐‘›๐‘‘๐‘’๐‘๐‘Ž๐‘ก ๐น๐‘–๐‘™๐‘–๐‘ข๐‘ 








Address

Sitio Sumagonsong, Barangay Pakiing
Mulanay
4312

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Parish Youth Ministry - Parokya ng Ina ng Laging Saklolo - Sumagonsong posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share