12/12/2025
7 REASONS Kung Bakit Hindi Mo Dapat i-Announce ang mga Plano mo:
Hindi lahat ng plano mo, kailangan mong ipaalam sa lahat. Minsan, mas malakas ang tahimik na galaw kaysa maingay na balita.
1. Because Not Everyone Wants You to Succeed
Reality check: hindi lahat ng nakangiti sa’yo, masaya para sa’yo.
May mga tao na silently hoping na mabigo ka.
Kung minsan, mas safe kapag results na lang ang pinapakita, hindi yung proseso.
2. Because Early Announcement Creates Pressure
Kapag in-announce mo agad ang plano mo,
nagkakaroon ka ng unnecessary pressure.
Kapag hindi natuloy, ikaw din ang mahihiya.
Pag tumahimik ka, ikaw lang ang may hawak ng timeline mo.”
3. Because Plans Can Change Anytime
Hindi stable ang plano.
Pwedeng magbago, pwede kang mapagod, pwedeng magka-problema.
At least pag walang nakakaalam,
walang magtatanong,
walang mangingialam,
walang magbibigay ng unsolicited opinion.”
4. Because Some People Will Discourage You
Kapag sinabi mo plano mo, laging may isang tao na:
‘Sigurado ka?’,
‘Kaya mo ba yan?’,
‘Baka mahirapan ka.’
Hindi mo kailangan ng energy na magda-doubt sa’yo.
Mas mabuting mag-focus ka sa pag-achieve kaysa mag-explain sa iba.
5. Because Quiet Work Brings Better Results
Kapag tahimik kang gumagalaw,
mas klaro ang utak mo,
mas mabilis ang progress,
at mas konti ang distraction.
Surprise na lang sila pag may narating ka.
6. Because Privacy Protects Your Peace
Simpleng rule:
The less people know about your life,
the safer your peace becomes.
Hindi mo kailangan i-share lahat sa social media.
Hindi mo kailangan ipaalam bawat hakbang.
7. Because Success is Sweeter When It’s Revealed at the Right Time
Pinakamagandang moment?
’Yung bigla na lang nilang makikita…
‘Uy! Nasa abroad ka na!’
‘Uy! Napatayo mo na yung bahay!’
‘Uy! May negosyo ka na!’
Yung success mo ang magsasalita — hindi ang announcements mo.”
Matuto kang magtrabaho nang tahimik.
Hindi dahil sikreto…
kundi dahil hindi lahat ay may mabuting hangarin para sa’yo.
Let your results make the noise.
ctto