29/10/2025
NAGBABAGANG BALITA | MUNTINLUPA CITY MAYOR RUFFY BIAZON, WALANG PAGTUTOL SA HILING NA PAG-ENDORSO NG ALLIANCE OF CONCERNED PLMUNIANS PARA SA 'WALKOUT PROTEST' KONTRA KORAPSYON
"Ang pagtindig laban sa katiwalian ay hindi lamang karapatan ng mamamayan kundi isang tungkulin," isa sa binigyang diin ni Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon sa kaniyang naging tugon sa liham na ipinadala ng Alliance of Concerned PLMunians (ACP) nitong ika-28 ng Oktubre na humiling ng pag-endorso sa kanilang ikinakasang 'Walkout Protest' sa ika-7 ng Nobyembre, 2025.
Saad ng liham ng tanggapan ni Mayor Biazon, wala itong pagtutol sa naturang pagkilos at lubos na hinahangaan ang paninindigan at lakas ng loob ng mga estudyante sa paglaban sa katiwalian.
Hinimok rin ng alkalde ang sangkaestudyantehan na pangalagaan at makibahagi sa pagpapahalaga sa diwa ng malayang pagpapahayag sa pamantasan habang kasabay na sinisigurado ang 'academic atmosphere', kapayapaan, at kaayusan sa unibersidad.
Maaring mabasa ang kabuuan ng liham ng alkalde sa link na ito:
https://www.facebook.com/share/p/19yPSLz9k7/