Mga Kwentong Kurapsyon

Mga Kwentong Kurapsyon Bringing you the latest corruption news \m/

๐Œ๐š๐ก๐ข๐ ๐ข๐ญ ๐Ÿ– ๐ž๐ค๐ญ๐š๐ซ๐ฒ๐š ๐ง๐  ๐ค๐š๐ ๐ฎ๐›๐š๐ญ๐š๐ง ๐š๐ง๐  ๐ง๐š๐š๐ฉ๐ž๐ค๐ญ๐ฎ๐ก๐š๐ง. ๐ƒ๐š๐š๐ง-๐๐š๐š๐ง๐  ๐ฆ๐ž๐ญ๐ซ๐จ ๐ง๐  ๐ค๐š๐ฅ๐ฌ๐š๐๐š ๐š๐ง๐  ๐ง๐š๐ข๐ญ๐š๐ฒ๐จ. ๐Œ๐ ๐š ๐ฉ๐ฎ๐ง๐จ ๐š๐ง๐  ๐ง๐š๐ฉ๐ฎ๐ญ๐จ๐ฅ. ๐€๐ญ ๐š๐ฒ๐จ๐ง ๐ฌ...
04/07/2026

๐Œ๐š๐ก๐ข๐ ๐ข๐ญ ๐Ÿ– ๐ž๐ค๐ญ๐š๐ซ๐ฒ๐š ๐ง๐  ๐ค๐š๐ ๐ฎ๐›๐š๐ญ๐š๐ง ๐š๐ง๐  ๐ง๐š๐š๐ฉ๐ž๐ค๐ญ๐ฎ๐ก๐š๐ง. ๐ƒ๐š๐š๐ง-๐๐š๐š๐ง๐  ๐ฆ๐ž๐ญ๐ซ๐จ ๐ง๐  ๐ค๐š๐ฅ๐ฌ๐š๐๐š ๐š๐ง๐  ๐ง๐š๐ข๐ญ๐š๐ฒ๐จ. ๐Œ๐ ๐š ๐ฉ๐ฎ๐ง๐จ ๐š๐ง๐  ๐ง๐š๐ฉ๐ฎ๐ญ๐จ๐ฅ. ๐€๐ญ ๐š๐ฒ๐จ๐ง ๐ฌ๐š ๐ƒ๐„๐๐‘, ๐ฆ๐š๐ฒ ๐ฆ๐ ๐š ๐ฉ๐ž๐ซ๐ฆ๐ข๐ญ ๐ง๐š ๐ก๐ข๐ง๐๐ข ๐ง๐š๐ค๐ฎ๐ก๐š ๐š๐ญ ๐ฆ๐ ๐š ๐ž๐ง๐ฏ๐ข๐ซ๐จ๐ง๐ฆ๐ž๐ง๐ญ๐š๐ฅ ๐ซ๐ž๐ช๐ฎ๐ข๐ซ๐ž๐ฆ๐ž๐ง๐ญ ๐ง๐š ๐ก๐ข๐ง๐๐ข ๐ง๐š๐ฌ๐ฎ๐ง๐จ๐.

Hindi ito simpleng usapin ng isang proyekto. Usapin ito ng pananagutan.

Bilang implementing agency, may obligasyon ang DPWH na tiyaking kumpleto ang lahat ng kinakailangang permit at sumusunod ang proyekto sa batas pangkalikasan.

Kasabay nito, nararapat ding magbigay ng malinaw na paliwanag ang lahat ng contractor na sangkot sa proyekto, kabilang ang joint venture ng A.M. Oreta & Co., Inc. na pagaari ng pamilya ni Malabon Congressman Lenlen Oreta at Allencon Development Corp., tungkol sa kanilang naging papel sa implementasyon ng proyekto at kung paano nila tiniyak ang pagsunod sa mga environmental requirements.

Hindi sapat ang pagtuturuan kapag kagubatan na ang nawala.

Kung may pagkukulang ang ahensya, dapat managot ang mga opisyal. Kung may pagkukulang ang mga contractor sa kanilang mga obligasyon, dapat din itong masuri at mapanagot ayon sa batas.

Ang kalikasan ay hindi dapat maging collateral damage ng anumang proyekto ng gobyerno.

Panahon nang magkaroon ng buong transparency. Sino ang nag-apruba? Sino ang nagpatupad? Sino ang nagbantay? At sino ang mananagot?

Dapat mailabas ang buong katotohananโ€”at kung may paglabag, dapat may pananagutan ang sinumang mapatutunayang responsable.

Sources:
Antique road project stopped over illegal forest clearing
https://www.dailyguardian.com.ph/blog/antique-road-project-stopped-over-illegal-forest-clearing

Road project halted over forest law violations
https://www.manilatimes.net/2026/05/09/regions/road-project-halted-over-forest-law-violations/2339664

โ‚ฑ๐Ÿต๐Ÿฐ,๐Ÿฌ๐Ÿด๐Ÿณ,๐Ÿญ๐Ÿฒ๐Ÿฎ.๐Ÿฒ๐Ÿญ ๐—™๐—น๐—ผ๐—ผ๐—ฑ ๐—–๐—ผ๐—ป๐˜๐—ฟ๐—ผ๐—น ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐—ท๐—ฒ๐—ฐ๐˜ ๐—ฆ๐—ฎ ๐— ๐˜‚๐—ป๐˜๐—ถ๐—ป๐—น๐˜‚๐—ฝ๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—”. ๐— . ๐—ข๐—ฟ๐—ฒ๐˜๐—ฎ, ๐—ก๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ฎ๐—ป ๐—ก๐—ฎ?Ayon sa datos ng DPWH Transparency Portal, ...
22/06/2026

โ‚ฑ๐Ÿต๐Ÿฐ,๐Ÿฌ๐Ÿด๐Ÿณ,๐Ÿญ๐Ÿฒ๐Ÿฎ.๐Ÿฒ๐Ÿญ ๐—™๐—น๐—ผ๐—ผ๐—ฑ ๐—–๐—ผ๐—ป๐˜๐—ฟ๐—ผ๐—น ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐—ท๐—ฒ๐—ฐ๐˜ ๐—ฆ๐—ฎ ๐— ๐˜‚๐—ป๐˜๐—ถ๐—ป๐—น๐˜‚๐—ฝ๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—”. ๐— . ๐—ข๐—ฟ๐—ฒ๐˜๐—ฎ, ๐—ก๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ฎ๐—ป ๐—ก๐—ฎ?

Ayon sa datos ng DPWH Transparency Portal, ang Construction ng Flood Control Structure in Mangangate River sa Muntinlupa City" ay may kontratang nagkabisa noong Marso 26, 2025 at nakatakdang matapos noong Nobyembre 20, 2025.

Ang proyekto, na pinondohan ng halagang โ‚ฑ94,087,162.61 sa ilalim ng Regular Infrastructure Program ng GAA 2025, ay iginawad sa A.M. Oreta & Co., Inc. na pagaari ng pamilya ni Malabon Congressman Lenlen Oreta. Gayunman, batay sa nakalap naming impormasyon, ang accomplishment rate nito ay nananatili lamang sa 0.05% kahit lampas na sa itinakdang petsa ng pagtatapos ng kontrata.

Nananatiling "on-going" ang status ng proyekto ayon sa DPWH website (as of June 22, 2026) sa kabila ng pag-expire ng kontrata noong Nobyembre 2025. Nalalapit na ang tag-ulan, maraming lugar na naman ang babahain.

Ilang mahahalagang tanong ang naghihintay ng sagot:

โ€ข Bakit 0.05% lamang ang accomplishment ng proyekto matapos ang itinakdang completion date?
โ€ข Saan napunta ang pondong inilaan para sa proyekto?
โ€ข May ipinataw bang pananagutan sa mga kontratista at opisyal na nangangasiwa rito?
โ€ข Kailan tunay na matatapos ang flood control structure na matagal nang hinihintay ng mga residente?

Bakit hinahayaang manalo sa bidding ang isang kumpanyang pagaari ng isang Congressman?

Nagtatanong ang mamamayan ng Muntinlupa, Mayor Ruffy Biazon wala ka bang aksyon na gagawin dito?

Ayon sa DPWH Transparency Portal, nakuha ng A.M. Oreta & Co., Inc ang isang flood control project sa Muntinlupa na nagka...
09/12/2025

Ayon sa DPWH Transparency Portal, nakuha ng A.M. Oreta & Co., Inc ang isang flood control project sa Muntinlupa na nagkakahalaga ng โ‚ฑ94,087,162.61 na dapat natapos within 240 days mula noong March 26, 2025 pero ayon sa status ng project, .05% pa lang ang naaccomplish dito.

Hindi ba dapat makasuhan din ang kumpanyang ito na pagaari ng pamilya ni Malabon Congressman Lenlen Oreta????

CONSTRUCTION OF FLOOD CONTROL STRUCTURE, MANGANGATE RIVER, MUNTINLUPA CITY
CONTRACTOR: A.M. ORETA & CO., INC.
CONTRACT EFFECTIVITY DATE: March 26, 2025
CONTRACT EXPIRY DATE: November 20, 2025
ACCOMPLISHMENT: 0.05%
CONTRACT AGREEMENT:https://www.dpwh.gov.ph/dpwh/sites/default/files/webform/civil_works/contract_of_agreement/ca25oi054signeda.m.oreta_.pdf

๐ˆ๐ฌ๐ฒ๐ฎ ๐ง๐  ๐‚๐ž๐›๐ฎ ๐‚๐ข๐ญ๐ฒ ๐…๐ฅ๐จ๐จ๐ ๐‚๐จ๐ง๐ญ๐ซ๐จ๐ฅ ๐๐ซ๐จ๐ฃ๐ž๐œ๐ญ ๐ง๐š ๐ค๐ข๐ง๐š๐ฌ๐š๐ฌ๐š๐ง๐ ๐ค๐ฎ๐ญ๐š๐ง ๐ง๐   A.M. Oreta & Company  Incorporated ๐ง๐š ๐ฉ๐š๐ ๐š๐š๐ซ๐ข ๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ฆ๐ข๐ฅ๐ฒ๐š ...
27/11/2025

๐ˆ๐ฌ๐ฒ๐ฎ ๐ง๐  ๐‚๐ž๐›๐ฎ ๐‚๐ข๐ญ๐ฒ ๐…๐ฅ๐จ๐จ๐ ๐‚๐จ๐ง๐ญ๐ซ๐จ๐ฅ ๐๐ซ๐จ๐ฃ๐ž๐œ๐ญ ๐ง๐š ๐ค๐ข๐ง๐š๐ฌ๐š๐ฌ๐š๐ง๐ ๐ค๐ฎ๐ญ๐š๐ง ๐ง๐  A.M. Oreta & Company Incorporated ๐ง๐š ๐ฉ๐š๐ ๐š๐š๐ซ๐ข ๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ฆ๐ข๐ฅ๐ฒ๐š ๐ง๐ข ๐‚๐จ๐ง๐ ๐ซ๐ž๐ฌ๐ฌ๐ฆ๐š๐ง Lenlen Oreta ๐ง๐  ๐Œ๐š๐ฅ๐š๐›๐จ๐ง ๐‚๐ข๐ญ๐ฒ.

1. ๐‘จ๐’๐’ ๐’‚๐’๐’ˆ ๐’‘๐’“๐’๐’š๐’†๐’Œ๐’•๐’?

Ang A.M. Oreta & Co. Inc. (AMOCO), isang CONTRACTOR mula Manila, ay nanalo sa kontrata para sa city-wide flood control / drainage program sa Cebu City noong panahon ni Mayor Edgardo Labella.

Halaga ng proyekto: โ‚ฑ1.3 bilyon โ€“ โ‚ฑ1.328 bilyon

Layunin: Solusyunan ang matinding pagbaha sa ibaโ€™t ibang bahagi ng Cebu City

Notice to Proceed: Ibinaba noong 2021

Target completion: Nobyembre 17, 2022 (570 days contract)

Hanggang 2023โ€“2025, ang proyekto ay hindi pa tapos at halos walang nakikitang progreso.

2. ๐‘จ๐’๐’ˆ ๐’Œ๐’๐’๐’•๐’“๐’๐’ƒ๐’†๐’“๐’”๐’š๐’‚๐’ ๐’๐’‚ โ‚ฑ199๐‘ด ๐’Ž๐’๐’ƒ๐’Š๐’๐’Š๐’›๐’‚๐’•๐’Š๐’๐’ ๐’‡๐’†๐’†

Naglabas ang Cebu City Government ng โ‚ฑ199โ€“โ‚ฑ199.3 milyon bilang mobilization fee o paunang bayad sa A.M. Oreta.

Ngunit kinuwestiyon ito ng Commission on Audit (COA) dahil:

Hindi pa nababawi o nare-refund ang halaga

Walang sapat na progreso sa aktuwal na trabaho

3. ๐‘ฉ๐’‚๐’Œ๐’Š๐’• ๐’Š๐’•๐’ ๐’๐’‚๐’ˆ๐’Š๐’๐’ˆ ๐’Ž๐’‚๐’๐’‚๐’Œ๐’Š๐’๐’ˆ ๐’Š๐’”๐’š๐’–?
โ— Matinding delay

Dapat natapos ang proyekto noong Nobyembre 2022, pero hanggang ngayon pending at stalled.

โ— Kulang o halos walang nakikitang trabaho

May mga ulat na hindi pa tapos ang final design, sa kabila ng malaking halagang nailabas.

โ— Hindi pagsipot sa Cebu City Council hearings

Ilang beses na inimbita ang A.M. Oreta sa hearings tungkol sa status ng proyekto, ngunit:

Paulit-ulit na hindi sila sumisipot

May pagkakataon na nagpadala sila ng kinatawan na walang authority at walang impormasyon

โ— Paghingi ng refund at legal action

Patuloy na:

Humihingi ng refund ang Cebu City para sa โ‚ฑ199M

Pinag-aaralan ang legal actions laban sa A.M. Oreta

Pinipilit ng pamahalaang lungsod na magkaroon ng transparency at accountability

Ayon sa ating mga source, may dalawa pa umanong flood control projects na nai-award sa mga Oreta โ€”isang P92 milyon at isang P49 milyon sa Muntinlupa at Rizal na patuloy na nakatengga.

Sama-sama tayong kalampagin ang mga kinauukulan upang mabawi na ng Cebu City ang perang ibinayad sa A.M. Oreta na pagaari ng pamilya ni Congressman Lenlen Oreta!

Paging Independent Commission for Infrastructure or ICI at sa Isumbong Sa Pangulo website.

Dagdag pa ng aming source, minsan na palang nahatulan ng suspension at blacklist ng DPWH ang A.M. Oreta na pagaari ng pamilya ni Congressman Lenlen Oreta ng Malabon city.

SOURCES:

DPWH Blacklisted
https://www.dpwh.gov.ph/dpwh/issuances/department-order/9543

Sunstar
https://www.sunstar.com.ph/cebu/seares-am-oreta-contractor-of-p1328-b-flood-control-project-had-reset-meeting-with-cebu-city-council-on-aug-16-then-sept-6-last-oct-18-oreta-sent-a-rep-with-no-authority-and-no-information-new-sked-dec-15-some-contractors-are-lucky-or-what-oreta-got-a-p1992-m-cash-out-and-is-long-past-date-of-completion-in-nov-2022

Cebu City Official Website
https://www.cebucity.gov.ph/wp-content/uploads/2021/05/Drainage-AM-Oreta-NTP.pdf

Abante Tonite
https://tonite.abante.com.ph/nabisto-ng-cebu-city-mayor-a-m-oreta-co-inabandona-p1-3b-flood-control-project/news/

Facebook
https://www.facebook.com/thefreemannews/posts/top-story-amid-mounting-concerns-over-anomalous-flood-control-projects-the-cebu-/1135420375394155/

Isumbong Sa Pangulo - https://sumbongsapangulo.ph/

Address

Muntinlupa City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mga Kwentong Kurapsyon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share