PAHAYAGAN NG TAMBULI

PAHAYAGAN NG TAMBULI TAMBULI OFFICIAL | MBHS-MAIN

''Gising ang Pluma, Mulat ang Pahayagan''

π™‡π™„π™ƒπ™„π™ˆ π™Žπ˜Ό π˜Ώπ™π™‚π™Š 𝙉𝙂 π˜½π™π™’π˜Όπ™”π˜Ό: π™‹π™Šπ™Žπ™„π˜½π™‡π™€π™‰π™‚ π™Žπ˜Όπ™‰π˜Ώπ˜Όπ™‰π™π˜Ό π™‡π˜Όπ˜½π˜Όπ™‰ π™Žπ˜Ό 𝙃𝙄𝙑Ulat ni Megan Cyra Operianoπ™Ža likod a likod ng isang hayop na ki...
27/08/2026

π™‡π™„π™ƒπ™„π™ˆ π™Žπ˜Ό π˜Ώπ™π™‚π™Š 𝙉𝙂 π˜½π™π™’π˜Όπ™”π˜Ό: π™‹π™Šπ™Žπ™„π˜½π™‡π™€π™‰π™‚ π™Žπ˜Όπ™‰π˜Ώπ˜Όπ™‰π™π˜Ό π™‡π˜Όπ˜½π˜Όπ™‰ π™Žπ˜Ό 𝙃𝙄𝙑

Ulat ni Megan Cyra Operiano

π™Ža likod a likod ng isang hayop na kinatatakutan ng marami, maaaring may nakatagong posibilidad para sa siyensiya. Sa isang pag-aaral sa Davao City, natuklasan ng mga mananaliksik na ang serum mula sa Philippine crocodile (Crocodylus mindorensis) nakapagpababa pagdami ng Human Immunodeficiency ay Virus (HIV-1) sa laboratory experiment.

Sinuri ng mga mananaliksik mula sa University of the Immaculate Conception ang serum-ang likidong bahagi ng dugo na naglalaman ng mga protina at iba pang molekula. Sa cultured human immune cells, ipinakita ng eksperimento na napigilan nito ang HIV-1 replication nang humigit- kumulang 66% hanggang halos 70%.

Sinuri rin ang activity ng reverse transcriptase, isang enzyme na mahalaga sa pagpaparami ng genetic material ng HIV. Ipinakita ng resulta na maaaring may natural na sangkap sa crocodile serum na may potensiyal na antiviral activity.

Gayunman, hindi nangangahulugang natuklasan na ang lunas sa HIV. Isinagawa lamang ang eksperimento sa cultured cells at hindi sa mga taong may HIV. Kailangan pa ng karagdagang pag-aaral upang matukoy kung anong compound ang responsable sa epekto, kung ligtas ito, at kung maaari itong magamit sa paggamot.

Ipinakikita ng pag-aaral na ang kalikasan ay maaaring pagmulan ng mga bagong ideya sa medisina. Ngunit bago maging gamot ang isang posibilidad, kailangan muna itong dumaan sa masusing pagsusuri at patunay ng siyensiya.

Pag-aanyo ni Zianah Macie Alvarez
Pagwawasto ni Kian Andrei Gutierrez
Larawan mula sa Science Department

π™π˜Όπ™ƒπ˜Όπ™‰π˜Όπ™‰ 𝙉𝙂 π™€π™ˆπ™Šπ™Žπ™”π™Šπ™‰: π™ˆπ™€π™‰π™π˜Όπ™‡ π™ƒπ™€π˜Όπ™‡π™π™ƒUlat ni Georgeann Paduaπ™Ža kabila ng pag-unlad ng kaalaman sa larangan ng kalusugan, hin...
26/08/2026

π™π˜Όπ™ƒπ˜Όπ™‰π˜Όπ™‰ 𝙉𝙂 π™€π™ˆπ™Šπ™Žπ™”π™Šπ™‰: π™ˆπ™€π™‰π™π˜Όπ™‡ π™ƒπ™€π˜Όπ™‡π™π™ƒ

Ulat ni Georgeann Padua

π™Ža kabila ng pag-unlad ng kaalaman sa larangan ng kalusugan, hindi pa rin nawawala ang mga taong nakararanas ng matinding lungkot, pag-aalala, at iba pang suliraning emosyonal. Ang mga ito ay bahagi ng mental health o kalusugang pangkaisipan, na maaaring makaapekto sa pang-araw-araw na buhay ng isang tao.

Ang mental health ay tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na harapin ang mga hamon, pamahalaan ang kaniyang emosyon, at magkaroon ng maayos na pakikitungo sa sarili at sa ibang tao. Hindi lamang ito tungkol sa pagkakaroon ng sakit sa pag-iisip, kundi pati na rin sa kung paano natin hinaharap ang "stress" at mga problema sa buhay.

Maraming Pilipino ang nakararanas ng iba't ibang suliranin sa mental health, kabilang na rito ang depresyon, anxiety, at bipolar disorder na dapat hindi binabalewala. Maaari itong makaapekto sa kabataan pati na rin sa mga nakatatanda.

Ilan sa mga senyales na dapat bigyang-pansin ay ang matinding kalungkutan, pagbabago ng "Mood", kakaibang pag-iisip o pag-uugali, at patuloy na pagkawala ng koneksyon sa ibang tao. Ito ay parang gadyet, kung gagamitin mo ito ng maayos hindi ito masisira agad.

Ayon kay Senator Christopher Lawrence "B**g" Go, "Ang pangangalaga ng kalusugan ng bawat Pilipino, kabilang na ang mental health, hindi pwedeng isantabi." Kaya mahalagang matutong makinig, umunawa, at humingi ng tulong kapag kinakailangan. Ang mental health ay bahagi ng kabuuang kalusugan, kaya tulad ng katawan, kailangan din itong alagaan upang masig**o natin ang ating mga kaligtasan.

Pag-aanyo ni Mariza Jane Gallenero
Pagwawasto ni Kian Andrei Gutierrez
Larawang Handog ni Anthony Danmerh G. Sabido

πŸ’ππ’: π’π€π†πŽπ“ 𝐒𝐀 πŠπ‘πˆπ’πˆπ’Sa bawat araw na dumadaan, kaakibat ng bawat pamilya ang tinatawag na "Kahirapan”. Para itong anino ...
25/08/2026

πŸ’ππ’: π’π€π†πŽπ“ 𝐒𝐀 πŠπ‘πˆπ’πˆπ’

Sa bawat araw na dumadaan, kaakibat ng bawat pamilya ang tinatawag na "Kahirapan”. Para itong anino na nakasunod sa ating mga Pilipino at hindi kailanman basta-basta matatakasan sa ating bansa. Narito ang programang sumasalo upang magsilbing katuwang sa bawat hamon na kinakaharap ng mga Pilipino.

Nagiging madali ang pagresolba sa kahirapan mula ng ipinatupad ang programang 4Ps o Pantawid Pamilyang Pilipino Program. Pinopokusan ng programang ito ang pag-unlad o pag-usad ng mga pamilyang Pilipino pagdating sa edukasyon, nutrisyon at kalusugan.

Sa ilalim ng Republic Act No. 11310 o 4Ps Act of 2019, layunin ng programa na mabawasan ang kahirapan na kinakaharap sa araw-araw ng mga benepisyaryo. Gayunpaman, mahalagang tiyakin na ang programa ay hindi lamang pansamantalang tulong, kundi daan tungo sa pangmatagalang pag-unlad ng mga pamilyang Pilipino. Mula sa inalabas na balita ng ABS-CBN News/ANC bilang: β€œSurvey: Self-rated poverty, hunger rise among Filipinos in Q2”- iniulat noong Agosto 2026. Umakyat sa 39% ang self-rated poverty, katumbas ng tinatayang 10.2 milyong pamilya, mula 35% o 9.2 milyong pamilya noong Marso. Ang datos ay mula sa Tugon ng Masa (TNM) survey ng OCTA Research, na isinagawa noong Hulyo 4–11, 2026 sa 1,200 adultong Pilipino.

Nauunawaan ng pahayagang ito ang nagsasabing kulang ang tulong-pinansiyal dahil sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Ngunit hindi ito dahilan upang kuwestiyunin ang Department of Social Welfare and Development (DSWD). Malaking tulong na ang 4Ps sa mga pamilyang nangangailangan, lalo na kung sasamahan ito ng pagsisikap at paghahanapbuhay. Sa ganitong paraan, mas mapapabuti ang buhay ng bawat pamilya.

Upang makamit ang pag-unlad sa kahirapan na minimithi ng mga Pilipino, samahan ito ng tiyaga at pananagutan. Huwag nating gamitin sa mali ang mga ganitong tulong-pinansiyal partikular sa pang aabuso at paggamit sa pagsusugal. sulitin natin ito sa mga gawaing magpapausad sa atin sa kahirapan. Ito'y ipinatupad ng may layunin kaya't gamitin natin ito mga bagay na may layunin.

Sa bawat hamon na ating kinahaharap, tayo'y hindi nag-iisa. Maraming programa ang nakahanda upang tayo'y saluhin sa mga pagkakataong tayo ay palubog na dahil sa hamon ng buhay. Nariyan ang 4Ps ang programang sagot sa bawat krisis na lumalaganap at handang iahon ang bawat pamilyang Pilipino.

Pagwawasto ni Kian Andrei Gutierrez
Pag-aanyo ni Marizjane Gallanero

π™Žπ™π™‰π™Šπ™‚ π™Žπ˜Ό π˜½π™π™‰π™”π™„ π˜Ύπ™Šπ™ˆπ™‹π™Šπ™π™‰π˜Ώ, π™‰π˜Όπ˜Όπ™‹π™€π™†π™π™π™ƒπ˜Όπ™‰ π˜Όπ™‰π™‚ 73 π™‰π˜Ό π™‹π˜Όπ™ˆπ™„π™‡π™”π˜Ό π™Žπ˜Ό π™ˆπ™π™‰π™π™„π™‰π™‡π™π™‹π˜ΌKay init ng umaga 73 na pamilya ang nakaranas ng sun...
23/08/2026

π™Žπ™π™‰π™Šπ™‚ π™Žπ˜Ό π˜½π™π™‰π™”π™„ π˜Ύπ™Šπ™ˆπ™‹π™Šπ™π™‰π˜Ώ, π™‰π˜Όπ˜Όπ™‹π™€π™†π™π™π™ƒπ˜Όπ™‰ π˜Όπ™‰π™‚ 73 π™‰π˜Ό π™‹π˜Όπ™ˆπ™„π™‡π™”π˜Ό π™Žπ˜Ό π™ˆπ™π™‰π™π™„π™‰π™‡π™π™‹π˜Ό

Kay init ng umaga 73 na pamilya ang nakaranas ng sunog kaninang umaga sa Bunyi Compound, East Service Road, Barangay Cupang. Nasa Cupang Covered Court ang mga nadamay na pamilya at nabibigyan na ng tulong ni Mayor Ruffy Biazon.

Ulat ni Shanel P. Nicolas

𝙋umutok ang sunog sa Bunyi Compound, East Service Road, Barangay Cupang, Lungsod ng Muntinlupa ngayong ika-22 ng Agosto, 2026.

Umabot sa 73 pamilya o kabuuang 194 na indibidwal ang nawalan ng tirahan at kasalukuyang pansamantalang nanunuluyan sa Bunyi Covered Court. Mabilis na kumalat ang apoy sa nasabing lugar kaya't nasira ang karamihan ng mga gamit at tahanan ng mga residente bago pa man ito tuluyang mapatay ng mga bumbero.

Ayon sa Punong Lungsod na si Rozzano Rufino B. Biazon, agad siyang nag-utos sa Kagawaran ng Serbisyong Panlipunan na maghatid ng agarang tulong tulad ng pagkain, bigas, gamit pangtulog, at iba pang kagamitan para sa lahat ng apektado ng sunog.

Patuloy naman isinasagawa ang pagtatala at pagsusuri sa mga residenteng naapektuhan upang matiyak na lahat ng kwalipikadong pamilya ay maisama sa listahan ng mga tatanggap ng ayuda. Isasagawa rin ang pagbibigay ng tulong pinansiyal at pakikipag-ugnayan sa iba pang ahensiya para sa mga residenteng may espesyal na pangangailangan.

Pag-aanyo ni Beatrice O. Matilla
Pagwawasto ni Kian Andrei Gutierrez
Larawang Handog mula kay Mayor Ruffy Biazon

π™ˆπ˜Όπ™†π˜Όπ˜½π˜Όπ™‚π™Šπ™‰π™‚ π™†π™‡π™„π™ˆπ˜Ό 𝙉𝙂 π™‹π˜Όπ™‰π˜Όπ™ƒπ™Šπ™‰: π™‰π˜Όπ™π˜Όπ™π˜Όπ™ˆπ˜Ώπ˜Όπ™ˆπ˜Όπ™‰ π™‰π˜Ό 𝘽𝘼 π™‰π˜Όπ™π™„π™‰?Ulat ni Zyrine Nicole B. Cabezas𝘿ati, ang babala na may paparating...
23/08/2026

π™ˆπ˜Όπ™†π˜Όπ˜½π˜Όπ™‚π™Šπ™‰π™‚ π™†π™‡π™„π™ˆπ˜Ό 𝙉𝙂 π™‹π˜Όπ™‰π˜Όπ™ƒπ™Šπ™‰: π™‰π˜Όπ™π˜Όπ™π˜Όπ™ˆπ˜Ώπ˜Όπ™ˆπ˜Όπ™‰ π™‰π˜Ό 𝘽𝘼 π™‰π˜Όπ™π™„π™‰?

Ulat ni Zyrine Nicole B. Cabezas

𝘿ati, ang babala na may paparating na bagyo ay karaniwang naririnig lamang natin sa radyo. Ngayon, ilang sandali lamang ay makikita na agad natin ito sa social media. Kasabay ng mabilis na pagbabago ng panahon ay ang mabilis ding pagtaas ng tubig sa mga kalsada at kabahayan, lalo na sa mga lugar na malapit sa baradong kanal at tambak na basura.

Tuwing tag-init, natutuyo ang mga halaman at tumitindi ang Kapag tag-ulan naman, ilang oras lamang ng malakas na pag-ulan ay maaari nang magdulot ng pagbaha. Hindi lamang panahon ang dapat sisihin dito. Kundi ang maling pagtatapon ng basura, pagbabara ng mga kanal, at patuloy na pagputol ng mga puno ay nakadaragdag sa panganib. Kapag kaunti ang mga punong sumisipsip ng tubig-ulan, mas mabilis itong dumadaloy at nagiging baha.

Ayon matatanda noong panahon, "Dati, hindi ganito kainit ang panahon. Mahangin ang paligid dahil maraming puno at halaman. Pero nang patuloy na pinuputol ang mga puno, uminit ang paligid at ang tubig-ulan ay naging baha." Sa simpleng obserbasyon na ito, kung paano nakaaapekto ang pagbabago ng kapaligiran sa ating buhay.

Sa agham, may larangang tinatawag na hydrometeorology, na nag-aaral sa ugnayan ng tubig at atmospera. Gumagamit ito ng datos mula sa satellite, radar, at weather station upang masubaybayan ang panahon at makapagbigay ng maagang babala. Sa ganitong paraan, mas nagkakaroon ng pagkakataon ang mga komunidad na makapaghanda.

Para kay Nanay Wendy, isang matandang nakatira sa maliit at madaling bahain na bahay, hindi na tulad ng dati ang pag-ulan. Isang malakas na buhos lamang ay maaaring pasukin ng tubig ang kanyang tahanan. Dati, inaabangan niya ang ulan dahil nagbibigay ito ng lamig at ginhawa; ngayon, nagiging dahilan na ito ng pangamba.

Ang kalikasan ay hindi natin kaaway. Bilang mga mag-aaral, tungkulin nating pangalagaan ito at maging handa sa mga pagbabagong nararanasan natin. Mula sa wastong pagtatapon ng basura hanggang sa pangangalaga ng mga puno, bawat na hakbang ay may ambag. Sapagkat ang makabagong klima ng panahon ay hindi na lamang natin napapansin ito rin ay nararamdaman na natin.

Pag-aanyo ni Kent Jasper C. Gimeno
Pagwawasto ni Kian Andrei Gutierrez
Kuha ni Anthony Danmerh S. Sabido

𝐀𝐍𝐆 π‹πˆπ‡πˆπŒ 𝐍𝐀 πŠπ€π‹π’π€πƒπ€ 𝐒𝐀 π€π“πˆππ† πŠπ€π“π€π–π€πUlat ni Nina Reena Mariz A. GoritIsang napakahabang network ng mga daluyan ng dugo ...
22/08/2026

𝐀𝐍𝐆 π‹πˆπ‡πˆπŒ 𝐍𝐀 πŠπ€π‹π’π€πƒπ€ 𝐒𝐀 π€π“πˆππ† πŠπ€π“π€π–π€π

Ulat ni Nina Reena Mariz A. Gorit

Isang napakahabang network ng mga daluyan ng dugo ang nakatago sa loob ng ating katawan. Kung pagsasama-samahin ang haba ng mga daluyang ito, maaari itong umabot sa humigit-kumulang 95,000 hanggang 100,000 kilometrong sapat upang makapaglibot sa mundo nang mahigit dalawang beses. Sa pamamagitan ng sistemang ito, patuloy na naihahatid ang dugo, oksiheno, at mahahalagang sustansiya sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ang sistemang ito ay bahagi ng sistemang sirkulatoryo. Binubuo ito ng puso, dugo, at mga daluyan ng dugo tulad ng arteries, veins, at capillaries. Sama-sama nilang pinananatili ang tuloy-tuloy na pagdaloy ng dugo sa buong katawan.

Malaking bahagi ng kabuuang haba ng mga daluyan ay nagmumula sa bilyun-bilyong capillaries o maliliit na daluyan ng dugo. Napakanipis ng kanilang mga pader kaya nagiging daanan ang mga ito para sa pagpapalitan ng oksiheno, sustansiya, at iba pang sangkap sa pagitan ng dugo at mga selula. Dito rin kumukuha ng carbon dioxide at iba pang produktong dumi ang dugo upang maiproseso at mailabas ng katawan.

Mahalaga ang maayos na daloy ng dugo para sa paggana ng mga organo. Ang mga salik tulad ng paninigarilyo, kakulangan sa pisikal na aktibidad, at hindi balanseng pagkain ay maaaring magpataas ng panganib sa mga sakit na nakaaapekto sa puso at mga daluyan ng dugo.

Kaya ang pangangalaga sa sistemang sirkulatoryo ay hindi lamang tungkol sa pag-iwas sa sakit. Kasama rito ang regular na pisikal na aktibidad, balanseng pagkain, sapat na pahinga, at iba pang malusog na gawi. Sa bawat tibok ng puso, may isang komplikadong network na patuloy na gumagana upang suportahan ang buhay.

Mga larawang mula sa Science Department
Pagwawasto ni Kian Andrei Gutierrez
Pag-aanyo ni Janela Cunanan

𝙏𝙄𝙉𝙄𝙂 π™Žπ˜Ό π™‚π™„π™π™‰π˜Ό 𝙉𝙂 π™„π™‰π™‚π˜Όπ™”Ulat ni Lance Eurhie Barrunπ™Ža loob ng silid-aralan, dalawang tinig ang madalas magtagpo-ang g**o ...
21/08/2026

𝙏𝙄𝙉𝙄𝙂 π™Žπ˜Ό π™‚π™„π™π™‰π˜Ό 𝙉𝙂 π™„π™‰π™‚π˜Όπ™”

Ulat ni Lance Eurhie Barrun

π™Ža loob ng silid-aralan, dalawang tinig ang madalas magtagpo-ang g**o na nagtuturo at ang estudyanteng natututo. Ngunit kapag may hindi pagkakaunawaan, isang tanong ang lumilitaw: Sino nga ba ang dapat pakinggan?

Hindi maikakaila ang mahalagang papel ng g**o. Sila ang gumagabay, nagtuturo at nagpapanatili ng kaayusan. Ngunit hindi nangangahulugang ang estudyante ay dapat lamang sumunod at manahimik. May boses din kami.

Bilang mga estudyante, may karapatan kaming magtanong, magpahayag ng saloobin at magsabi kapag may bagay na sa tingin namin ay hindi makatarungan o epektibo. Ang pakikipagsalita ay hindi kawalan ng respeto; bahagi ito ng pagkatuto. Ngunit ang pagkakaroon ng boses ay may kaakibat na pananagutan. Kung nais nating pakinggan, kailangan din nating matutong makinig.

Hindi lahat ng ayaw natin ay mali, at hindi rin lahat ng gusto natin ay tama. May mga desisyong maaaring mahirap tanggapin ngunit ginawa para sa kapakanan ng nakararami. Kaya hindi dapat maging paligsahan ang silid-aralan kung sino ang mas malakas ang boses-g**o ba estudyante? Walang tunay na panalo kung pareho silang ayaw makinig.

Ang silid-aralan ay hindi lamang lugar kung saan nagsasalita ang g**o at nakikinig ang estudyante. Dapat itong maging espasyo kung saan parehong may pagkakataong magsalita, makinig at umunawa. Kaya, sino ang dapat pakinggan? Ang tinig na may katwiran, respeto at malasakit. Sapagkat sa gitna ng ingay, hindi ang pinakamalakas na boses ang dapat manaig, kundi ang tinig na marunong magsalita at higit sa lahat, marunong ding makinig.

Pag-aanyo ni Sherlyn Codera
Pagwawasto ni Kian Andrei Gutierrez

π™‹π˜Όπ™“ π™Žπ™„π™‡π™„π™†π˜Ό: π™ˆπ™π™‡π˜Ό π™Žπ˜Ό π™Žπ™„π™‡π™„π˜Ύπ™Šπ™‰, π™π™π™‰π™‚π™Š π™Žπ˜Ό π™†π˜Όπ™‹π˜Όπ™‰π™‚π™”π˜Όπ™π™„π™ƒπ˜Όπ™‰ 𝙉𝙂 π˜Όπ™„. Ulat ni: Nehemiah Antonia G. Solimanπ™Ža hindi mapigilang pag-u...
20/08/2026

π™‹π˜Όπ™“ π™Žπ™„π™‡π™„π™†π˜Ό: π™ˆπ™π™‡π˜Ό π™Žπ˜Ό π™Žπ™„π™‡π™„π˜Ύπ™Šπ™‰, π™π™π™‰π™‚π™Š π™Žπ˜Ό π™†π˜Όπ™‹π˜Όπ™‰π™‚π™”π˜Όπ™π™„π™ƒπ˜Όπ™‰ 𝙉𝙂 π˜Όπ™„.

Ulat ni: Nehemiah Antonia G. Soliman

π™Ža hindi mapigilang pag-unlad ng mundo, sino ang mag-aakalang ang isang dakot na buhangin ay maaaring maging susi sa makabagong teknolohiya? Mula sa silicon, isang elementong matatagpuan sa buhangin, ginagawa ang mga mikrosirkito na nagpapatakbo sa smartpon, kompyuter, mga sasakyan, at Artificial Intelligence (AI). Sa kasalukuyan, maaaring maging bahagi ng pagbabagong ito ang Pilipinas sa pamamagitan ng Pax Silica.

Ang Pax Silica ay isang inisyatibang pinangungunahan ng United States na naglalayong palakasin ang Al at kadena ng suplay ng semikonduktok. Sa Pilipinas, plano itong itayo ang isang Al at semiconductor hub sa New Clark City, Tarlac. Layunin nitong palakasin ang semikonduktor industriya ng bansa at palawakin, patatagin ang papel ng Pilipinas sa pandaigdigang teknolohiya.

Mahalaga ang usaping semikonduktor dahil dito nagmumula ang microchip na ginagamit sa maraming elektronikong kagamitan. Habang lumalaki ang pangangailangan sa AI, tumataas din ang pangangailangan para sa mas mabilis at mas episyenteng chips. Sa pamamagitan ng Pax Silica, nais ng Pilipinas na umangat mula sa pagbuo, pagsusuri, at pababalot patungo sa mas mataas na bahagi ng semikonduktor industriya.

Ngunit kaakibat naman ng pag-unlad ang pangangailangan sa likas na yaman. Tinatayang mangangailangan ang mga planong pasilidad ng malaking suplay ng tubig at enerhiya bawat araw. Maaari itong magdagdag ng presyon sa mga pinagkukunan ng tubig at kuryente, lalo na sa panahon ng matinding tagtuyot. Mahalaga ring suriin ang epekto nito sa paggamit ng lupa, maruming tubig, kemikal, at kapaligiran.

Sa kabilang banda, maaari rin itong magbigay ng trabaho at oportunidad para sa mga inhinyero, siyentipiko, at iba pang manggagawang Pilipino. Maaari rin nitong palakasin ang eksports at industriya ng bansa.

"The Pax Silica Industrial Hub will create an ecosystem that wil have Al at its core. It will bring quality jobs to our people, accelerate our industrial competitiveness, and revitalize our economy," ani Pangulo ng Pilipinas-Ferdinand R. Marcos Jr.

Ang Pax Silica ay maaaring maging malaking hakbang para sa agham at teknolohiya ng Pilipinas, ngunit dapat itong isagawa nang may pananagutan. Kailangang tiyakin ang wastong paggamit ng tubig at enerhiya, maayos na pamamahala sa kemikal at maruming tubig, at pangangalaga sa kapaligiran.

Sa huli, hindi sapat na nakatuon lamang ng Al ang Pilipinas. Dapat itong maging sentro ng responsableng teknolohiya. tungo sa isang pag-unlad na nakatutulong sa mga tao nang hindi isinasakripisyo at sinisira ang kalikasan at kinabukasan.

Pagwawasto ni: Kian Andrei Gutierrez
Pag-aanyo ni: Precious Lat
Larawan mula sa: Inquirer

𝙍𝙀𝙉𝙀-π™Žπ™‹π™Šπ™‰π™Žπ™„π˜½π™„π™‡π™„π˜Ώπ˜Όπ˜Ώπ™ƒindi simpleng alon, o di kaya'y agos ng tubig ang naging sanhi ng pagtigil ng paghinga nina Rene Bate...
20/08/2026

𝙍𝙀𝙉𝙀-π™Žπ™‹π™Šπ™‰π™Žπ™„π˜½π™„π™‡π™„π˜Ώπ˜Όπ˜Ώ

𝙃indi simpleng alon, o di kaya'y agos ng tubig ang naging sanhi ng pagtigil ng paghinga nina Rene Baterbonia at Divine Adili. Ang kamatayan nila habang nasa isang team building at training camp sa Aurora ay ang siyang nagsilbing isang pintuan, pintuan tungo sa mas malalim na usapin: Hanggang saan nga ba humahanggan ang mga pananagutan ng mga namumuno tuwing ang kaligtasan ng kanilang kinasasakupan na ang nalalagay sa mga panganib?

Bilang aktibidad ng paaralan, hindi basta-basta maituturing na pamamasyal ang training camp napakalaking pasanin ang responsibilidad ng administrasyon, at mga tagapagsanay. Ang pagkakaroon ng sapat na mga alituntunin sa kaligtasan, mga tagapagligtas sa tubig, at mga planong pansakuna ay di mga dagdag lamang sa mga programa. Ito dapat ang pangunahing naisasaayos upang sa pag-iingat ng mga buhay

Mas lalong nakababahala kung mapapatunayan na ang isang aktibidad ay nagkulang nga sa mga kinakailangang pag-iingat. Sa mga ganitong sitwasyon hindi na sapat ang pakikiramay at paghingi ng paumanhin. Kailangang may malinaw at "transparent" na imbestigasyon upang matukoy ang mga pagkukulang, ang mga dapat managot, at anong hakbang ang kailangang maisaalang-alang upang hindi na maulit ang mga ganitong trahedya.

Hindi na natin maibabalik ang dalawang atleta. Ngunit maari nating tiyakin na hindi lamang mauuwi ang kanilang pagkamatay sa mga malulungkot na ala ala. Ang pangalang Rene at Divine ay dapat magsilbi na bilang isang paalala na ang pagtitiwala ng mga magulang at estudyante sa mga lider ay may kaakibat at katumbas na responsibilidad.

Maaaring tangayin ng agos at mga alon ang buhay, subalit ang hindi kayang pawiin ng mga alon ay ang responsibilidad at mga pananagutan. Sapagkat sa isang institusyong ipinagkakatiwala ang buhay ng mga kabataan, ang kaligtasan ay hindi dapat isinasantabi, ito ay dapat ang unang ipinagtatanggol.

Pagwawasto ni: Kian Andrei Gutierrez
Pag-aanyo ni: Kent Jasper Gimeno

π˜Όπ™‰π™‚ π˜Όπ™π˜Όπ™‡ π™‰π˜Ό π™ƒπ™„π™‰π˜Ώπ™„ π™ˆπ˜Όπ™Žπ™π™Žπ™π™‡π˜Όπ™ π™Žπ˜Ό π™‹π™„π™Žπ˜Όπ™π˜ΌUlat ni: Shantal Mien Forca" π™’π˜Όπ™‡π˜Όπ™‰π™‚ π™ˆπ™Šπ˜Ώπ™Š. "Maikli ang salita, ngunit mahaba ang tan...
19/08/2026

π˜Όπ™‰π™‚ π˜Όπ™π˜Όπ™‡ π™‰π˜Ό π™ƒπ™„π™‰π˜Ώπ™„ π™ˆπ˜Όπ™Žπ™π™Žπ™π™‡π˜Όπ™ π™Žπ˜Ό π™‹π™„π™Žπ˜Όπ™π˜Ό

Ulat ni: Shantal Mien Forca

" π™’π˜Όπ™‡π˜Όπ™‰π™‚ π™ˆπ™Šπ˜Ώπ™Š. "

Maikli ang salita, ngunit mahaba ang tanong na iniiwan nito: Sino nga ba ang nagtuturo ng paggalang?

Matapos ang pahayag ni Atty. Clarissa "Claire" Castro Seechung, kasalukuyang Undersecretary ng Presidential Communication Office (PCO) at Tagapagsalita ng MalacaΓ±ang, tungkol sa ilang g**ong umano'y nagtuturo sa mga estudyante na kung paano maging walang modo, mula sa pahayag na ito, muling napag-usapan ang papel ng mga g**o sa paghubog ng asal ng kabataan.

Para sa akin, dapat seryosohin ang ganitong usapin. Kung may g**ong nagtuturo ng kawalang-galang, nararapat lamang itong ituwid. Ngunit makatarungan bang sa g**o agad ibuhos ang sisi sa bawat maling asal ng isang bata?

Malaki ang papel ng paaralan sa paghubog ng pagkatao. Sa loob ng silid-aralan, hindi lamang aralin sa aklat ang itinuturo. May disiplina, respeto, pananagutan, at pakikitungo sa kapwa. Kaya naman inaasahang magiging mabuting halimbawa ang isang g**o. Ngunit hindi sa paaralan nagsisimula at nagtatapos ang paghubog sa isang bata.

Ayon sa 1987 Constitution, Article XIV, Section 3(2), bahagi ng layunin ng edukasyon ang pagpapaunlad ng pagpapahalagang moral, etikal, at disiplina. Kasabay nito, kinikilala rin ng Article II, Section 12 ang pangunahing tungkulin ng mga magulang sa pagpapalaki at paghubog sa kabataan.

Kung gayon, bakit isang panig lamang ang agad nating itinuturo? Tahanan, paaralan, kaibigan, komunidad, at maging social media ay maaaring maging salamin kung saan natututuhan ng isang bata kung paano makitungo sa iba. Kung may g**ong nagkamali, panagutin. Ngunit huwag nating hayaang ang pagkakamali ng iilan ay maging mantsa sa buong propesyon. Ang respeto ay hindi asignaturang ipinapasa sa isang g**o. Hindi rin ito natututuhan sa isang araw. Ito ay nakikita, naririnig, at isinasabuhay.

Sa huli, ang batang marunong rumespeto ay hindi produkto ng isang g**o lamang. Siya ay bunga ng mga halimbawang araw-araw niyang nakikita. Dahil ang pinakamahalagang aral ay hindi laging nasusulat sa pisara. Minsan, ito ay nakikita sa paraan ng pakikitungo natin sa isa't isa.

Pagwawasto ni: Kian Andrei Gutierrez
Pag-aanyo ni: Kent Jasper Gimeno

Address

Espeleta St
Muntinlupa City
1771

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PAHAYAGAN NG TAMBULI posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category