31/07/2025                                                                            
                                    
                                                                            
                                            Here are your paragraphs rearranged for better flow and coherence:
Perks of being a Teacher, a SPED teacher. Hindi ko naman hinihingi o inaasahan ito. Pero nagpapasalamat ako at nakikita nila ang pagmamahal ko sa trabaho ko.
Bilang isang SPED teacher, hindi lamang ito isang trabaho na concern ka lang sa sahod mo. Kaakibat nito ang pagmamahal at pagmamalasakit mo sa mga batang tinuturuan mo. Ako, ang pagtingin ko sa kanila ay mga anak ko narin. Mas nasasaktan ako kapag nasasaktan at nahihirapan din sila.
Sabi nila, bakit daw pagiging teacher ang pinili ko? At SPED pa? Hindi naman po mahirap magturo, at lalong hindi rin mahirap magturo sa SPED. Masaya po at masarap sa pakiramdam. Bakit? Kasi po ang mga batang ito, sila ang nagpapasaya sakin. Sila ay napaka genuine magmahal. Bawat yakap at halik nila ay ramdam mo ang tunay na pagmamahal nila sayo. At para sakin yun ay walang katumbas.
Noong nahinto ako sa pagtuturo, nalungkot ako. Namiss ko kasi ang kanilang mga halakhak, ang pagbati sa umaga. Kahit nakatalikod ka, bigla kang yayakapin na para bang miss na miss ka nila. Lagi kang hinahanap na para bang napakahalaga mong tao o bagay para sa kanila.
Oo, minsan nasasaktan nila ako pisikal sa tuwing may tantrums sila o kung may nagti-trigger sa kanila para gawin yun. Pero hindi ko ramdam ang sakit na yun. Mas nararamdaman ko at na-realize ko na mas lalo ko silang dapat mahalin, mas lalong dapat humaba ang pasensya ko sa kanila, mas lalo kong dapat galingan ang pagiging Teacher sa kanila. Hindi lang po ako Teacher, Nanay din ako.