Balitang Cupang

Balitang Cupang Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Balitang Cupang, Media/News Company, Cupang, Muntinlupa City.

BARANGAY CUPANG, PINATATAG ANG PAKIKIPAGTULUNGAN KONTRA ILEGAL NA DROGAPinagtibay ng Barangay Cupang ang pakikipagtulung...
18/08/2026

BARANGAY CUPANG, PINATATAG ANG PAKIKIPAGTULUNGAN KONTRA ILEGAL NA DROGA

Pinagtibay ng Barangay Cupang ang pakikipagtulungan nito sa mga katuwang na ahensya at iba pang barangay sa pagpapatupad ng mga programa laban sa ilegal na droga.

Isinagawa sa Barangay Cupang ang Barangay Drug Abuse Council (BADAC) Monthly Regular Meeting at Barangay Drug Clearing Program Update, na dinaluhan ni Kapitana Luvi Constantino, Kagawad Aaron Aquino, mga kawani ng Drug Abuse Prevention and Control Office (DAPCO), at mga kinatawan ng BADAC mula sa iba’t ibang barangay ng Muntinlupa.

Pinangunahan ni G. Paulter Villanueva, kinatawan ng DAPCO Head na si PCol. Florocito Ragudo (Ret.), ang mga talakayan hinggil sa patuloy na pagpapatupad at pagpapalakas ng mga programa kontra ilegal na droga.

Bilang pagkilala sa naging ambag ng Barangay Cupang sa pagsusulong ng ligtas at drug-resilient na komunidad, ginawaran sina Kapitana Luvi at ang Pamahalaang Barangay ng Cupang ng Certificate of Appreciation bilang punong-abala ng pagpupulong.

Patuloy namang isinusulong ng Barangay Cupang ang koordinasyon sa mga ahensya at iba pang barangay upang mapanatili ang isang ligtas, disiplinado at responsableng komunidad.

Source: I Luv Cupang (fb)




PATULOY ANG PAGLILINIS AT PANGANGALAGA SA KAPALIGIRAN SA BARANGAY CUPANGPatuloy ang isinasagawang paglilinis at panganga...
13/08/2026

PATULOY ANG PAGLILINIS AT PANGANGALAGA SA KAPALIGIRAN SA BARANGAY CUPANG

Patuloy ang isinasagawang paglilinis at pangangalaga sa kapaligiran sa Barangay Cupang bilang bahagi ng pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa mga daluyan ng tubig.

Nagsagawa ng cleanup operation sa East Service Road Bridge ang Barangay Environmental and Ecological Department, katuwang ang Estero Rangers, upang linisin ang paligid at mga daluyan ng tubig sa lugar.

Sa suporta ni Kapitana Luvi Constantino, patuloy na isinusulong ang mga hakbang para mapanatiling malinis, ligtas, at maayos ang Barangay Cupang, lalo na ngayong panahon ng tag-ulan.

Source: I Luv Cupang (fb)




KAPITANA LUVI, NAGIKOT SA CUPANG PARA SIGIRADUHIN ANG KALIGTASAN NG MGA RESIDENTE SA PAGBAHABuong araw na nag-ikot si Ba...
09/08/2026

KAPITANA LUVI, NAGIKOT SA CUPANG PARA SIGIRADUHIN ANG KALIGTASAN NG MGA RESIDENTE SA PAGBAHA

Buong araw na nag-ikot si Barangay Cupang Chairperson Luvi Constantino sa mga lugar na naapektuhan ng pagbaha upang personal na masuri ang sitwasyon at makumusta ang mga residenteng apektado.

Kasama ang mga opisyal at kawani ng barangay, tinukoy ni Constantino ang mga lugar na nangangailangan ng agarang aksyon, partikular ang mga kritikal na bahagi na nangangailangan ng ligtas na tawiran.

Kabilang sa mga kasama niya sa pag-iikot sina Kagawad Aaron Aquino, Barangay Secretary Helena Garcia, Barangay Treasurer Olan Matilla, at iba pang kawani ng Pamahalaang Barangay.

Sinuri rin ang mga lugar para sa posibleng paglalagay ng steel bridges upang matiyak ang mas ligtas na pagtawid ng mga residente habang nananatiling baha ang ilang bahagi ng barangay.

Patuloy namang minomonitor ng Pamahalaang Barangay Cupang ang sitwasyon upang agad na matugunan ang mga pangangailangan ng mga residenteng apektado ng pagbaha.

Source: I Luv Cupang (fb)




MGA MAGULANG AT G**O SA CUPANG, PINALAWAK ANG KAALAMAN KONTRA ONLINE RADICALIZATION AT KARAHASANNakiisa ang mga magulang...
29/07/2026

MGA MAGULANG AT G**O SA CUPANG, PINALAWAK ANG KAALAMAN KONTRA ONLINE RADICALIZATION AT KARAHASAN

Nakiisa ang mga magulang at g**o ng Cupang Elementary School-Main sa Orientation on Nihilistic Violent Extremism (NVE) na isinagawa sa Audio Visual Room ng paaralan upang mapalawak ang kanilang kaalaman sa mga banta ng online radicalization at karahasan.

Bilang isa sa mga pangunahing tagapagsalita, tinalakay ni Barangay Cupang Captain Luvi Constantino ang mga panganib ng Nihilistic Violent Extremism, ang mga salik na maaaring magtulak sa isang tao sa marahas na gawain, at ang mga hakbang na isinasagawa ng pamahalaan at mga awtoridad upang mapanatiling ligtas ang komunidad.

Pinangunahan ng Cupang Elementary School-Main ang aktibidad sa pakikipagtulungan ng Barangay Violence Against Women and Children (VAWC) Desk sa pangunguna ni Ms. Raissa Espinosa. Dumalo rin sa programa ang mga magulang at g**o bilang bahagi ng pagpapalawak ng kamalayan ng komunidad laban sa mga banta ng ekstremismo.

Ayon sa barangay, bahagi ang programa ng patuloy na pagsisikap na palakasin ang ugnayan ng pamilya, paaralan, at komunidad sa pamamagitan ng pagbibigay ng sapat na kaalaman upang makatulong sa pag-iwas sa online radicalization at mapanatili ang isang ligtas at mapayapang Barangay Cupang.

Source: I Love Cupang (fb)




BCPC NG BARANGAY CUPANG, PINALAKAS ANG KAKAYAHAN SA CHILD PROTECTIONMUNTINLUPA CITY — Nagsagawa ng dalawang araw na Bara...
28/07/2026

BCPC NG BARANGAY CUPANG, PINALAKAS ANG KAKAYAHAN SA CHILD PROTECTION

MUNTINLUPA CITY — Nagsagawa ng dalawang araw na Barangay Council for the Protection of Children (BCPC) Capacity Development Training 2026 ang Barangay Cupang upang higit pang palakasin ang kakayahan ng mga opisyal at katuwang ng barangay sa pagpapatupad ng mga programang nagpoprotekta sa kapakanan ng mga bata.

Dinaluhan ni Kapitana Luvi Constantino, kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Barangay at iba pang katuwang ng BCPC, ang pagsasanay na may temang *"Strengthening Child Protection Mechanism and Enhancing BCPC Functionality."*

Nagbahagi ng kaalaman sa unang araw sina Ms. Venus Padua at Ms. Dang Molo, habang sina Ms. Shiela Enaje, Ms. Analisa Oray, Ms. Maria Elena Quinagon, at Ms. Ella Marie Basco, na pawang mga Registered Social Workers, ang nagsilbing resource speakers sa ikalawang araw.

Ayon sa barangay, layunin ng pagsasanay na mapatatag ang child protection mechanisms at matiyak ang mas epektibong pagpapatupad ng mga programang nagsusulong ng karapatan, kaligtasan, at kapakanan ng bawat batang residente ng Barangay Cupang.

Source: I Love Cupang (fb)




MGA PAMILYANG NASUNUGAN SA CUPANG, MULING NAKATANGGAP NG LUNCH PACKSMuling namahagi ang Pamahalaang Barangay ng Cupang n...
22/07/2026

MGA PAMILYANG NASUNUGAN SA CUPANG, MULING NAKATANGGAP NG LUNCH PACKS

Muling namahagi ang Pamahalaang Barangay ng Cupang ng lunch packs sa mga pamilyang naapektuhan ng sunog sa Purok 6 bilang bahagi ng patuloy na pagtugon sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.

Pinangunahan nina Procurement Head Ruel Garcia at HR Head Odessa Arevalo ang pamamahagi ng pagkain upang matiyak na patuloy na naaalalayan ang mga pamilyang pansamantalang naninirahan sa evacuation site.

Ayon sa Pamahalaang Barangay ng Cupang, tuloy-tuloy ang paghahatid ng tulong at suporta sa mga naapektuhan habang isinasagawa ang kanilang pagbangon mula sa insidente ng sunog.

Source: I Love Cupang (fb)




KAMAKAILANG SUNOG SA PUROK 6, BRGY. CUPANGTINGNAN: Nagsagawa ng data gathering ang mga opisyal ng Barangay Cupang CUSCAI...
17/07/2026

KAMAKAILANG SUNOG SA PUROK 6, BRGY. CUPANG

TINGNAN: Nagsagawa ng data gathering ang mga opisyal ng Barangay Cupang CUSCAI sa mga senior citizen na naapektuhan ng kamakailang sunog sa Purok 6, Brgy. Cupang. Layunin ng aktibidad na matukoy ang kanilang kalagayan at mga pangangailangan upang maipagkaloob ang angkop na tulong at suporta.

Patuloy na nakikiisa ang Barangay Cupang CUSCAI sa mga apektadong residente at nananatiling nakahandang maghatid ng kinakailangang serbisyo sa panahon ng kanilang pagbangon.

Source: Barangay Cupang Cuscai




BARANGAY CUPANG, PINASINAYAAN ANG SUPER SENIORS AT SUPER DADS BASKETBALL LEAGUE 2026Pormal nang binuksan ang Barangay Cu...
02/07/2026

BARANGAY CUPANG, PINASINAYAAN ANG SUPER SENIORS AT SUPER DADS BASKETBALL LEAGUE 2026

Pormal nang binuksan ang Barangay Cupang Super Seniors Basketball League 2026 at Super Dads Basketball League 2026 sa temang "United by the Game, Driven by Love," bilang bahagi ng pagsusulong ng aktibong pamumuhay at pagkakaisa sa komunidad.

Dinaluhan ng mga koponan, manlalaro, coaches, commissioners, muse, at mga opisyal ng Pamahalaang Barangay at Sangguniang Kabataan ng Cupang ang opening ceremony, na sinundan ng mga unang laro ng dalawang liga na nagpakita ng masiglang kompetisyon at sportsmanship.

Ayon kay Kapitana Luvi Constantino, layunin ng programa na palakasin ang ugnayan ng komunidad, hikayatin ang mga residente na mamuhay nang aktibo, at bigyan sila ng pagkakataong maipakita ang kanilang talento, disiplina, at pagmamahal sa sports.

Source: I Love Cupang (fb)




BARANGAY CUPANG NAGSAGAWA NG SUBSTANCE ABUSE FORUM PARA SA MGA SENIOR CITIZENNagpaabot ng suporta si Kapitana Luvi Const...
22/06/2026

BARANGAY CUPANG NAGSAGAWA NG SUBSTANCE ABUSE FORUM PARA SA MGA SENIOR CITIZEN

Nagpaabot ng suporta si Kapitana Luvi Constantino sa isinagawang Substance Abuse Forum for the Elderly (SAFE) sa Barangay Cupang Events Place bilang bahagi ng patuloy na kampanya ng barangay laban sa iligal na droga.

Layunin ng SAFE na palawakin ang kaalaman ng mga senior citizen hinggil sa masamang epekto ng pag-abuso sa droga at alak, gayundin ang kahalagahan ng maagang pagtukoy at pag-iwas sa mga suliraning may kaugnayan sa substance abuse sa loob ng pamilya at komunidad.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Kapitana Constantino na hindi lamang ang gumagamit ng ipinagbabawal na gamot ang naaapektuhan kundi maging ang kanilang mga pamilya. Hinikayat din niya ang mga dumalo na maging mapagmatyag sa mga palatandaan ng pag-abuso sa droga upang agad na mabigyan ng tamang gabay at suporta ang mga nangangailangan.

Ayon sa barangay, bahagi ang naturang programa ng patuloy na pagsisikap na mapanatili ang Barangay Cupang bilang isang ligtas, mapayapa, at malaya sa ipinagbabawal na droga.

Source: I Love Cupang (fb)




CSOP PROGRAM, PORMAL NANG IPATUTUPAD SA BARANGAY CUPANGPormal nang nilagdaan ng Pamahalaang Barangay Cupang at ng kapuli...
12/06/2026

CSOP PROGRAM, PORMAL NANG IPATUTUPAD SA BARANGAY CUPANG

Pormal nang nilagdaan ng Pamahalaang Barangay Cupang at ng kapulisan ang Memorandum of Agreement (MOA) para sa pagpapatupad ng Community and Service-Oriented Policing (CSOP) Program na naglalayong higit pang palakasin ang kapayapaan at kaayusan sa komunidad.

Isinagawa ang MOA signing sa tanggapan ni Punong Barangay Kapitana Luvi Constantino kasama sina Kagawad Berlin Agda, Kagawad Aaron Aquino, Barangay Police Department Head Efren Loresca, at Muntinlupa City PNP Sub-Station Commander PCapt. Gary Mendoza.

Sa ilalim ng CSOP Program, paiigtingin ang koordinasyon sa pagitan ng barangay, kapulisan, at mga residente upang mapalakas ang partisipasyon ng komunidad sa pagpapanatili ng seguridad, pagtugon sa mga suliranin, at pagtataguyod ng isang ligtas at mapayapang pamayanan.

Layunin ng programa na isulong ang mas malapit na ugnayan ng mamamayan at mga tagapagpatupad ng batas bilang mahalagang hakbang tungo sa mas epektibong pagpapanatili ng kaayusan sa barangay.

Source: City Government of Muntinlupa Official (fb)




Address

Cupang
Muntinlupa City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Balitang Cupang posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share