15/09/2026
'PANSAMANTALANG TULAY, PATULOY NA IKINAKABIT SA MUNTINLUPA'
TINGNAN: Ipinagpapatuloy ang pagkakabit ng cocolumber para sa pansamantalang tulay sa Espeleta Pantalan, kasabay ng pagtugon ng Muntinlupa Engineering sa mga bagong request para sa mas ligtas na daanan.
Bukod sa Espeleta Pantalan sa Poblacion, isinagawa rin ang upgrading ng existing na daanan sa 181 San Guillermo, Putatan. Kabilang din sa mga tinugunang lugar ang Malaca Purok 4 sa Bayanan at Badjao St. Purok 2. Patuloy na sinusuri at inaaksyunan ang mga pangangailangan ng komunidad, partikular sa mga lugar na nahihirapang makadaan dahil sa pagbaha.
Source: City Government of Muntinlupa - OFFICIAL (page)