09/06/2026
'MEGA HEALTH CENTER, ITINATAYO SA BARANGAY ALABANG'
TINGNAN: Patuloy na pinalalakas ng Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa ang serbisyong pangkalusugan sa pamamagitan ng pagtatayo ng Mega Health Center sa Barangay Alabang. Inaasahang magiging mahalagang karagdagang pasilidad ito upang mapalawak ang access ng mga residente sa mas mabilis at mas komprehensibong serbisyong medikal.
Layunin ng proyekto na dagdagan ang kapasidad ng lungsod sa pagtugon sa iba't ibang pangangailangang pangkalusugan ng komunidad habang inilalapit ang mga pangunahing serbisyong medikal sa mas maraming Muntinlupeño. Sa pamamagitan ng bagong health facility, inaasahang higit pang mapapabuti ang kalidad at accessibility ng healthcare services sa lungsod.
Bahagi ang pagtatayo ng Mega Health Center ng patuloy na pagsisikap ng lokal na pamahalaan na palakasin ang healthcare infrastructure at isulong ang kalusugan bilang isa sa mga pangunahing prayoridad ng lungsod sa ilalim ng 7K Agenda.
Source: City Government of Muntinlupa - OFFICIAL (page)