24/02/2024
Sad reality π’
Sa karinderya, libre raw ang sabaw.
Ngunit isang beses, nagdala ako ng kanin at ulam tapos nanghingi ako ng sabaw (kasi libre naman diba?) nagalit ang tindera at pinaalis ako.
Hindi totoong libre ang sabaw. Nagmukhang libre lang ito kasi bumibili tayo, kasi may silbi tayo sa negosyo nila.
Gan'yan din sa buhay. Kung sa kompanyang pinagtatrabahuan mo akala mo may incentives ka kasi na hit mo ang qouta, ang totoo niyan kaya ka may incentives para ganahan ka magtrabaho, sahod mo rin yan, hindi libre.
Gan'yan din sa mga relasyon na mayroon ka. Mahal ka nila at kaya nilang ibigay sa'yo ang mga bagay-bagay o magandang trato kasi may silbi ka sa kanila. Nagbibigay ka kung mayroon ka, kaya hindi ka nila pinapaalis.
Kailangan may silbi ka para magmukhang libre ang sabaw. Gan'yan ang lipunan, gan'yan ang ating bayan. Kaya kawawa ang mahihirap, kawawa ang mga walang ambag, lalo na yung mga walang kakayahan.
Paano kapag hindi ako bibili?
Edi hindi libre ang sabaw.
Kaya binili ko na ang sabaw.
"Ate pabili ng sabaw, tangina hindi naman pala libre eh. Niloloko niyo lang kami."
Sana may natutunan kayo.
-Nikulas | Ang buhay ay isang malawak na karinderya. At hindi libre ang sabaw.