21/09/2025
๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐, ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐.
Ngayong ๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง๐๐ฅ ๐๐๐ฒ ๐จ๐ ๐๐ซ๐จ๐ญ๐๐ฌ๐ญ, ipinapakita ng sambayanan ang tunay na lakas ng masaโtumitindig laban sa katiwalian, bumoboses laban sa mali, naninindigan para sa tama, at hinaharap sa pananagutan ang mga taksil sa bayan. Kasabay nito, ginugunita natin ang madilim na anibersaryo ng ๐๐๐ญ๐๐ฌ ๐๐ข๐ฅ๐ข๐ญ๐๐ซ noong ๐๐๐๐, isang panahon ng dahas, pagpatay, at panunupil, na hanggang ngayon ay sinisikap baluktutin.
Hindi kailanman napatahimik ang mamamayan. Sa bawat tangkang supilin ang bayan, muling sumisigaw at sumisiklab ang pagkakaisa sa lansangan. Ang mga kalye ay naging saksi sa tapang ng kabataan, sa lakas ng mga manggagawa, at sa paninindigan ng mga ordinaryong mamamayan na naghangad ng pagbabago.
Mula sa Sigwa ng Unang Sangkapat noong 1970, kung saan pinangunahan ng tapang ng kabataan at mga progresibong puwersa ang pakikibaka, hanggang sa Himagsikan ng Lakas ng Bayan noong 1986 na nagpatalsik sa diktadurang Marcos, at sa Ikalawang Rebolusyon sa EDSA noong 2001 na muling nagpabagsak sa tiwali at gahaman sa kapangyarihan.
๐๐๐ ๐ฉ๐๐ฉ๐๐ญ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ฒ ๐๐ง๐ ๐ฅ๐๐๐๐ง. Hindi pa tayo tapos. Patuloy ang ating pakikibaka laban sa katiwalian. Dapat silang kuwestiyunin, ilantad, singilin, at hiyain. Walang karapatan ang sinumang mandarambong na manatili sa kapangyarihan. Ikulong ang mga iyan!
๐๐๐ข๐ฅ๐๐ง๐ ๐๐ง ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐ข ๐ง๐ ๐ญ๐ข๐ง๐ข๐ ๐ง๐ ๐ค๐๐ฅ๐ฌ๐๐๐. Ngayon, higit kailanman, dapat tayong manindigan. Sa paglipas ng panahon, ang ating mga kilos ay magiging bahagi ng kasaysayan. Sa kasaysayang iyon, kailangan mong pumili: Kakampi ka ba ng mga kawatan o kakampi ka ng bayan? Pinili mo ba ang katahimikan kahit alam mong may mali o kabilang ka sa mga bumoses upang may managot? ๐๐๐ฆ๐ข๐ฅ๐ข ๐ค๐ ๐ง๐ ๐๐ฒ๐จ๐งโ๐๐๐ก๐ข๐ฅ ๐๐ง๐ ๐ฐ๐๐ฅ๐๐ง๐ ๐ฉ๐๐ง๐ข๐ , ๐ฉ๐๐ง๐ข๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ฎ๐ฌ๐๐๐จ.
Walang kulay. Walang pulitikong kinakampihan. Hindi tayo panatiko ng sino man.
Pilipino para sa hustisya, para sa karapatan ng mga gutom at walang trabaho, para sa estudyanteng walang silid-aralan, pasyenteng walang k**a sa ospital, para sa mga nasalanta ng baha, para sa magsasaka at manggagawa, para sa mga bata at kabataanโpara sa masa! Pilipino para sa laban kontra katiwalian, laban sa mapang-abusong nasa puwesto, laban sa diskriminasyon at pang-aapi, laban sa maling sistema at maling pamamahala.
Nilubog niyo sa baha ang Pilipinasโngayon, babahain namin ng protesta ang mga kalsada. Mula sa Luneta, EDSA, at sa ibaโt ibang bahagi ng bansa, ๐๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐๐ฌ!
๐๐ข๐บ๐ฐ๐ถ๐ต ๐ฃ๐บ ๐๐ณ๐ฃ๐ณ๐ช๐ฆ๐ฏ ๐๐ฆ๐ฏ ๐๐ณ๐ช๐ข๐ฏ ๐๐ข๐ฏ๐ข๐บ๐ข๐จ
๐๐ณ๐ช๐ต๐ต๐ฆ๐ฏ ๐ฃ๐บ ๐๐ฏ๐จ๐ฆ๐ญ ๐๐ข๐ฆ ๐๐จ๐ถ๐ช๐ญ๐ข๐ณ
๐๐ณ๐ฐ๐ฐ๐ง๐ณ๐ฆ๐ข๐ฅ ๐ฃ๐บ ๐๐ช๐ฌ๐ฉ๐ข๐ฆ๐ญ๐ข ๐๐ช๐ค๐ฐ๐ญ๐ฆ ๐๐ถ๐ฃ๐ฆ๐ณ๐ข