31/07/2025
UMABOT SA HAWAII ANG MGA ALON NG TSUNAMI MATAPOS YANIGIN NG MALAKAS NA LINDOL ANG MALAYONG SILANGANG BAHAGI NG RUSSIA
I-sang malakas na lindol na may lakas na 8.8 magnitude ang yumanig sa Kamchatka Peninsula sa malayong silangang bahagi ng Russia noong Miyerkules, na nagdulot ng tsunami na umabot hanggang 5 metro ang taas. Ilang gusali ang nasira at may mga nasaktan. Sa Japan, Hawaii, at iba pang bahagi ng Pacific, nagpatupad ng evacuation bilang pag-iingat.
Sa Petropavlovsk-Kamchatsky, tumagal ng halos 3 minuto ang pagyanig. Nahinto pa ang ilang operasyon sa ospital habang lumilindol. Nalubog naman ang ilang bahagi ng baybayin sa Severo-Kurilsk dahil sa tsunami.
Sa Hawaii, umabot sa 1.7 metro ang alon, dahilan para lumikas ang mga tao at kanselahin pansamantala ang mga flight. Sa Japan, may ulat ng isang namatay habang nagliligtas sa sarili. Tatlong tsunami waves ang naitala doon, ngunit walang malaking pinsala sa nuclear plants.
Ayon sa mga eksperto, ito ang pinakamalakas na lindol sa rehiyon mula 1952, ngunit nananatiling kontrolado ang sitwasyon. Patuloy pa rin ang mga aftershocks sa lugar.