18/10/2025
Balita| ๐ช๐๐ฆ๐ ๐๐ก ๐ฆ๐๐๐ข๐ข๐๐ฆ ๐ฆ๐ ๐ฉ๐๐ฃ๐๐ฆ, ๐๐ฆ๐๐ก๐จ๐๐ข๐ก๐
Upang itaguyod ang disiplina sa kalinisan at kalusugan, aktibong nakibahagi ang VBPHS sa simultaneous WASH in SCHOOL activity na may temang " Be a Handwashing Hero" noong ika-15 Oktubre, ika-8 ng umaga.
Layunin ng aktibidad na maituro at maisabuhay ng mga mag-aaral ang tamang gawi sa personal hygiene at mapanatili ang malinis na kapaligiran sa paaralan. Pinangunahan ito ng mga guro/advisers at tagapamahala ng paaralan bilang bahagi ng pagpapatupad ng Wash in Schools (WinS) Program ng Department of Education (DepEd).
Sa naturang gawain, sabay-sabay na isinagawa ng mga mag-aaral ang tamang paghuhugas ng kamay, pagsisipilyo ng ngipin, regular na pag-inom ng tubig, at tamang pag-segregate ng basura.
Ani ni Maam Sweet Sell Bosito-De Lima, tagapayo ng 7-Tulip, "Mahalaga ang pagkakaroon ng ganitong kaganapan dahil dito nagsisimula ang malusog na gawi".
Sa pamamagitan ng aktibidad na ito, napalalim ng VBPHS ang kamalayan ng mga mag-aaral sa kahalagahan ng kalinisan at kalusugan, bilang pundasyon ng isang ligtas, maayos, at produktibong kapaligiran sa paaralan.
๐SandyKatrinaAlmazan/NewsWriter
๐ธMgaTagapayo
Deped Camsur Wins