24/06/2025
"Pa, pakikuha mo naman, please, nung dishwashing liquid sa camping bag."
-----
Nasimot na kasi ang nasa lababo namin, at kinabukasan pa ang schedule ng pamimili. Hindi din kami basta-basta bumibili gamit ang cash. We utilize credit -- we do leveraging. So, we stick to the schedule. Simutin muna ang pwedeng simutin. 🙈
Kapag nakasanayan na, magiging habit na talaga ang pagbabudget. Kahit na minsan, nakakasawa at nakakapagod na din, kailangan pa ring gawin. 😮💨
Hindi ko alam kung nasa plano ba ni Lord na darating kami sa punto na magkaroon ng sobra-sobrang pera -- para hindi na tumingin at magkumpara kung ano ang mas murang items sa supermarket. O kaya naman ay bilhin ang mga gusto at kailangan namin, o magbakasyon sa kung saan nang hindi nagtitipid at nagbabudget.
Hopefully, someday.
But, SOMEDAY isn't one of the seven days in a week. Life is fleeting. Our SOMEDAY is uncertain. The present is a gift we have now.
Kaya sa season ng buhay ngayon na binabalanse ang paghahanapbuhay, pagsisinop, pagpaplano, paghahanda, pagpapahinga, paglalaro at pagsasaya, ang pinakamahalaga ay yung lagi kaming magkakasamang pamilya sa iisang bubong -- namumuhay nang simple, mapayapa, malusog, minsan malungkot at magulo, pero kadalasan ay masaya.
Ano pa man ang mangyari, nasusulit namin ang NGAYON.
Hindi na kailangang hintayin ang SOMEDAY. Ngayon pa lang, masasabi ko na'ng napakayaman na namin agad -- sobra!