03/11/2025
📌On SuiC*dE💔
Anuman ang mangyari sa mundong ito, anuman ang pagdaanan ng mga buhay natin dito, when stretched to its very limit, hindi ito kayang dalhin o pasanin ng mga mumunting katawan natin.
Lahat ng bigat, lahat ng kawalang pag-asa, lahat ng kadiliman, mula sa pamumuhay hanggang sa kailaliman ng ating pag-iisip, walang kalaban-laban ang sarili nating espiritu sa espiritwal na kalabang namamayani sa ating mundo.
Kaya maraming bumibigay,
maraming nata-trap sa kawalan,
merong mga nagsu-*@^cide.
Alam mo ba na "halos 2,000" na Pilipino ang nagpakamatay sa loob ng anim lang na buwan simula January hanggang June ngayong 2025!?
At ang rate na 'yan ay patuloy pong tumataas!
Ang pinakamatinding tinatamaan ay ang mga Kabataan (ages 15–29 years old).
At isa sa bawat limang kabataan (15-25) ay nag-isip nang magpakamatay!
Ano ang Ibig Sabihin Nito?
Ang ibig sabihin n'yan ay patuloy na lumalaki ang problema bawat taon! Hindi ito bumababa kundi umaakyat pa.
Sa madaling sabi, ang ating kinabukasan ay nagdurusa.
Ang mga kabataang ito...mga estudyante, mga bagong empleyado, ang mga susunod na lider...sila ang may pinakamataas na porsyento ng sui¢£∆^.
Sa bawat pagtaas ng bilang, ibig sabihin, nadadagdagan din ang bilang ng mga kapatid nating hindi natin nade-detect na nagdurusa na pala ang kalooban dahil karamihan sa kanila ay "functioning" o 'yung mga nagagawa pa ring gampanan ang kanilang mga pang-araw-araw na responsibilidad sa trabaho, paaralan, o sa bahay, kahit hungkag na hungkag na ang kalooban.
At karamihan sa kanila ay masayahin din kapag nakakasalamuha mo sa araw-araw kaya talagang mahirap ma-determine.
Pero ang mga statistics na ito ay nananawagan sa ating konsensiya at humihikayat sa ating kumilos.
Hindi lang ito isyu ng gobyerno o ng mga doktor—isyu rin ito ng Simbahan at ng bawat Kristiyano.
Sinasabi nito sa atin na hindi sapat ang tulong na nakukuha nila laban sa pressure ng buhay, bullying, at social media.
Bilang mga tagasunod ni Hesus, tayo ang dapat na unang magbigay ng pag-asa, pagmamahal, at praktikal na tulong sa mga naghihirap.
Hindi lang sila basta numero lang sa isang report, sila ay mga kapatid natin, mga anak ng Diyos, na dumaan sa matinding kadiliman at hindi nakakita ng liwanag.
Bilang mga Kristiyano, naniniwala tayo na ang buhay ay sagrado, bigay ng Diyos.
Sabi sa Bibliya, tayo ang asin at liwanag ng mundo.
Ipakita natin ang pag-asa ni Kristo sa mga taong nawawalan na nito.
Huwag nating balewalain ang kanilang nararamdaman. Obligasyon nating makinig at maging discerning sa mga nangyayari sa ating kapaligiran.
I-normalize natin ang pag-uusap tungkol sa mental health sa halip na itago ito sa takot sa pagiging "mahihina."
Kung alam mo din lang naman na ang mga nangyayari ngayon ay ang patuloy lang na espiritwal na labanan since the beginning of time, hindi nakakatulong ang iyong katahimikan.
Sabi ni Dietrich Bonhoeffer, "Silence in the face of evil is itself evil: God will not hold us guiltless. Not to speak is to speak. Not to act is to act."
Sabi naman ni Dante Alighieri, "The darkest places in hell are reserved for those who maintain their neutrality in times of moral crisis."
Kung may kakayahan ka din lang naman, may resources, may impluwensya, spread the good news, also in deeds. Gawin mo.
Speak life.
At sa mga tulad kong hanggang social media lang at personal na buhay ang platform, hindi ito oras para ikahiya ang ating pagiging Kristiano.
Speak life.
Personally, I am also a wretched person pero hindi ito dahilan para manahimik na lang lalo na dahil na-experience ko na din ang ganyang moment, pero isinuko ko ang lahat ng bigat at kalungkutan sa Diyos. Ako'y pinatawad, binuksan ang mata at binigyan ng bagong buhay at pag-asa.
Kaya alam ko na ang ating sariling 'morale' o katatagang-loob ay nakadepende din lang naman sa ating mga 'fighting spirit' o human spirit. Ang ating personal na mumunting espiritu.
Alam ko na itong ating sariling espiritu ay "no match" sa espiritu ng mundong ito.
Alam ko na ang ating sariling espiritu ay walang binatbat laban sa prinsipe ng kadiliman na s'yang tagapamahala ng mundong ito.
What our body and soul needs is a different kind of Spirit.
Ang kailangan ng ating katawa't kaluluwa ay ang Espiritu ng Katotohanan, Espiritu ng Karunungan, Espiritu ng Kapangyarihan, Espiritu ng Buhay. Espiritung Mang-aaliw, Tagapayo at Patnubay.
Ang tanging Espiritung kinatatakutan ng prinsipe ng mundong ito!
Ang Banal na Espiritu.
Ang Espiritung very out of this world pero nakaka-relate din naman sa lahat ng sufferings, trials, hurts, emptiness, at maging sa lahat ng p**t ng mundong ito.
Ang Espiritu na sa kabila ng lahat ng bigat at kalungkutan ay nakakaramdam pa rin ng habag at pag-ibig sa iba.
Ang Espiritu na sa kabila ng galit ng mundo ay nakakapagdasal pa rin ng...
"Lord God, patawarin mo po sila, hindi nila alam ang kanilang ginagawa."
Ang Banal na Espiritu na nakahandang manahan at manatili sa'yo sa pamamagitan ng kapakumbabaan.
Sa oras ng pagsuko.
Sa oras ng pagsisisi.
Sa pagtanggap na hindi mo na kaya.
Dahil ang Banal na Espiritung ito ang bubulong sa'yo kapag wala nang sense ang lahat ng pagpupumilit mong labanan ang kadiliman nang mag-isa.
Dahil alam N'ya kung saan ka posibleng dalhin ng iyong munting espiritung nagpupumilit maabot ang mga bagay na panlupa. Mga bagay na humihila lang lalo sa'yo papalayo sa Kanya.
Kaya kailangan natin itong paulit ulit na sabihin sa kanila,
Kailangan natin itong paulit ulit na ipaliwanag sa kanila,
Kailangan natin itong paulit ulit na imungkahi sa kanila,
na si Kristo lang ang ating kapahingahan!
Si Kristo ang ating kapayapaan!
Si Kristo ang magbibigay sa atin ng bagong buhay at pasyon sa mundong ito!
Sa pamamagitan ng Kanyang Espiritu.
Pero paano mo nga ba S'ya matutunugan na 'Sya na 'yun n nasa atin?
Simple lang...
Ang iyong pagnanais na makapanalangin bago matulog...S'ya 'yun!
Ang iyong pagnanais na makapanalangin kapag naalimpungatan ka sa gitna ng gabi...S'ya 'yun!
Ang iyong pagtya-tyaga na matuto at maunawaan ang mga salita ng Diyos...S'ya 'yun!
Ang lumalakas na interes mo sa pagbabasa ng Bibliya, S'ya 'yun!
Ang tumatawag sa'yo na nagsasabing...iiyak mo sa Kanya ang lahat dahil nakikinig 'Sya...'Sya nga 'yun!
Ang pumipigil sa'yo sa t'wing may masamang binabalak ang utak mo....? 'Sya 'yun!
Ang Banal na Espiritu.
Ang Banal na Espiritu ang solusyon sa lumalalang isyu ng self-harm.
Ang Banal na Espiritu ang sasaliksik at kakalma sa rumaragasa nating emosyon at imahinasyon.
S'ya lang at wala nang iba.
Magtiwala ka, walang imposible sa Kanya.
+++
"Dumarating ang magnanakaw para lang magnakaw, pumatay at mangwasak. Ngunit dumating ako upang magkaroon ang mga tao ng buhay na ganap". Kaya "Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na napapagal at nabibigatan sa inyong pasanin, at bibigyan ko kayo ng kapahingahan. ...sapagkat magaan ang aking pamatok at madaling dalhin ang aking pasanin." - Jesus Christ (Juan 10:10 & Mateo 11:28-30)
"Ang Panginoon ay malapit sa mga pusong wasak; tinutulungan niya ang mga taong may mga espiritu na durog." (Awit 34:18)
For I know the plans I have for you, declares the Lord, plans for welfare and not for evil, to give you a future and a hope. (Jeremiah 29:11)
>>>
Data Sources:
- https://www.philstar.com/nation/2025/07/29/2461507/pnp-logs-2000-suicide-cases
- https://www.sciencedirect.com/science/article/abs/pii/S187620182300093X
- https://www.facebook.com/share/p/17FWUkMaW5/