23/03/2026
๐๐๐ ๐๐ฌ ๐ง๐ ๐๐๐ -๐ข๐๐ข๐ ๐ฌ๐ ๐๐ข๐ญ๐ง๐ ๐ง๐ ๐๐ข๐ ๐ฆ๐๐๐ง: ๐๐จ๐ซ๐ญ๐๐ฆ (๐๐๐๐ฎ๐ฑ) ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐๐ฎ๐ฆ๐ฎ๐ก๐๐ฒ ๐ฌ๐ ๐ฒ๐ฎ๐ ๐ญ๐จ ๐ง๐ ๐ญ๐๐ง๐ ๐ก๐๐ฅ๐๐ง
Sa entablado kung saan nagsasalubong ang liwanag at dilim, muling nabuhay ang kuwento ng pag-ibig at kamatayan sa dulang Mortem (Redux) na matagumpay na itinanghal ng Teatro de Sta. LuisaโUSI sa direksiyon ni Ginoong Alcid O. Valencia. Idinaos ang pagtatanghal sa Unibersidad de Sta. Isabel (USI) Auditorium noong ika-20 at 21 ng Marso, na dinaluhan ng mga mag-aaral, g**o, at panauhin mula sa ibaโt ibang sektor.
Higit pa sa isang karaniwang pagtatanghal, inilatag ng dula ang masalimuot na ugnayan ng buhay at kamatayan sa gitna ng pananakop ng mga Hapon. Sa gitna ng kaguluhan ng digmaan, umusbong ang kuwento nina Concepcion at Kitaharoโisang pag-ibig na hindi natinag ng trahedya. Kasabay nito, binigyang-buhay ang karakter ni Kamatayan, na sa kabila ng kanyang kalikasan ay naghahangad ding maranasan ang magmahal at mahalin.
Sa likod ng makapangyarihang pagtatanghal ay ang dedikasyon ng mga artistang bumuo nito. Ibinahagi ni Yzhia Dhel Bascuรฑa, na gumanap bilang anghel, ang kanyang karanasan sa pagganap na humamon sa kanyang personalidad.
โKinakailangan na sa role ko ay kalmado ako most of the time. Sa personal, hindi ako ganoon kakalmado, ngunit dahil sa character na ito, natutunan kong maging kalmado lalo na sa mga tense na sitwasyon,โ aniya.
Dagdag pa niya, naging malaking hamon ang pagsasaulo ng mga linya, lalo naโt ito ang kanyang unang pagkakataon bilang bahagi ng main cast, isang hakbang na nagpatibay sa kanyang kakayahan bilang isang artista.
Samantala, ibinahagi rin ni Shainalyn L. Sierte mula sa coro ang mensaheng iniwan ng dula sa kanyaโang kahalagahan ng pagpapakita ng pagmamahal sa kapuwa.
โHindi sapat na nararamdaman lang natin, dapat naipapakita rin natin,โ saad niya.
Ayon pa sa kaniya, nagbigay ang dula ng bagong pananaw sa mga simpleng bagay na madalas ipagwalang-bahala, at nagpaalala kung gaano karaming biyaya ang dapat ipagpasalamat.
Matapos ang halos dalawang oras na pagtatanghal, sinundan ito ng Talk Back session kung saan nagkaroon ng bukas na talakayan sa pagitan ng mga manonood at ng produksiyon. Dito, mas naunawaan ng mga dumalo ang lalim ng tema ng dula at ang mga personal na karanasan ng mga artistang bumuo nito.
Sa kabuoan, hindi lamang basta dula ang Mortem (Redux)โisa itong paalala na kahit sa pinakamahirap na panahon, nananatiling buhay ang pag-ibig. Isang simpleng kuwento, ngunit may malalim na mensaheng tumatagos sa puso ng bawat manonood, wagas.
๐ธ | Janclio H. Guerrero
โ๏ธ | Marian Artista
๐ | April Angeline Arevalo