25/08/2025
MAHIYA NAMAN KAYO
(adpost)
BATAY sa ginawang estimasyon ng mga inhinyero at mga opisyal ng gobyerno probinsyal na may kinalaman tungkol sa mga proyekto laban sa baha umaabot sa mahigit P4 bilyon ang inilaan para sa probinsya ang Camarines Norte. Narito ang mga flood mitigation/control projects sa probinsya ayon sa inilabas na impormasyon ng mga kinaukulan:
1. Basud – paggawa ng flood control structure sa Basud River, Brgy. San Jose. Kontratista – 128 Dragon Construction and Supplies. Halaga ng proyekto -P86,849,923.14 Nakumpleto noong 12/09/2024.
Paggawa ng flood mitigation structure sa ilog ng Calagdo, Brgy. Tuaca. Kontratista – Partido Construction and Supply. Halaga ng proyekto -P154,399,262.80. Nakumpleto noong 11/30/2024.
Konstruksyon ng flood mitigation structure sa Brgy. Mantugawe at Brgy. Pagsangahan. Kontratista – Brentmin Roofing Enterprise. Halaga -P96,499,986.42. Natapos noong 10/31/2024. (May karugtong)
Batay sa impormasyon na nakarating sa BP ang kabuuang pondo mula sa gobyerno nasyunal na dumaloy pababa sa lalawigan ng Camarines Norte ay umabot sa P4,325,604,549.37 (Apat na bilyon, tatlongdaan at dalawampu’t limang milyon, animnaraan at apat na libo, limang daan at apatnapu’t siyam at tatlumpu’t pitong sentimo)
Hinihikayat ang mga residente na malapit sa lugar, o kaya ay yun mga opisyal ng barangay sa mga binanggit sa pook na silipin ang proyekto at magmasid kung maayos ang pagkagawa. Sakaling makakita ng problema ay kaagad na ipagbigay alam sa mga kinaukulan o sa media upang maiparating sa mga imbestigador, magawan ng report para makarating sa Malakanyang.
BIR nagbabala vs pekeng kawani
NAGBABALA ang Revenue District No.64 sa publiko na magmatyag laban sa ilang mga indibidwal na nagkukunwaring kawani ng BIR upang makadenggoy. Ito’y kasunod ng isang pangyayari sa bayan ng Basud, CN kung saan isa di-umanong tauhan ng rentas internas ang lumapit sa isang taxpaayer at nagtangkang mangolekta ng utang sa buwis. Ayon sa pahayag ng taxpayer ay may dalang notice of penalty ang impostor at ipinakita ito noong Biyernes, ngunit sinabi ni RDO Reymarie dela Cruz na walang field work ang mga tauhan ng BIR kapag weekend. Sakaling magkaroon ng trabaho kapag weekend ay dapat may ipakitang mission order ang empleyado, paliwanag ni RDO dela Cruz. Idinagdag pa nya na upang makaiwas na madenggoy ay dapat may identification card at naka-uniporme ang kawani ng BIR. Kung sakali anyang diskumpyado ang taxpayer ay maaaring ireport sa FB page ng kawanihan at kikilos ito nang mabilisan upang masawata ang anumang panlilinlang sa mga taxpayer.