15/06/2025
"Kapag Asawa Mong Babae ang Tumahimik"
Kapag asawa mong babae ang tumahimik…
Huwag mo agad isipin na ayos lang siya.
Dahil sa totoo lang, baka doon mo na siya pinaka-nasaktan.
Tahimik na lang siya, kasi baka kapag nagsalita pa siya,
mas masaktan ka.
Tahimik na lang siya, kasi baka wala rin namang magbago.
Tahimik na lang siya, kasi baka sawang-sawa na siyang
ipaliwanag pa kung bakit siya nasasaktan.
Hindi yan dahil wala na siyang pakialam—
kundi dahil paulit-ulit mo siyang hindi pinakinggan noong
sumisigaw pa siya sa sakit.
Naalala mo pa ba nung madaldal pa siya?
Nung kahit simpleng tampo, sinasabi niya?
Nung konting mali lang, kinokontra ka niya agad kasi ayaw
niyang tumagal ang tampuhan niyo?
Hindi mo ba namalayan kung paano unti-unti siyang natahimik?
Kung paano siya unti-unting nanahimik, hanggang sa dumating yung araw na hindi mo na alam kung may nararamdaman pa ba siya o wala na?
Ang katahimikan ng isang asawa, 'yan ang pinakamalalim na pakiusap.
Hindi sa salita, kundi sa damdamin.
Hindi sa iyak, kundi sa pagtitimpi.
Kapag tahimik na siya, baka hindi na pagmamahal ang
dahilan kung bakit nananatili siya—
kundi dahil sa mga anak niyo.
O dahil takot siyang masira ang pamilyang pinilit niyang buuin.
Tahimik na lang siya dahil baka yun na lang ang natitirang
paraan para protektahan ang sarili niyang damdamin.
Kaya kung asawa mong babae ang biglang naging tahimik,
lumapit ka.
Huwag mo siyang husgahan, huwag mo siyang pagsabihan,
huwag mo siyang pabayaan.
Pakinggan mo kahit hindi siya nagsasalita.
Ramdam mo kahit wala siyang sinasabi.
Dahil minsan, ang pinakamasakit na sigaw…
ay 'yung hindi mo na naririnig.
Tahimik na lang.
Pero wasak na wasak na pala.
✅Reminders
✅Life lessons sa mag partners🫶