
19/07/2025
Just sharing for better teaching
Tip No.3 (Instructor's Responsibility to Provide Honest Feedback)
Instructor 1: Sir, ang galing nyo na mag-drive ha. Ok na ok na
Student: Oo nga sir. Sakto lang sir, kasi magaling kayo magturo dami nyong demo sa akin. Paano sir okay na ba talaga ang driving ko?
Instructor 1: Oo okay na yan, pwede na. Last day mo na bukas diba, sasabihan ko yung instructor na magtuturo sayo. Kasi bukas leave ako hehehe
Student: Salamat sir, ingat po.
Instructor 2: Good morning sir, kamusta po
Student: Mabuti naman po, magaling po yung nagturo sakin. Sabi nga po okay na daw driving ko, pasado na.
Instructor 2: Okay, nice! Importante natuto ka. Sige review tayo ha lahat ng ginawa nyo. Unang gagawin natin ay parallel parking
Student: Ayy naku po sir, hindi po ako sanay magpark ng parallel. Hindi naman po naituro sa akin. Lagi po kaming highway driving lang
Instructor 2: Ano??? Sige habulin ko nalang yung lesson ng parking kse importante yan
Student: Sir paano po yun sabi ng instructor ko okay na ang driving ko? Babalik pa ba ako sir?
Instructor 2: Sir, ang driving po ay continuous learning process. Kung maka-pass ka sa test, hindi pa dun natatapos. Sa kadalasan natin magmaneho, may chance pa tayo na matuto pa at maging better and safe driver. Wag nyong bigyan ng limitation ang sarili nyo, invest to your skills.
Student: Salamat sir, sige po. Willing pa ako na matuto
Pag minalas nga naman ang student at natapat sa gantong instructor, doble gastos. Turuan natin ng kumpleto at nasubukan at maglaan tayo ng oras para sa kanila, kaya yan nag-enroll Yan para matuto. Hindi para bolahin mo lang ππ
The driving instructors must be honest about their students' progress to ensure they develop the necessary skills to drive safely and confidently. Providing accurate and constructive feedback is crucial for us. γ source: Driving instructor group philippines