10/02/2025
COMMENTARY | Umugong at naging matunog ang panawagan ng mga organisasyon at pahayagang pangkampus sa Rehiyon ng Bicol dahil sa naging reaksyon at tirada ni Camarines Sur 2nd District Representative at ngayoโy Gubernatorial Aspirant Lray Villafuerte sa resulta ng 2025 Midterm Elections Preference Polls na inilabas ng The Spark, ang opisyal na pahayagan pangkampus at pangkomunidad ng Camarines Sur Polytechnic Colleges.
Lumalabas, ayon sa student survey, na nakakuha ng may pinakamataas na porsyento ng boto si Repormaโs standard-bearer B**g Rodriguez โ 43%, at naungusan nito ang tumatakbong muli sa pagkagobernador, Lray Villafuerte, na nakakuha naman ng 30%.
Banat ni Villafuerte, โfakeโ umano ang survey. Ipinaskil rin nito sa kanyang facebook post ang larawan ng Associate Editor ng TheSpark, kakabit ng mga pahayag laban sa estudyante at pahayagan.
Naglabas rin ng opisyal na pahayag ang administrasyon ng CSPC at sinabing, โthe surveyโs results are based on the responses of only 498 participants, representing a very small portion of CSPCโs student population of over 14,000 students. As such, the results are neither comprehensive nor reflective of the sentiments of the entire student body.โ
Dahil dito, nagkaisa ang ibaโt-ibang organisasyon sa Bicol upang kundinahin ang umano'y panggigipit ng kongresista at ng CSPC sa The Spark at sa mga campus journalist sa pahayagan.
Patuloy na ipinananawagan ngayon ng iba't-ibang grupo ang pagprotekta at pagpapanagot sa sinumang sumusupil sa malayang pamamahayag.
Ngayong nalalapit na ang halalan, ano nga ba ang proteksyon ng mga mamamahayag laban sa mga naghaharing-uri at iba pang porma ng panggigipit at pagpapatahimik?
Abangan ang mabusising talakayan sa Tira Brigada, bukas, February 10, 2025 - 8:46 am to 9:20 am via 103. 1 Brigada News FM Naga at 87.7 Brigada News FM Goa, sa facebook live at radio streaming.