05/01/2026
Oi kung buhay ka pa ganito lang ulit gagawin nila pag ikaw naman nag fly high, tipon-tipon sa kalsada, kunting pasigaw-sigaw, fist bump sa ere tas kunting picture-ran, tapos nun uwian na sila.
Habang yung magulang mo nawalan ng anak, dinarama yung sakit, nanay mo humahagulgol, tatay mo pilit lang na kinakaya pero dama mo yung hinagpis, mga kapatid mo di alam gagawin.
Habang buhay kang maaalala ng mga mahal mo sa buhay dahil sa pag mamahal nila sayo at pangungulila.
Samantalang yung mga tropa dito na nasa picture habang buhay kang gagawing propaganda pero di ka naman sumisikat, patay ka nga wala ka namang R.I.P.
Kung nababasa mo to buhay ka pa nga, halika ka na, baba ka na. Di naman kami galit, may nag hihintay pa sayo. ✌😊