06/11/2025
‼️
“Bago ka manalo matatalo ka muna.”
Ilang buwan nyong paghahandaan ang “LIGA” dadaanan mo lahat.
Noon: Araw araw na training twice a day takbo sa umaga, tapos papasok ka sa school, tapos 4 hrs na training sa hapon.
Ngayon: Once a week na nga lang training 2 hrs na lang practice di pa makapunta daming reason.
Noon: Kinabahan kana kapag di ka nag practice na walang reason takot ka na hindi ka maline up. Kahit injured ka matatakot ka talaga di makapag laro.
Ngayon: Wala ng takot mga bata ngayon kanya kanyang reason na.
Noon: Walang iyakin di ka pinasok okay lang.
Ngayon: Di ka pinasok aawayin ka pa ng MAGULANG at bata. Ang tanong nag tetraining ba anak mo?
Noon: nakikipag patayan kami para makuha ang spot namin.
Ngayon: makapunta lang sa tryout okay na wala ng pake Basta matry lang.
Noon: Kapag may tryout pinaghahandaan namin yan nagpapakondisyon kami para makuha.
Ngayon: Kahit wala sa kondisyon kahit di marunong sasabak sa tryout kapag tinawanan magagalit. Pinaghahandaan yan hindi Basta Basta.
Noon: Iiyakan mo na lang lahat ng hirap na pinagdaanan nyo sa araw araw na practice minsan mainjured kana lang talaga sa sobrang pagod sobrang training nasusunog kana para makuha nyo lang ang KAMPYONADO.
Ngayon: okay lang yan trophy lang yan di naman ang nagtetraining kaya okay lang.
Pag naglalaro ka ng BASKETBALL dapat isapuso mo. Hindi porket nagbabayad ka or nakuha ka sa tryout ang gusto mo lang makalaro sa ganitong liga maka shoot okay na.
Hindi nyo na alam yung salitang “DEPENSA” ang gusto na lang ng magulang at ibang bata is “TUMIRA” maka “SCORE” try nyo sumubok sa mga SCHOOL ewan ko na lang kung hindi ka murahin kapag puro tira ka at wala kang DEPENSA.