11/07/2023
"Di ko tanda kung 8 or 9 years ago yung 1st time kong naimbitahan para magsalita sa 420Philippines event sa Zambales.
Gusto kong malaman ng lahat na malaki ang naging role ng 420 community sa medical cannabis advocacy at importante na marunong tayong lumingon sa pinagmulan.
Habang buhay akong magpapasalamat sa mga nag welcome sa akin sa community.
Nakita ko kung paano tayo lumaki at lumawak. Isa tayong social movement na organic ang paglago. At hindi yan mangyayari kung hindi tayo nagsasama-sama.
Hindi yan mangyayari kung walang event organisers at local communities.
Para sa mga bagong advocates, ugaliing magbalik tanaw sa mga pinagdaanan namin, sa struggles and triumph.
Lalong lalo na, madaling mag advocate sa lugar kung saan ito legal. Madaling magsalita kung ano ang dapat at hindi kaya wag sanang kalimutan na ang laban ay nandito kung saan ito illegal at patuloy na kinukutya ang mga taong lumalaban para dito.
Patuloy nating palakasin ang pinagkaisang pwersa. Hindi nga tayo party list for the past 9 years pero may mga narating tayo.
Patuloy na tumindig at maging boses ng pagbabago. Hindi lang sa salita, mas importante sa gawa.
Kitahits ulit sa mga susunod na Cannatalk! Mabuhigh ang Philippine Cannabis Community ๐ฅ๐๐ต๐ญ "
HBD THC CBD! Maam Kimmi!