
25/07/2025
๐๐๐ฆ๐๐ฆ๐๐ก๐๐ฒ๐๐ ๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐๐ฒ๐ ๐๐ญ ๐๐๐ฉ๐๐ ๐ฉ๐๐ฅ๐๐ฒ๐
Namumulat, nakikinig, at nagpapahayagโang isang mamamahayag ay hindi lamang simpleng tagapaghatid ng balita, bagkus isang mamamayang marunong makiramdam, kumilatis, at magpalaganap ng katotohanan.
Sa parehong larangan, hindi nalalayo ang gampanin ng mga pahayagang pangkampus. Bawat boses ng kabataan ay bumubuo sa isang bansang katotohanan ang namamayagpag. Subalit, tulad ng mga propesyonal na mamamahayag, hindi rin nakakatakas ang mga kabataang mamamahayag sa tanikalang pumipigil sa pagkamit ng malayang pamamahayag.
Gayunpaman, ang alab ng katotohanang bumabalot sa bawat kabataang mamamahayag ang siyang dapat tumupok sa katiwalian at paninikil ng kasinungalingan. Kaya naman, ngayong araw, sa pagdiriwang ng National Campus Press Freedom Day na pinagtibay ng Republic Act 11440 upang itaguyod, protektahan, at pangalagaan ang karapatan sa kalayaan sa pamamahayag, ating igunita at alalahanin ang pinaglalaban ng bawat kabataang mamamahayagโang tunay na pagkamit sa malayang pamamahayag.
Mag-usisa, magsulat, at magbalita. Ang tanikala ng pagpapatahimik at pang-aapi ay dapat nang putulin at ang karapatan ng bawat mamamahayag ay dapat kilalanin. Patuloy na lumaban, tumindig, at makiisa nang sa gayon ay ating makamtan ang pamamahayag na mapagpalaya.
Mabuhay ang kabataang tagapagtaguyod ng malayang pamamahayag!