Adonai's Love Community-Our Lady of Peรฑafrancia Minor Basilica

Adonai's Love Community-Our Lady of Peรฑafrancia Minor Basilica โ€ข๐’œ๐’น๐‘œ๐“ƒ๐’ถ๐’พ'๐“ˆ ๐ฟ๐‘œ๐“‹๐‘’ ๐’ž๐’ฝ๐’ถ๐“‡๐’พ๐“ˆ๐“‚๐’ถ๐“‰๐’พ๐’ธ ๐’ž๐‘œ๐“‚๐“‚๐“Š๐“ƒ๐’พ๐“‰๐“Žโ€ข

A Religious Organization under Minor Basilica

๐€๐ง๐  ๐Œ๐š๐›๐ฎ๐ญ๐ข๐ง๐  ๐๐š๐ฅ๐ข๐ญ๐š ๐ง๐  ๐๐š๐ง๐ ๐ข๐ง๐จ๐จ๐ง ๐š๐ฒ๐จ๐ง ๐ค๐š๐ฒ ๐’๐š๐ง ๐‹๐ฎ๐œ๐š๐ฌLucas 14, 12-14Paggunita kay San Martin de Porres, namanata sa DiyosN...
02/11/2025

๐€๐ง๐  ๐Œ๐š๐›๐ฎ๐ญ๐ข๐ง๐  ๐๐š๐ฅ๐ข๐ญ๐š ๐ง๐  ๐๐š๐ง๐ ๐ข๐ง๐จ๐จ๐ง ๐š๐ฒ๐จ๐ง ๐ค๐š๐ฒ ๐’๐š๐ง ๐‹๐ฎ๐œ๐š๐ฌ
Lucas 14, 12-14
Paggunita kay San Martin de Porres, namanata sa Diyos

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa pinuno ng mga Pariseo na nag-anyaya sa kanya: โ€œKapag naghahanda ka, huwag ang mga kaibigan mo, mga kapatid, mga kamag-anak o mayayamang kapitbahay ang aanyayahan mo, sapagkat aanyayahan ka rin nila, at sa gayoโ€™y nagantihan ka na. Kaya kung ikaw ay maghahanda ng isang malaking salu-salo, ang mga pulubi, mga pingkaw, mga pilay, at mga bulag ang anyayahan mo. Hindi sila makagaganti sa iyo at sa gayoโ€™y magiging mapalad ka. Gagantihin ka ng Diyos sa muling pagkabuhay ng mga banal.โ€

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

02/11/2025
02/11/2025
๐€๐ง๐  ๐Œ๐š๐›๐ฎ๐ญ๐ข๐ง๐  ๐๐š๐ฅ๐ข๐ญ๐š ๐ง๐  ๐๐š๐ง๐ ๐ข๐ง๐จ๐จ๐ง ๐š๐ฒ๐จ๐ง ๐ค๐š๐ฒ ๐’๐š๐ง ๐‰๐ฎ๐š๐งJuan 14, 1-6Paggunita sa Lahat ng mga Pumanaw na KristiyanoNoong panah...
01/11/2025

๐€๐ง๐  ๐Œ๐š๐›๐ฎ๐ญ๐ข๐ง๐  ๐๐š๐ฅ๐ข๐ญ๐š ๐ง๐  ๐๐š๐ง๐ ๐ข๐ง๐จ๐จ๐ง ๐š๐ฒ๐จ๐ง ๐ค๐š๐ฒ ๐’๐š๐ง ๐‰๐ฎ๐š๐ง
Juan 14, 1-6
Paggunita sa Lahat ng mga Pumanaw na Kristiyano

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, โ€œHuwag kayong mabalisa; manalig kayo sa Diyos at manalig din kayo sa akin. Sa bahay ng aking Ama ay maraming silid; kung hindi gayun, sinabi ko na sana sa inyo. At paroroon ako upang ipaghanda ko kayo ng matitirhan. Kapag naroroon na ako at naipaghanda na kayo ng matitirhan, babalik ako at isasama kayo sa kinaroroonan ko. At alam na ninyo ang daan patungo sa pupuntahan ko.โ€ Sinabi sa kanya ni Tomas, โ€œPanginoon, hindi po namin alam kung saan kayo pupunta, paano naming malalaman ang daan?โ€ Sumagot si Hesus, โ€œAko ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makapupunta sa Ama kundi sa pamamagitan ko.โ€

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

๐€๐ง๐  ๐Œ๐š๐›๐ฎ๐ญ๐ข๐ง๐  ๐๐š๐ฅ๐ข๐ญ๐š ๐ง๐  ๐๐š๐ง๐ ๐ข๐ง๐จ๐จ๐ง ๐š๐ฒ๐จ๐ง ๐ค๐š๐ฒ ๐’๐š๐ง ๐Œ๐š๐ญ๐ž๐จMateo 5, 1-12aDakilang Kapistahan ng Lahat ng mga BanalNoong panahong...
31/10/2025

๐€๐ง๐  ๐Œ๐š๐›๐ฎ๐ญ๐ข๐ง๐  ๐๐š๐ฅ๐ข๐ญ๐š ๐ง๐  ๐๐š๐ง๐ ๐ข๐ง๐จ๐จ๐ง ๐š๐ฒ๐จ๐ง ๐ค๐š๐ฒ ๐’๐š๐ง ๐Œ๐š๐ญ๐ž๐จ
Mateo 5, 1-12a
Dakilang Kapistahan ng Lahat ng mga Banal

Noong panahong iyon, nang makita ni Hesus ang napakakapal na tao, umahon siya sa bundok. Pagkaupo niyaโ€™y lumapit ang kanyang mga alagad, at silaโ€™y tinuruan niya ng ganito:

โ€œMapalad ang mga aba na wala nang inaasahan kundi ang Diyos, sapagkat makakasama sila sa kanyang kaharian.โ€
โ€œMapalad ang mga nahahapis sapagkat aaliwin sila ng Diyos.โ€
โ€œMapalad ang mga mapagpakumbaba, sapagkat tatamuhin nila ang ipinangako ng Diyos.โ€
โ€œMapalad ang mga nagmimithing makatupad sa kalooban ng Diyos, sapagkat ipagkakaloob sa kanila ang kanilang minimithi.โ€
โ€œMapalad ang mga mahabagin, sapagkat kahahabagan sila ng Diyos.โ€
โ€œMapalad ang mga may malinis na puso, sapagkat makikita nila ang Diyos.โ€
โ€œMapalad ang mga gumagawa ng daan sa ikapagkakasundo, sapagkat silaโ€™y ituturing ng Diyos na mga anak niya.โ€
โ€œMapalad ang mga pinag-uusig dahil sa kanilang pagsunod sa kalooban ng Diyos, sapagkat makakasama sila sa kanyang kaharian.โ€

โ€œMapalad kayo kapag dahil sa akiโ€™y inaalimura kayo ng mga tao, pinag-uusig at pinagwiwikaan ng lahat ng uri ng kasamaan na pawang kasinungalingan. Magdiwang kayo at magalak, sapagkat malaki ang inyong gantimpala sa langit.โ€

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

๐€๐ง๐  ๐Œ๐š๐›๐ฎ๐ญ๐ข๐ง๐  ๐๐š๐ฅ๐ข๐ญ๐š ๐ง๐  ๐๐š๐ง๐ ๐ข๐ง๐จ๐จ๐ง ๐š๐ฒ๐จ๐ง ๐ค๐š๐ฒ ๐’๐š๐ง ๐‹๐ฎ๐œ๐š๐ฌLucas 14, 1-6Biyernes ng Ika-30 Linggo sa Karaniwang PanahonIsang Ara...
30/10/2025

๐€๐ง๐  ๐Œ๐š๐›๐ฎ๐ญ๐ข๐ง๐  ๐๐š๐ฅ๐ข๐ญ๐š ๐ง๐  ๐๐š๐ง๐ ๐ข๐ง๐จ๐จ๐ง ๐š๐ฒ๐จ๐ง ๐ค๐š๐ฒ ๐’๐š๐ง ๐‹๐ฎ๐œ๐š๐ฌ
Lucas 14, 1-6
Biyernes ng Ika-30 Linggo sa Karaniwang Panahon

Isang Araw ng Pamamahinga, si Hesus ay inanyayahang kumain sa bahay ng isang pinuno ng mga Pariseo; at binabantayan nilang mabuti ang kanyang mga kilos. Lumapit kay Hesus ang isang taong namamanas. Kayaโ€™t tinanong niya ang mga Pariseo at ang mga dalubhasa sa Kautusan, โ€œNaaayon ba sa Kautusan ang magpagaling sa Araw ng Pamamahinga o hindi?โ€ Ngunit hindi sila umimik, kaya hinawakan ni Hesus ang maysakit, pinagaling saka pinayaon. Pagkatapos, sinabi niya sa kanila, โ€œKung kayoโ€™y may anak o bakang mahulog sa balon, hindi ba ninyo iaahon kahit Araw ng Pamamahinga?โ€ At hindi sila nakasagot sa tanong na ito.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

๐€๐ง๐  ๐Œ๐š๐›๐ฎ๐ญ๐ข๐ง๐  ๐๐š๐ฅ๐ข๐ญ๐š ๐ง๐  ๐๐š๐ง๐ ๐ข๐ง๐จ๐จ๐ง ๐š๐ฒ๐จ๐ง ๐ค๐š๐ฒ ๐’๐š๐ง ๐‹๐ฎ๐œ๐š๐ฌLucas 13, 31-35Huwebes ng Ika-30 Linggo sa Karaniwang PanahonDumating...
29/10/2025

๐€๐ง๐  ๐Œ๐š๐›๐ฎ๐ญ๐ข๐ง๐  ๐๐š๐ฅ๐ข๐ญ๐š ๐ง๐  ๐๐š๐ง๐ ๐ข๐ง๐จ๐จ๐ง ๐š๐ฒ๐จ๐ง ๐ค๐š๐ฒ ๐’๐š๐ง ๐‹๐ฎ๐œ๐š๐ฌ
Lucas 13, 31-35
Huwebes ng Ika-30 Linggo sa Karaniwang Panahon

Dumating noon ang ilang Pariseo. Sinabi nila kay Hesus, โ€œUmalis ka rito, sapagkat ibig kang ipapatay ni Herodes.โ€ At sumagot siya, โ€œSabihin ninyo sa alamid na iyon na nagpapalayas ako ngayon ng mga demonyo at nagpapagaling, bukas ay gayun din; sa ikatlong araw, tatapusin ko ang aking gawain. Ngunit dapat akong magpatuloy sa aking lakad ngayon, bukas at sa makalawa; sapagkat hindi dapat mamatay sa labas ng Jerusalem ang isang propeta!

โ€œJerusalem, Jerusalem! Pinapatay mo ang mga propeta at binabato ang mga sinugo ko sa iyo! Makailan kong sinikap na kupkupin ang iyong mga mamamayan, gaya ng paglukob ng isang inahin sa kanyang mga sisiw, ngunit ayaw mo. Kayaโ€™t lubos kang pababayaan. Sinasabi ko sa iyo, hindi mo na ako makikita hanggang sa dumating ang oras na sasabihin mo, โ€˜Pagpalain nawa ang dumarating sa pangalan ng Panginoon!โ€™โ€

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

๐€๐ง๐  ๐Œ๐š๐›๐ฎ๐ญ๐ข๐ง๐  ๐๐š๐ฅ๐ข๐ญ๐š ๐ง๐  ๐๐š๐ง๐ ๐ข๐ง๐จ๐จ๐ง ๐š๐ฒ๐จ๐ง ๐ค๐š๐ฒ ๐’๐š๐ง ๐‹๐ฎ๐œ๐š๐ฌLucas 13, 22-30Miyerkules ng Ika-30 na Linggo sa Karaniwang PanahonNo...
28/10/2025

๐€๐ง๐  ๐Œ๐š๐›๐ฎ๐ญ๐ข๐ง๐  ๐๐š๐ฅ๐ข๐ญ๐š ๐ง๐  ๐๐š๐ง๐ ๐ข๐ง๐จ๐จ๐ง ๐š๐ฒ๐จ๐ง ๐ค๐š๐ฒ ๐’๐š๐ง ๐‹๐ฎ๐œ๐š๐ฌ
Lucas 13, 22-30
Miyerkules ng Ika-30 na Linggo sa Karaniwang Panahon

Noong panahong iyon, nagpatuloy si Hesus sa kanyang paglalakbay. Siyaโ€™y nagtuturo sa bawat bayan at nayon na kanyang dinaraanan patungong Jerusalem. May isang nagtanong sa kanya, โ€œGinoo, kakaunti po ba ang maliligtas?โ€ Sinabi niya, โ€œPagsikapan ninyong pumasok sa makipot na pintuan. Sinasabi ko sa inyo, marami ang magpipilit na pumasok ngunit hindi makapapasok.

โ€œKapag ang pintoโ€™y isinara na ng puno ng sambahayan, magtitiis kayong nakatayo sa labas, at katok nang katok. Sasabihin ninyo, โ€˜Panginoon, papasukin po ninyo kami.โ€™ Sasagutin niya kayo, โ€˜Hindi ko alam kung tagasaan kayo!โ€™ At sasabihin ninyo, โ€˜Kumain po kami at uminom na kasalo ninyo, at nagturo pa kayo sa mga lansangan namin.โ€™ Sasabihin naman ng Panginoon, โ€˜Hindi ko alam kung tagasaan kayo! Lumayo kayo sa akin, kayong lahat na nagsisigawa ng masama!โ€™ Tatangis kayo at magngangalit ang inyong ngipin kapag nakita ninyong nasa kaharian ng Diyos sina Abraham, Isaac at Jacob, at ang lahat ng propeta, at kayo namaโ€™y ipinagtabuyan sa labas! At darating ang mga tao buhat sa silangan at kanluran, sa hilaga at timog, at dudulog sa hapag sa kaharian ng Diyos. Tunay ngang may nahuhuling mauuna, at may nauunang mahuhuli.โ€

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

28/10/2025

Adonais Love Weekly Activities๐Ÿ’œ



๐€๐ง๐  ๐Œ๐š๐›๐ฎ๐ญ๐ข๐ง๐  ๐๐š๐ฅ๐ข๐ญ๐š ๐ง๐  ๐๐š๐ง๐ ๐ข๐ง๐จ๐จ๐ง ๐š๐ฒ๐จ๐ง ๐ค๐š๐ฒ ๐’๐š๐ง ๐‹๐ฎ๐œ๐š๐ฌLucas 6, 12-19Kapistahan nina Apostol San Simon at San JudasNoong mga...
27/10/2025

๐€๐ง๐  ๐Œ๐š๐›๐ฎ๐ญ๐ข๐ง๐  ๐๐š๐ฅ๐ข๐ญ๐š ๐ง๐  ๐๐š๐ง๐ ๐ข๐ง๐จ๐จ๐ง ๐š๐ฒ๐จ๐ง ๐ค๐š๐ฒ ๐’๐š๐ง ๐‹๐ฎ๐œ๐š๐ฌ
Lucas 6, 12-19
Kapistahan nina Apostol San Simon at San Judas

Noong mga araw na iyon, umahon si Hesus sa isang burol at magdamag doong nanalangin. Kinaumagahan, tinawag niya ang kanyang mga alagad, at pumili siya ng Labindalawa sa kanila, na tinawag niyang mga apostol: si Simon na pinangalanan niyang Pedro, at si Andres na kanyang kapatid; sina Santiago, Juan, Felipe, Bartolome, Mateo, Tomas, at Santiago na anak ni Alfeo, si Simon ang Makabayan; si Judas na anak ni Santiago, at si Judas Iscariote, na naging taksil.

Bumaba si Hesus, kasama sila, at tumayo sa isang patag na lugar. Naroon ang marami sa kanyang mga alagad at ang napakaraming tao buhat sa Judea at Jerusalem, at sa mga bayan sa baybaying-dagat ng Tiro at Sidon. Pumaroon sila upang makinig sa kanya at mapagaling sa kanilang mga karamdaman. Pinagaling din niya ang mga pinahihirapan ng masasamang espiritu. At sinikap ng lahat ng tao na mahipo siya sapagkat may taglay siyang kapangyarihang makapagpagaling ng lahat.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

๐€๐ง๐  ๐Œ๐š๐›๐ฎ๐ญ๐ข๐ง๐  ๐๐š๐ฅ๐ข๐ญ๐š ๐ง๐  ๐๐š๐ง๐ ๐ข๐ง๐จ๐จ๐ง ๐š๐ฒ๐จ๐ง ๐ค๐š๐ฒ ๐’๐š๐ง ๐‹๐ฎ๐œ๐š๐ฌLucas 13, 10-17Lunes ng Ika-30 Linggo sa Karaniwang Panahon Noong pan...
26/10/2025

๐€๐ง๐  ๐Œ๐š๐›๐ฎ๐ญ๐ข๐ง๐  ๐๐š๐ฅ๐ข๐ญ๐š ๐ง๐  ๐๐š๐ง๐ ๐ข๐ง๐จ๐จ๐ง ๐š๐ฒ๐จ๐ง ๐ค๐š๐ฒ ๐’๐š๐ง ๐‹๐ฎ๐œ๐š๐ฌ
Lucas 13, 10-17
Lunes ng Ika-30 Linggo sa Karaniwang Panahon

Noong panahong iyon, si Hesus ay nagtuturo sa isang sinagoga sa Araw ng Pamamahinga. May isang babae roon na labingwalong taon nang may karamdaman, gawa ng masamang espiritung nasa kanya. Siyaโ€™y hukot na hukot at hindi na makaunat. Nang makita ni Hesus ang babae, tinawag niya ito at sinabi, โ€œMagaling ka na sa iyong karamdaman!โ€ At ipinatong ni Hesus and kanyang mga kamay sa babae; noon diโ€™y nakaunat ito at nagpuri sa Diyos. Ngunit nagalit ang tagapamahala ng sinagoga sapagkat nagpagaling si Hesus sa Araw ng Pamamahinga. Kayaโ€™t sinabi niya sa mga tao, โ€œMay anim na araw na inilaan upang ipagtrabaho. Pumarito kayo sa mga araw na iyan upang magpagaling, at huwag sa Araw ng Pamamahinga.โ€ Sinagot siya ng Panginoon, โ€œMga mapagpaimbabaw! Hindi baโ€™t kinakalag ninyo sa sabsaban ang inyong baka o a**o at dinadala sa painuman kahit Araw ng Pamamahinga? Ang babaing ito na mula sa lipi ni Abraham ay ginapos ni Satanas sa loob ng labingwalong taon. Hindi ba dapat na siyaโ€™y kalagan kahit na Araw ng Pamamahinga?โ€ Napahiya ang lahat ng kalaban ni Hesus sa sagot niyang ito; at nagalak naman ang madla sa mga kahanga-hangang bagay na ginawa niya.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Address

Naga City

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm
Saturday 9am - 5pm
Sunday 9am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Adonai's Love Community-Our Lady of Peรฑafrancia Minor Basilica posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share