
12/07/2025
"๐ฟ๐๐ค๐จ ๐ ๐ค, ๐ฅ๐๐ฉ๐๐ฌ๐๐ง๐๐ฃ ๐๐๐ฃ๐ฎ๐ค ๐ฅ๐ค ๐๐ ๐ค ๐๐๐๐๐ก ๐๐ ๐ค ๐๐ฎ ๐ข๐๐๐ ๐๐ ๐๐จ๐๐ก๐โ
Noong ika-4 na siglo, tinukoy ni Evagrius Pontificus ang walong masasamang kaisipan. Di kalaunan, sa pamumuno ni Papa Gregorio I, itoโy naging pitong kasalanan.
Ngunit ang kasalanan ay hindi laging lihim o pansarili. Sa lipunang ito, nagkaroon ito ng anyo sa mga institusyong mapang-api, sa katahimikang pumapayag,sa araw-araw na pagpiit ng dangal at damdamin.
Sa sanaysay ng ordinaryong buhay, susuriin ang ugnayan ng sistemang mapang-api at ng karanasang pagkapiit. Sa kuwento ni Siete, nilalaman ay ang pagnais na imulat ang mga saradong mata sa mga senyales ng opresyonโmga hindi lantad ngunit ramdam sa lipunanโpartikular sa usapin ng kasarian, uri, institusyon, at sikolohiya.
Habang ang opresyon ay isang umiiral na sistema, ang pagkapiit ay ang personal na karanasan nitoโisang damdaming nakakulong, napipilitan, at nawawalan ng laya.
Kaya sa harap ng paghatol, handa ka bang umamin?
O itatago mo ang iyong kasalanan sa panitikan, sa sining, sa piling ng lathalaing walang humahatol?
Bukas na ang pagtanggap ng Kurab, ang aklat-pampanitikan ng The Collegian, opisyal na pahayagang pangmag-aaral ng Bicol State College of Applied Sciences and Technology, sa anumang uri ng tula, maikling kuwento at at iba pang origihinal na likha ng mga ASTeano.
๐๐ฐ๐๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ค๐๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง
Bukas ang panawagan sa lahat ng kasalukuyang mag-aaral ng BISCAST na nais magbahagi ng kanilang orihinal na akda. Inaanyayahan ding lumahok ang mga alumni ng paaralan.
๐๐ข๐ค๐
Maaaring magsumite ng akdang nakasulat sa ๐
๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ, ๐๐ง๐ ๐ฅ๐๐ฌ, ๐จ ๐๐ข๐ค๐จ๐ฅ. Kung ang isusumiteng akda ay nasa wikang ๐๐ข๐ค๐จ๐ฅ, kinakailangang ilakip ang kaukulang salin sa ๐
๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ ๐จ ๐๐ง๐ ๐ฅ๐๐ฌ.
๐๐ค๐๐
Tumatanggap kami ng anumang orihinal na likha, kabilang angโMga tula (tradisyunal, ambahan, acrostic, free-verse, soneto, block poetry, haiku, tanka), Prosa o maikling kuwento, Six-word poetry, Larawang may masining o mapagmuning saysay (photopoetry, visual narratives)
๐๐๐ค๐ฌ๐
Sa edisyong ito, nakatuon ang panawagan sa mga akdang tumatalakay sa pagkakasala bilang bunga, tugon, o sandata sa harap ng opresyon at pagkapiit. Hinihikayat ang mga likhang sumasalamin sa paninindigan, pananahimik, paglaban, o pagkalugmok ng isang taong inilagay sa alanganin ng sistemang mapang-api.
Maaaring magpasa sa pamamagitan nito:
https://forms.gle/eopYZC5s8ZRTac4j9
https://forms.gle/eopYZC5s8ZRTac4j9
https://forms.gle/eopYZC5s8ZRTac4j9
Bukas ang pagtanggap hanggang sa Agosto 31, 2025.