08/09/2025
Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., kasama si Unang Ginang Louise Araneta Marcos at ang Unang Pamilya, ang nanguna sa opisyal na paglulunsad ng Responsableng Panonood tungo sa Bagong Pilipinas infomercial na pinamagatang βTara, Nood Tayo!β, isang kampanyang naglalayong isulong ang responsableng panonood at palakasin ang industriya ng telebisyon at pelikula sa Pilipinas.
Pinangungunahan ito ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), sa pakikipagtulungan ng Presidential Communications Office (PCO), Office of the Executive Secretary (OES), at ng Philippine Information Agency (PIA). Ang infomercial na ito ay sumusuporta sa layunin ng Administrasyon na itaguyod ang responsableng panonood at hikayatin ang mga Pilipino na suportahan ang lokal na mga pelikula, palabas, at malikhaing nilalaman.
Ipinagdiriwang din ng kampanya ang mayamang talento ng mga Pilipinong artista, producer, direktor, operator ng sinehan, at distributor.
Ang βTara, Nood Tayo!β ay ipapalabas sa buong bansa sa pamamagitan ng tradisyonal at digital na mga plataporma. Inaasahang maaabot nito ang mas malawak na audience, lalo na ang mga kabataan, na may mahalagang papel sa pagpapalago ng industriya ng media at libangan sa bansa.