30/10/2025
๐ฝ๐๐ฟ๐ผ๐๐ ๐ฝ๐ผ๐๐๐๐ผ | ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐'๐ ๐๐๐๐, ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐ | Via Frances Ivy Balantes
NAGA CITY โ Ilang araw bago ang Undas, bahagyang tumaas ang presyo ng mga bulaklak sa Naga City Peopleโs Mall, ayon sa mga nagtitinda sa lugar.
Sa panayam ng GNN TV48 Naga, sinabi ng mga tindera na may kaunting pagtaas sa presyo ng mga bulaklak, partikular na sa mga uri tulad ng mums, anthurium, at roses, bunsod ng mataas na demand ngayong Undas.
Ayon sa kanila, mas malaki rin ang kinikita nila ngayong panahon ng Undas kumpara sa mga karaniwang araw, dahil dagsa ang mga mamimiling bumibili ng bulaklak para ialay sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay.
Inaasahan din ng mga nagtitinda na lalo pang dadami ang mga mamimili sa Oktubre 31, sa mismong bisperas ng Undas, kung kailan inaasahan ang pinakamalakas na bentahan sa pamilihan.
Samantala, tiniyak naman ng mga tindera na hindi na tataas pa ang presyo ng mga bulaklak sa mismong Araw ng Undas, upang makabili pa rin ang publiko sa abot-kayang halaga.
Para sa buong detalye ng balita, panoorin ang kumpletong ulat sa GNN TV48 Naga page.
Manatiling nakatutok sa GNN TV48 Naga News Break para sa mga balitang Garantisadong Nangunguna at Napapanahon! Mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes ng gabi sa GNN Naga Digital TV Channel 48.2, GNN TV48 Naga page, at YouTube channel.