Radyo KaFuerte

Radyo KaFuerte Simulan na natin ang pagbabago. Totoo at ramdam na serbisyo publiko. Ang bagong tahanan ng balita, talakayan at inspirasyon ng sambayanan.
(3)

AFTERSHOCKS NG CEBU EARTHQUAKE, LUMAGPAS NA SA 10,000 NEWS UPDATE: Umabot na sa 10,006 aftershocks ang naitala matapos a...
09/10/2025

AFTERSHOCKS NG CEBU EARTHQUAKE, LUMAGPAS NA SA 10,000

NEWS UPDATE: Umabot na sa 10,006 aftershocks ang naitala matapos ang magnitude 6.9 na lindol sa Cebu, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), as of 12:00 PM, ngayong Oktubre 9.

Batay sa ulat, ang mga aftershocks ay may lakas na magnitude 1.0 hanggang 5.0, kung saan 44 sa mga ito ay naramdaman ng mga residente.

Nakapagtala rin ang ahensya ng 1,767 plotted earthquakes o mga pagyanig na natukoy ng tatlo o higit pang seismic stations.

Patuloy pa umanong makararanas ng aftershocks ang lalawigan sa mga susunod na araw at linggo, kaya pinapaalalahanan ang publiko na manatiling alerto at handa.



CLASS SUSPENSION SA UP BAGUIO Suspendido ang lahat ng klase sa University of the Philippines (UP) Baguio) ngayong Huwebe...
09/10/2025

CLASS SUSPENSION SA UP BAGUIO

Suspendido ang lahat ng klase sa University of the Philippines (UP) Baguio) ngayong Huwebes, Oktubre 9, kasunod ng magnitude 4.4 na lindol na tumama sa lalawigan ng La Union.

Pinayuhan din ng pamunuan ang mga mag-aaral at empleyado na huwag munang pumasok sa loob ng campus ngayong araw para sa kanilang kaligtasan.

πŸ“· Courtesy: UP Baguio Outcrop / Facebook



09/10/2025

π‹πˆππƒπŽπ‹: 𝐌𝐚𝐠𝐒𝐧𝐠 π‡πšπ§ππš, 𝐌𝐚𝐧𝐚𝐭𝐒π₯𝐒𝐧𝐠 π‹π’π π­πšπ¬!

Sundin ang mga sumusunod na safety procedures:
Drop, Cover and Hold!

Maging handa, kalmado, at ligtas tayong lahat!

Mas ligtas ang may alam!



Tatlong Chinese Nationals, Arestado sa Catanduanes Dahil sa Paglabag sa Immigration LawNadakip ng Bureau of Immigration ...
09/10/2025

Tatlong Chinese Nationals, Arestado sa Catanduanes Dahil sa Paglabag sa Immigration Law

Nadakip ng Bureau of Immigration Office (BIO) ang isang babae at dalawang lalaki na pawang Chinese nationals sa Barangay Cavinitan, Virac, Catanduanes noong Oktubre 7, 2025, dahil sa paglabag sa Philippine Immigration Act of 1940.

Batay sa ulat, ang mga banyaga ay nahuling nagtatrabaho nang walang kaukulang permit.
Ang operasyon ay matagumpay na naisagawa sa pangunguna ni Gary C. Baltazar ng Bureau of Immigration, katuwang ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.

Kasunod nito, inaasahang isasailalim sa imbestigasyon at deportation proceedings ang tatlong dayuhan.



FORMER JUSTICE SECRETARY JESUS CRISPIN REMULLA, NANUMPA BILANG BAGONG OMBUDSMAN Pormal nang nanumpa si dating Justice Se...
09/10/2025

FORMER JUSTICE SECRETARY JESUS CRISPIN REMULLA, NANUMPA BILANG BAGONG OMBUDSMAN

Pormal nang nanumpa si dating Justice Secretary Jesus Crispin Remulla bilang Ombudsman ngayong Huwebes, Oktubre 9.

Isinagawa ang panunumpa sa harap ni Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen.



EARTHQUAKE ALERT: Ibinaba sa magnitude 4.4 mula magnitude 4.8 ang lakas ng lindol na yumanig sa Pugo, La Union kaninang ...
09/10/2025

EARTHQUAKE ALERT: Ibinaba sa magnitude 4.4 mula magnitude 4.8 ang lakas ng lindol na yumanig sa Pugo, La Union kaninang alas 10:30 ng umaga, Huwebes, Oktubre 9, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS-DOST).

May lalim na 23 km ang naturang pagyanig.

Reported Intensities:
Intensity IV – Pugo at Tubao, La Union; City of Baguio
Intensity III – Itogon, Benguet; Villasis, Pangasinan; San Fernando, La Union

Instrumental Intensities:
Intensity V – City of Baguio
Intensity III – Aringay, La Union; Bontoc, Mountain Province; Sison, Pangasinan
Intensity II – San Fernando, La Union; Nampicuan, Nueva Ecija; City of Dagupan
Intensity I – Lingayen at Urdaneta, Pangasinan

πŸ“· Courtesy: DOST–PHIVOLCS



WALANG PILIPINONG NASAKTAN SA LINDOL SA PAPUA NEW GUINEA β€” DFA Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na wala...
09/10/2025

WALANG PILIPINONG NASAKTAN SA LINDOL SA PAPUA NEW GUINEA β€” DFA

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Pilipinong nasaktan matapos yanigin ng magnitude 6.7 na lindol ang lungsod ng Lae sa Papua New Guinea noong Oktubre 7.

Ayon sa Philippine Embassy sa Port Moresby, walang naiulat na pinsala sa naturang lugar, at ligtas ang tinatayang 36,000 Pilipino na naninirahan at nagtatrabaho sa bansa.

Nilinaw rin ng DFA na walang Pilipino ang kabilang sa mga hiker na na-strand sa Mt. Everest matapos ang malakas na blizzard noong nakaraang weekend.



EARTHQUAKE ALERT | Mga Empleyado, Naglabasan sa Benguet Provincial Capitol Matapos ang Pagyanig Naglabasan ang mga tao m...
09/10/2025

EARTHQUAKE ALERT | Mga Empleyado, Naglabasan sa Benguet Provincial Capitol Matapos ang Pagyanig

Naglabasan ang mga tao mula sa Benguet Provincial Capitol sa La Trinidad matapos maramdaman ang magnitude 4.4 na lindol na tumama sa Pugo, La Union ngayong Huwebes, Oktubre 9.

Agad na nagsagawa ng evacuation ang mga empleyado bilang bahagi ng precautionary measures para sa kaligtasan.

Patuloy na minomonitor ng mga awtoridad ang sitwasyon at pinaalalahanan ang publiko na manatiling alerto sa mga posibleng aftershocks.

πŸ“· Hidenritch Ganase



09/10/2025

π—Ÿπ—œπ—‘π——π—’π—Ÿ 𝗦𝗔 π—•π—”π—šπ—¨π—œπ—’ π—–π—œπ—§π—¬ | Magnitude 4.4 na Pagyanig, Sapul sa CCTV

Nakuhanan sa CCTV ang pagyanig ng lupa sa Sto. Tomas area, Baguio City, matapos tumama ang magnitude 4.4 na lindol sa Pugo, La Union ngayong Huwebes, Oktubre 9.

Sa video, makikitang umalog ang mga establisimyento at poste habang nararamdaman ang lindol.
Patuloy namang binabantayan ng PHIVOLCS ang mga posibleng aftershocks at pinapaalalahanan ang publiko na manatiling kalmado at maging alerto.

πŸŽ₯ Video courtesy of Hidenritch Ganase



Inflation Rate sa Bicol Region bahagyang tumaas sa 1.1% nitong Setyembre 2025 – PSA Bicol Ayon sa ulat ng Philippine Sta...
09/10/2025

Inflation Rate sa Bicol Region bahagyang tumaas sa 1.1% nitong Setyembre 2025 – PSA Bicol

Ayon sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) Bicol, umakyat sa 1.1% ang inflation rate ng rehiyon ngayong Setyembre 2025, bahagyang mas mataas kumpara sa 1.0% noong Agosto 2025.

Sa mga lalawigan, Catanduanes ang nagtala ng pinakamataas na inflation sa 2.7%, sinundan ng Albay at Masbate (1.7%), Camarines Sur (1.3%), at Sorsogon (1.0%).
Samantala, Camarines Norte ang may pinakamababang inflation sa 0.3%.

Ayon sa PSA, ang pagtaas ng presyo ng housing, tubig, kuryente, gas, at iba pang produktong petrolyo, gayundin ng pagkain at non-alcoholic beverages, ang pangunahing dahilan ng bahagyang pagbilis ng inflation sa rehiyon.



BAHAGI NG BUNDOK SA MATI, DAVAO ORIENTAL, NAKALBO DAHIL SA PAGMIMINA πŸŒ³β›οΈKitang-kita sa mga larawang ibinahagi ng Provinc...
09/10/2025

BAHAGI NG BUNDOK SA MATI, DAVAO ORIENTAL, NAKALBO DAHIL SA PAGMIMINA πŸŒ³β›οΈ

Kitang-kita sa mga larawang ibinahagi ng Provincial Government ng Davao Oriental ang matinding pagkakalbo ng mahigit 200 ektaryang lupain sa Barangay Macambol, Mati City, bunsod ng patuloy na pagmimina sa lugar.

Dahil dito, nagsagawa ng dayalogo si Governor Nelson Dayanghirang upang talakayin ang mga epekto at pinsalang dulot ng pagmimina sa kapaligiran.

Aniya, β€œMauubos ang pera, pero hindi natin kayang palitan ang ating kalikasan.”

Patuloy namang nananawagan ang pamahalaang panlalawigan sa mga kumpanya at residente na igalang at pangalagaan ang kalikasan upang maiwasan ang mas matinding pinsala sa kapaligiran. 🌱

πŸ“Έ Provincial Government of Davao Oriental



Address

4th Floor Annelle Bldg. Biak Na Bato, Brgy. Tabuco
Naga City
4400

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Radyo KaFuerte posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category