31/10/2019
"Kasagutan"
Nasimulan na ang kwento,
Ang istorya ng dalawang tao,
Dalawang taong pinagtagpo,
"Ikaw at Ako".
Ilang oras na ang pinalagpas,
Ilang araw, at buwan na ang lumipas,
Pero hindi ko nagawang tumakas,
Sa aking nararamdaman, sapagkat ako'y nawawalan ng lakas.
Pinilit kong hinanap ang lunas sa aking nararamdaman,
Pinipilit kong inaalis ang ala-ala mo sa aking isipan,
Ngunit hangang ngayon, hindi ko pa rin makamtan at matagpuan,
Ang sagot sa lahat ng aking mga katanungan.
Dumating yung araw sabay, at parehong natagpuan,
Pareho ng laman ang ating mga puso't isipan,
Subalit, imbis na patunayan, at patutuhanan,
Ito'y pilit na iniiwasan at patuloy na tinatanggihan.
Doon ko nalaman, lahat ng kasagutan,
Kasagutang wala pang kasiguraduhan,
Sapagkat ako'y walang basihan,
At ikaw lang ang nakakaalam niyan.
Ngunit ito lang ang alam ko,
Dahil dumating na tayo sa puntong ito,
Sa punto kung saan pinagtagpo tayo,
Pero pinipilit na mapaglayo.
Ano nga ba ang tamang kasagutan?
Ito ba ay may katotohanan?
Kung oo, sige pipilitin kung iwasan,
Dahil hindi ako sundalo, para ika'y ipaglaban.
Hihintayin ko na lang ang tamang panahon,
Ang regalong ibibigay sakin ng panginoon,
Hahayaan ko na lang ang tadhanang magtakda,
Ipa-uubaya ko na lang kay Bathala.
Sabi nga nila,
Kung marunong kang maghintay,
Bibigyan ka ni God,
Ng good guy.
๐๐๐
.๐