Bicol News Star

Bicol News Star Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Bicol News Star, Media/News Company, #5 Santiago I, Peñafrancia, Naga.

Bicol News Star, established in 2013, has spent over a decade providing comprehensive coverage of local news, events, and developments throughout the Bicol Region.

PUSPU­SAN ANG PAGHAHANDA SA PLAZA QUEZON PARA SA PEÑAFRANCIA FESTIVALNAGA CITY — Puspusan ang ginagawang paghahanda sa P...
08/08/2026

PUSPU­SAN ANG PAGHAHANDA SA PLAZA QUEZON PARA SA PEÑAFRANCIA FESTIVAL

NAGA CITY — Puspusan ang ginagawang paghahanda sa Plaza Quezon sa Naga City para sa nalalapit na Peñafrancia Festival ngayong Setyembre.

Isinasagawa ang mga kinakailangang trabaho sa grounds upang maging handa ang lugar sa mga pangunahing aktibidad at parada ng selebrasyon. Target ng lokal na pamahalaan na magamit na ang grounds ng Plaza Quezon bilang venue ng parada.

Nauna nang isinagawa ang site inspection sa lugar upang matiyak ang kahandaan nito at maayos na pagkakaayos ng venue para sa mga nakatakdang aktibidad. Kabilang sa tinitingnan ang progreso ng mga ginagawang improvement at ang koordinasyon sa mga site engineer at contractor.

Mahalaga ang paghahandang ito lalo na sa inaasahang pagdagsa ng mga deboto at bisita sa Naga City para sa taunang pagdiriwang ng Peñafrancia.


⚠️ Sensitive Content Warning: This report contains references to violence, death, and su***de.TEENAGE STUDENT KILLS FIVE...
07/08/2026

⚠️ Sensitive Content Warning: This report contains references to violence, death, and su***de.

TEENAGE STUDENT KILLS FIVE IN THAILAND SCHOOL SHOOTING, DIES BY SU***DE

At least five people were killed in a shooting at a school outside Bangkok, Thailand, involving a teenage student, according to police.

Authorities said the suspect had earlier fatally shot his grandparents before carrying out the school attack. The teenager later died by su***de.

Police are continuing to investigate the motive and circumstances surrounding the incident, which is being reported as Thailand’s deadliest mass killing in nearly four years.


EALA MANIA SA TORONTO: TICKETS SA EALA-McNALLY MATCH, UBOS NA!TORONTO, Canada — Sold out na ang mga tiket para sa inaaba...
07/08/2026

EALA MANIA SA TORONTO: TICKETS SA EALA-McNALLY MATCH, UBOS NA!

TORONTO, Canada — Sold out na ang mga tiket para sa inaabangang Round of 32 match nina Filipina tennis star Alex Eala at American player Caty McNally sa National Bank Open.

Dahil sa matinding demand para mapanood si Eala, inilipat ang laban sa Centre Court ng Sobeys Stadium, na may seating capacity na 12,500. Mas maliit ang Grandstand, na may kapasidad lamang na 2,800, kaya hindi nito kayang tugunan ang dami ng interes ng mga manonood.

Laban: Agosto 8, 2026
Oras: 8:10 AM, oras sa Pilipinas
Venue: Centre Court, Sobeys Stadium, Toronto, Canada

Ito ang unang singles meeting nina Eala at McNally. Umabante si Eala matapos talunin si Alycia Parks sa three-set match, habang si McNally naman ay nagwagi laban kay Linda Nosková.

Sa sold-out crowd at 12,500-seat Centre Court, inaasahang magiging makulay at maingay ang suporta ng mga Pinoy para kay Eala sa kanyang laban para sa Round of 16.


ISA ARESTADO, TATLO NAKATAKAS MATAPOS MAKUMPISKAHAN NG HIHINALANG SHABU SA KUBO SA IRIGA CITYIRIGA CITY, Camarines Sur –...
07/08/2026

ISA ARESTADO, TATLO NAKATAKAS MATAPOS MAKUMPISKAHAN NG HIHINALANG SHABU SA KUBO SA IRIGA CITY

IRIGA CITY, Camarines Sur – Isang babae ang naaresto habang tatlong lalaki ang nakatakas matapos madiskubre ng mga pulis ang hinihinalang ilegal na droga at mga drug paraphernalia sa isang kubo sa Zone 6, Barangay Perpetual Help, Iriga City.

Batay sa ulat ng Iriga City Police Station, nagsasagawa ng foot patrol ang mga pulis nang mapadaan sa naturang kubo. Bigla umanong sumigaw ang isa sa mga lalaking naroon ng "Pulis!", dahilan upang magtakbuhan ang tatlong kalalakihan na nasa loob.

Paglapit ng mga pulis sa kubo, tumambad ang mga nagkalat na hinihinalang shabu at iba't ibang drug paraphernalia. Sinubukan ding tumakas ng babaeng suspek na kinilalang alyas "Lyn," ngunit agad siyang nahabol at naaresto ng mga operatiba.

Narekober sa lugar ang 13 pakete ng hinihinalang shabu at iba't ibang drug paraphernalia.

Samantala, nakilala na rin ng pulisya ang tatlong nakatakas na suspek na sina alyas "Ronnie," "Robert," at "Randy."

Nasa kustodiya na ng Iriga City Police Station ang naarestong suspek, habang inihahanda ang pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa apat na suspek.

Courtesy: Ate Lala


BARIL, MGA BALA AT FOIL NA MAY HINIHINALANG SHABU RESIDUE, NASAMSAM SA SEARCH WARRANT OPERATION SA OCAMPOOcampo, Camarin...
07/08/2026

BARIL, MGA BALA AT FOIL NA MAY HINIHINALANG SHABU RESIDUE, NASAMSAM SA SEARCH WARRANT OPERATION SA OCAMPO

Ocampo, Camarines Sur – Isang 37-anyos na lalaki na kinilalang si alyas "Mar" ang inaresto matapos ipatupad ng mga awtoridad ang isang search warrant kaugnay ng paglabag sa Republic Act 10591 o ang Comprehensive Fi****ms and Am******on Regulation Act sa Barangay May-Ogob, Ocampo, Camarines Sur, bandang alas-4 ng madaling araw.

Pinangunahan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Camarines Sur, sa pakikipagtulungan ng Ocampo Municipal Police Station, ang operasyon.

Sa isinagawang paghahalughog sa bahay ng suspek, narekober ng mga operatiba ang isang .38 caliber revolver at ilang piraso ng mga bala.
Bukod dito, nasamsam din ang isang PVC pipe na may mga aluminum foil strips na may residue ng hinihinalang shabu.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng mga awtoridad ang suspek habang inihahanda ang mga kasong isasampa laban sa kanya.


Mahigit 5,300 g**o at school heads sa Camarines Sur, nanumpa para sa promotion at reclassificationPILI, Camarines Sur — ...
07/08/2026

Mahigit 5,300 g**o at school heads sa Camarines Sur, nanumpa para sa promotion at reclassification

PILI, Camarines Sur — Nanumpa ngayong araw ang mahigit 5,300 g**o at school heads mula sa limang distrito ng Camarines Sur kaugnay ng kanilang promotion at reclassification sa isang seremonya na pinangunahan ni Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara.

Sa kanyang talumpati, pinabulaanan din ni Angara ang kumakalat na impormasyon na lapel lamang ang ipapamahagi sa mga g**o kapalit ng mga laptop.

Nilinaw niyang tuloy ang pamamahagi ng mga laptop, habang magkakaroon din ng hiwalay na pamamahagi ng mga lapel o voice amplifier bilang karagdagang suporta sa mga g**o.


Copra Processing Facility Fire Hits Ragay on August 6RAGAY, Camarines Sur — Firefighters battled a fire that engulfed a ...
07/08/2026

Copra Processing Facility Fire Hits Ragay on August 6

RAGAY, Camarines Sur — Firefighters battled a fire that engulfed a copra processing facility in Barangay GRS, Ragay, near the Andaya Highway, on August 6.

Initial reports said the fire burned for more than two hours before firefighters brought it under control

Authorities had yet to release the cause of the fire, the extent of the damage, or whether anyone was injured. An investigation into the incident remained ongoing.


CARDINAL AMBO DAVID, NAGBAHAGI NG MENSAHE UKOL SA PANANAMPALATAYA AT PANLIPUNANG KATARUNGAN SA ADNUNAGA CITY — Bumisita ...
06/08/2026

CARDINAL AMBO DAVID, NAGBAHAGI NG MENSAHE UKOL SA PANANAMPALATAYA AT PANLIPUNANG KATARUNGAN SA ADNU

NAGA CITY — Bumisita sa Ateneo de Naga University nitong Huwebes, Agosto 6, si Cardinal Pablo Virgilio "Ambo" David, upang maging tagapagsalita sa Social Justice Forum na ginanap sa university gymnasium.

Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Cardinal David ang kahalagahan ng pagkilala sa mga umiiral na suliraning panlipunan at ang pangangailangang maiugnay ang pananampalataya sa pagsusulong ng katarungang panlipunan.

Dinaluhan ng mga estudyante, g**o, at iba pang miyembro ng pamantasan ang forum bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng Ateneo de Naga University ng mga talakayan hinggil sa pananampalataya, lipunan, at responsableng paglilingkod.

Courtesy: ThePILLARS Publication


06/08/2026

𝗣𝗢𝗡𝗗𝗢𝗡𝗚 ₱𝟰 𝗕𝗜𝗟𝗬𝗢𝗡 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗔𝗡𝗗𝗔𝗬𝗔 𝗛𝗜𝗚𝗛𝗪𝗔𝗬, 𝗛𝗜𝗡𝗜𝗛𝗜𝗡𝗧𝗔𝗬 𝗡𝗔 𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗣𝗥𝗨𝗕𝗔 𝗡𝗚 𝗗𝗕𝗠

NAGA CITY — Tinatayang ₱4 bilyon ang kinakailangang pondo para sa rehabilitasyon ng Andaya Highway sa Camarines Sur, ayon kay DPWH Secretary Vince Dizon.

Aniya, nakahanda nang simulan ng Department of Public Works and Highways ang proyekto sa oras na aprubahan at mailabas ng Department of Budget and Management (DBM) ang pondo.

Isasagawa ang rehabilitasyon sa dalawang yugto, bilang bahagi ng planong maibalik sa maayos na kondisyon ang Andaya Highway.


06/08/2026

𝗣𝗔𝗡𝗢𝗢𝗥𝗜𝗡 | 𝗧𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗔𝗡𝗚 𝗗𝗣𝗪𝗛 𝗖𝗮𝗺𝗮𝗿𝗶𝗻𝗲𝘀 𝗦𝘂𝗿 𝗙𝗶𝗿𝘀𝘁 𝗗𝗶𝘀𝘁𝗿𝗶𝗰𝘁 𝗘𝗻𝗴𝗶𝗻𝗲𝗲𝗿, 𝗔𝗡𝗨𝗡𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗜 𝗦𝗘𝗖. 𝗩𝗜𝗡𝗖𝗘 𝗗𝗜𝗭𝗢𝗡

NAGA CITY — Inihayag ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon na tinanggal na sa puwesto ang District Engineer ng Camarines Sur First District Engineering Office.

Ayon sa kalihim, ang hakbang ay kaugnay ng vehicular accident na naganap sa Maharlika Highway sa Del Gallego, Camarines Sur noong Hulyo 29, kung saan tatlong katao ang nagtamo ng malulubhang pinsala.

Lumabas sa paunang imbestigasyon na kulang ang warning signs at iba pang safety devices sa bahaging isinasailalim sa road works.

Sinabi rin ni Dizon na pananagutin ang contractor ng proyekto dahil sa kabiguang maglagay ng kinakailangang safety barriers sa lugar.

Kasabay nito, bibisitahin ng kalihim ang pamilya ng mga nasugatang biktima upang personal na alamin ang kanilang kalagayan at matukoy ang tulong na maaari nilang matanggap.

Provided Video


Address

#5 Santiago I, Peñafrancia
Naga
4400

Telephone

+639957309575

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bicol News Star posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Bicol News Star:

Shortcuts

Share