LGU Nagtipunan, Quirino

LGU Nagtipunan, Quirino Latest news and updates from the Municipality of Nagtipunan, Quirino. Official Facebook

28/08/2025
Paalala po sa lahat ng nais maging bahagi ng Pamilihang Bayan ng Nagtipunan, maaaring tumawag sa:Treasury Office - 0968-...
26/08/2025

Paalala po sa lahat ng nais maging bahagi ng Pamilihang Bayan ng Nagtipunan, maaaring tumawag sa:
Treasury Office - 0968-865-4992
HR Office - 0949-666-8741

Deadline for application: September 1, 2025

Installation of Early Warning Devices in 16 Barangays of NagtipunanBilang bahagi ng mas pinaigting na paghahanda at pagt...
20/08/2025

Installation of Early Warning Devices in 16 Barangays of Nagtipunan

Bilang bahagi ng mas pinaigting na paghahanda at pagtugon sa mga sakuna, matagumpay na nailagay ng Nagtipunan Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO) ang mga early warning devices sa 16 na barangay ng ating bayan.

Layon ng proyektong ito na masiguro ang maagap na pagbibigay ng babala sa oras ng kalamidad tulad ng bagyo, pagbaha, at iba pang sakunang maaaring maranasan ng ating Bayan. Sa pamamagitan nito, mas napapalakas ang kaligtasan at kahandaan ng bawat Nagtipunero.

Ang inisyatibong ito ay patunay ng patuloy na malasakit at pagsusumikap ng Pamahalaang Lokal ng Nagtipunan sa pamumunl ng ating butihing Mayor Kuya Noel Lim, kasama ang mga Sangguniang Bayan Members sa pamumuno ni Vice Mayor Arnel R. Fiesta, para sa ligtas, handa, at matatag na Bayan.


LIGTAS AT MATIBAY NA BOX CULVERT PARA SA BRGY. ASAKLATSa pataas at mabundok na bahagi ng Purok 4, Asaklat, Nagtipunan, d...
19/08/2025

LIGTAS AT MATIBAY NA BOX CULVERT PARA SA BRGY. ASAKLAT

Sa pataas at mabundok na bahagi ng Purok 4, Asaklat, Nagtipunan, dumadaloy ang mga ilog at sapa na nagiging hamon lalo na tuwing tag-ulan. Madalas ay nahihirapan ang mga residente dahil sa malakas na agos ng tubig na pumipigil sa kanilang ligtas na pagtawid.

Bilang tugon sa pangangailangan ng mga residente, naipatupad ang Box Culvert Project na magsisilbing matibay at ligtas na daluyan ng tubig. Sa pamamagitan nito, nabawasan ang panganib ng pagbaha at nagkaroon ng mas maayos at mas ligtas na daanan para sa ating mga kakabsat.

Ang proyektong ito ay malinaw na patunay ng malasakit ng Lokal na Pamahalaan ng Nagtipunan, sa pangunguna ng ating butihing Mayor Kuya Noel Lim at ng Sangguniang Bayan sa pamumuno ni Vice Mayor Arnel R. Fiesta.

At higit sa lahat, ito ay mula sa buwis ng mga mamamayan ng Nagtipunan at patunay na ang bawat kontribusyon ay naibabalik sa anyo ng mga proyektong tunay na nakakatulong sa pang araw-araw na pamumuhay.


BAGONG KALSADA MULA SA BUWIS NG MAMAYAN NG NAGTIPUNAN - Brgy. Ponggo, Nagtipunan, QuirinoAng proyektong ito ay nagmula s...
17/08/2025

BAGONG KALSADA MULA SA BUWIS NG MAMAYAN NG NAGTIPUNAN - Brgy. Ponggo, Nagtipunan, Quirino

Ang proyektong ito ay nagmula sa buwis ng mamamayan ng Nagtipunan, patunay na ang bawat kontribusyon ng bawat isa ay nagbabalik ng serbisyo at kaunlaran para sa Nagtipuneros!

Sa pamumuno ng ating masipag at butihing Mayor Kuya Noel Lim, kasama ang Sangguniang Bayan Members sa pangunguna ni Vice Mayor Arnel R. Fiesta, at kawani ng LGU Nagtipunan.
Naagkaroon ng ribbon cutting at turnover ceremony para sa concreting project sa Purok 3, Barangay Ponggo, Nagtipunan na tunay na magdudulot ng malaking benepisyo sa mga residente at mamamayan ng barangay.

Sa pamamagitan nito ay mas magiging mabilis at ligtas ang biyahe ng mga estudyante, manggagawa at magsasaka, gayundin ay mas madali na ang pagdadala ng mga produkto mula sa sakahan patungo sa pamilihan.

Malaki rin ang maitutulong nito sa mas maayos na daloy ng transportasyon at mas mabilis na pagdating ng mga serbisyong panlipunan at pang-emerhensiya tulad ng ambulansya at rescue operation.


LINGGO NG KABATAAN 2025Awarding & Recognition | August 15, 2025Bilang pagkilala sa galing, sipag, at dedikasyon ng ating...
17/08/2025

LINGGO NG KABATAAN 2025
Awarding & Recognition | August 15, 2025

Bilang pagkilala sa galing, sipag, at dedikasyon ng ating mga kabataan at youth organizations, narito ang mga pinarangalan ngayong Linggo ng Kabataan sa Bayan ng Nagtipunan:

Most Outstanding Youth Organization(school based)
SSLG- Landingan Integrated School
SSLG- Wasid Integrated School
SSLG- Sangbay Integrated School
STEPS- Nagtipunan National High School

Most Outstanding Sangguniang Kabataan Chairperson- Alyza Aira Calay
Most Functional Sangguniang Kabataan Office- Disimungal,Nagtipunan, Quirino

High Functional Sangguniang Kabataan Office:
San Dionisio II, Nagtipunan,Quirino
Sangbay, Nagtipunan, Quirino

Most Outstanding Youth Professional (PWD Category)
Lealyn Basug
Angelyn Gubo
Mark Edizon Corpuz

Open Category
1st- Hazel Budek
2nd- Ckey Antonio
3rd- STEPS Dance Crew

Digital Poster Making
1st- Alexis Ailes
2nd- Cie jay Marana
3rd- Shiena Tubiera

Basic Knot Tying
1st- Anak & San Pugo
2nd- San Dionisio II & San Ramos
3rd- Disimungal

Lydo Logo making
1. Leeverlie An Abara
2. Andrei Roed Torres
3. Reyson Er P. Flores


Congratulations sa Barangay San Dionisio II na tinanghal na kampeon ng NTL Cup Basketball 2025 (Juniors Division)
16/08/2025

Congratulations sa Barangay San Dionisio II na tinanghal na kampeon ng NTL Cup Basketball 2025 (Juniors Division)


Congratulations sa Barangay San Pugo na tinanghal na kampeon ng NTL Cup Basketball 2025 (Seniors Division)
16/08/2025

Congratulations sa Barangay San Pugo na tinanghal na kampeon ng NTL Cup Basketball 2025 (Seniors Division)


15/08/2025
15/08/2025

BASKETBALL CHMIONSHIP

15/08/2025

BASKETBALL CHAMPIONSHIP

BAGONG KALSADA, BAGONG PAG-ASA PARA SA BRGY. WASIDLaking tulong para sa mga residente ang road opening at concreting sa ...
14/08/2025

BAGONG KALSADA, BAGONG PAG-ASA PARA SA BRGY. WASID

Laking tulong para sa mga residente ang road opening at concreting sa Purok 4, Brgy. Wasid, Nagtipunan!

Ito ay isa sa mga proyektong katuwang ang ating masipag at walang kapagurang Mayor Noel T. Lim kasama ang Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Arnel R. Fiesta, upang mas mapadali at maging ligtas ang biyahe ng ating kakabsat.

Proyektong pinondohan mula sa buwis ng mamamayan ng Nagtipunan, ibinabalik sa atin sa anyo ng de-kalidad na serbisyo at imprastraktura.

Kasama sa pagbabagong ito ang mas mabilis na paglalakbay ng mga mag-aaral, mas maginhawang pagdadala ng produkto ng mga magsasaka, at mas ligtas na daan para sa lahat.


Address

Brgy. Ponggo
Nagtipunan
3405

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when LGU Nagtipunan, Quirino posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to LGU Nagtipunan, Quirino:

Share