27/08/2025
𝐑𝐞𝐝 𝐄𝐚𝐠𝐥𝐞𝐬, 𝐏𝐚𝐬𝐨𝐤 𝐬𝐚 𝐒𝐞𝐦𝐢𝐬 𝐌𝐚𝐭𝐚𝐩𝐨𝐬 𝐓𝐚𝐥𝐮𝐧𝐢𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐁𝐥𝐮𝐞 𝐅𝐚𝐥𝐜𝐨𝐧𝐬 𝐬𝐚 𝐃𝐨-𝐨𝐫-𝐃𝐢𝐞 𝐌𝐚𝐭𝐜𝐡 🏀🔥
Isang mainit na do-or-die basketball match ang nasaksihan kanina sa Intramurals nang magharapan ang Red Eagles at Blue Falcons. Sa unang kwarter pa lamang, agad na nagpakitang-gilas ang Red Eagles matapos makuha ang bentahe sa iskor na 20-11.
Gayunpaman, hindi basta sumuko ang Blue Falcons. Sa ikalawang kwarter, nagsalba si Jeus Cauilan para sa kanyang koponan sa pamamagitan ng sunod-sunod na three-points, dahilan upang tumabla ang laban sa 47-all bago pumasok sa halftime.
Mas naging dikit ang laban sa ikatlong kwarter kung saan nakalamang ng isang puntos ang Blue Falcons, na lalong nagpainit sa tensyon ng laro.
Ngunit pagsapit ng huling yugto, muling bumangon ang Red Eagles sa pamamagitan ng sunod-sunod na puntos nina Bricks Zyven Anical—isang learner with hearing impairment na nagsilbing inspirasyon sa laro—at Nathaniel Gacad Jr. Sa kanilang matatag na depensa, pinatibay nina Prince John Cyruz Pagie at Jonathan Dominguez, hindi na nakabawi ang Blue Falcons.
Nagtapos ang laban sa iskor na 93-77, pabor sa Red Eagles. Pinangunahan ni Bricks Zyven Anical ang opensa ng Red Eagles matapos magtala ng 30 puntos, dahilan upang hirangin siya bilang Best Player of the Game.
Sa kanilang panalo, tuluyang nakapasok sa semifinals ang Red Eagles, kasama ang Yellow Hawks, habang tuluyang natanggal sa torneo ang Blue Falcons.
Isang makasaysayang panalo para sa Red Eagles, na nagpakita ng tapang, determinasyon, at pagkakaisa hanggang dulo ng laro.