12/06/2025
“LORD, UBOS NA AKO… PERO ALAM KONG SAPAT KA.”
May mga araw na kahit todo ngiti ka, ramdam mong hindi na ‘yon galing sa puso.
Nakakapagod na… hindi lang katawan mo ang nanlalambot, kundi pati puso mo.
Nakangiti ka sa labas, pero may bagyo sa loob.
At kapag may nagtanong kung “okay ka lang?”
Ang sagot mo, “Okay lang, sanay na.”
Pero ang totoo?
Ubos ka na.
Wala ka nang matakbuhan. Wala ka nang masabihan.
Lahat umaasa sa’yo, pero ‘di mo alam kung may natitira pa talaga sa loob mo.
Ang bigat-bigat na. Gusto mo na lang mahiga at mawala sandali.
“Ang lakas ko, parang load — mabilis maubos, lalo na pag walang promo.”
Nakakarelate?
Kasi tayo ‘yung laging bigay nang bigay, adjust nang adjust, laban nang laban — pero minsan, nakakalimutan nating may Diyos na gustong kargahin tayo.
God is not impressed by how strong you pretend to be.
He is moved when you admit you’re weak — and you turn to Him for strength.
“But He said to me, ‘My grace is sufficient for you, for My power is made perfect in weakness.’”
— 2 Corinthians 12:9 (NIV)
Ang tunay na lakas, hindi sa galing natin galing.
Galing ‘yan sa grasya ng Diyos.
At hindi Siya nauubusan.
Ngayong araw, subukan mong huminto sandali.
Tumigil ka sa pagpe-pretend na okay ka.
Sa panalangin mo, huwag kang humiling muna — umamin ka lang.
Sabihin mo lang:
“Lord, ubos na ako… pero alam kong sapat Ka.”
Then, be still.
Let God refill you.
Kasi kahit paubos ka na… hindi ka patapon.
May plano pa rin si Lord sa’yo — at magsisimula ‘yon sa pag-amin mong kailangan mo Siya.