
14/08/2025
"2018… Isang taon na hindi lang basta lumipas, kundi tumatak sa puso’t isipan. Panahon na wala pa tayong iniintindi kundi makahanap ng pang-load, magtipid ng baon, o magpatulong kay tropa para lang makasama sa comshop. Sa bawat hakbang papunta doon, dala natin ang excitement na para bang isang malaking laban ang sasalubong.
Pagpasok sa pintuan, mararamdaman agad ang lamig ng aircon na halong amoy ng kape, instant noodles, at pawis ng mga magdamagan na player. Ang tunog ng mouse click at keyboard, parang musika sa atin — bawat pindot, may kasamang adrenaline at kaba, lalo na kapag may sigawan ng "pre may baret Dito syaka pp19
Naalala ko pa kung paano tayo magkakasiksik sa iisang row, para lang magkatabi sa laro. May mga headset na luma at may tape, mga mousepad na halos pudpod, at mga monitor na minsan kumikindat pero ayos lang, basta tuloy ang laban. At syempre, yung mga walang kamatayang biruan:
"Hoy, support ka lang ah, wag kang takaw sa lot mag tira ka nmn
"Tng ina mo, wag ka ngang mag-KS
"Uy, ano ba yan,
"Shut up ka na lang, "
"Last game na to ah, wala nang rematch…" — na lagi namang nauuwi sa "Sige na, isa pa!"
Minsan, kahit alas-dos na ng madaling araw, hindi pa rin tapos dahil sa pride ng bawat laban. At kahit magkaasaran, pagkatapos ng laro sabay pa rin tayong lalabas, sabay kumakain ng fishball o kwek-kwek sa labas ng shop habang pinag-uusapan kung sino dapat chickendinner
Pero ngayon… kakaunti na lang ang nakikita sa mga comshop. Marami na ang naka-laptop o naka-mobile, at ang mga dati’y puno ng sigawan at tawanan, ngayon ay halos tahimik na. Ang mga silyang dati’y okupado 24/7, ngayon ay may alikabok na. Ang keyboard na dating di tumitigil sa kalabog, ngayon ay maririnig lang kapag may matandang player na hindi pa rin bumibitaw sa lumang gawi.
Parang kahapon lang, punong-puno ng buhay ang bawat sulok ng comshop — pero ngayon, alaala na lang. Kahit anong ganda ng graphics ngayon, kahit gaano kabilis ang internet, iba pa rin ang init ng panahon na yun. Panahon ng tropa, panahon ng walang problema, at panahon na ang pinaka-worry mo lang ay kung kakayanin pa ng sampung piso ang isang oras na ligaya.
Salamat sa 2018 salamat sa comshop, at salamat sa rules of survival— sa pagbibigay ng alaala nalang at walang quit… kahit tapos na ang laro."