TAU GAMMA PHI - Triskelion De Muzon Chapter

TAU GAMMA PHI - Triskelion De Muzon Chapter Fortis Voluntas Fraternitas

Maging mapanuri tayo mga Tol hindi mapanghusga, alamin muna ang buong katotohanan bago maniwala o mag bigay ng opinyon. ...
27/05/2026

Maging mapanuri tayo mga Tol hindi mapanghusga, alamin muna ang buong katotohanan bago maniwala o mag bigay ng opinyon. ๐Ÿ–๐Ÿ˜Ž

๐—ง๐—ผ๐—น, ๐—ต๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ธ๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ ๐—บ๐˜‚๐—ป๐—ฎ, ๐—บ๐—ฎ๐—ด-๐˜‚๐˜€๐—ฎ๐—ฝ ๐˜๐—ฎ๐˜†๐—ผ ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐˜€. Alam mo ba kung bakit hanggang ngayon ay litong-lito ka pa rin? Kasi madalas, mas pinipili mong paniwalaan agad ang mga kwento at haka-hakang naririnig mo sa paligid kahit wala namang malinaw na batayan o katotohanan.

Dumating pa sa punto na pati ang Ama ng Kapatiran ay nawalan na ng respeto mula sa inyo. Tol, wala kang magandang mapapala sa ganyang pag-iisip at gawain. Ang totoo, mas lalo mo lamang pinapahirapan ang sarili mo at inilalayo ang iyong puso sa tunay na diwa ng kapatiran.

Nakalimutan mo na ba ang iyong sinumpaang pangako noong ikaw ay pumasok sa kapatiran? Nangako kang mamahalin at pahahalagahan mo ang kapatiran. Nangako kang igagalang mo ang mga Amang nagtatag nito. Nangako kang poprotektahan mo ang pangalan ng kapatiran laban sa mga paratang at panghuhusgang walang sapat na batayan.

At higit sa lahat, nangako kang rerespeto at pakikitunguhan nang maayos ang lahat ng tao, hindi lamang ang mga kapatid sa loob ng kapatiran, kundi pati na rin ang mga taong nasa labas nito na iyong makakasalamuha araw-araw.

๐™๐™ค๐™ก, ๐™ข๐™–๐™œ๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™ข๐™–๐™ฅ๐™–๐™ฃ๐™ช๐™ง๐™ž ๐™ฉ๐™–๐™ฎ๐™ค, ๐™๐™ž๐™ฃ๐™™๐™ž ๐™ข๐™–๐™ฅ๐™–๐™ฃ๐™œ๐™๐™ช๐™จ๐™œ๐™–. ๐˜ผ๐™ก๐™–๐™ข๐™ž๐™ฃ ๐™ข๐™ช๐™ฃ๐™– ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™—๐™ช๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™ ๐™–๐™ฉ๐™ค๐™ฉ๐™ค๐™๐™–๐™ฃ๐™–๐™ฃ ๐™—๐™–๐™œ๐™ค ๐™ข๐™–๐™ฃ๐™ž๐™ฌ๐™–๐™ก๐™– ๐™ค ๐™ข๐™–๐™œ๐™—๐™ž๐™œ๐™–๐™ฎ ๐™ฃ๐™œ ๐™ค๐™ฅ๐™ž๐™ฃ๐™ฎ๐™ค๐™ฃ. ๐™๐™–๐™ฃ๐™™๐™–๐™–๐™ฃ ๐™ข๐™ค, ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ฉ๐™ช๐™ฃ๐™–๐™ฎ ๐™ฃ๐™– ๐™๐™ง๐™ž๐™จ๐™ ๐™š๐™ก๐™ž๐™ค๐™ฃ ๐™–๐™ฎ ๐™ข๐™–๐™ง๐™ช๐™ฃ๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™œ๐™ช๐™ข๐™–๐™ก๐™–๐™ฃ๐™œ, ๐™ช๐™ข๐™ช๐™ฃ๐™–๐™ฌ๐™–, ๐™–๐™ฉ ๐™ข๐™–๐™ฃ๐™ž๐™ฃ๐™™๐™ž๐™œ๐™–๐™ฃ ๐™จ๐™– ๐™ฉ๐™–๐™ข๐™–.






25/05/2026

Triskelion Hymn sa panimula ng ating pagdiringan ng Ika-Apat na Anibersaryo ng ating Naic Triskelion Municipal Grand Council. Arriba Arriba Arriba TAU GAMMA PHI - Triskelion De Muzon Chapter

Fortis Voluntas Fraternitas. ๐Ÿซก
21/04/2026

Fortis Voluntas Fraternitas. ๐Ÿซก

"๐“๐‡๐‘๐„๐„ ๐‹๐„๐†๐†๐„๐ƒ ๐Œ๐€๐Œ๐Œ๐€๐‹"

Ang "tumatakbong" posisyon ng mga binti ay sumasagisag sa patuloy na paglago at pag-unlad ng Kapatiran. Ipinapahiwatig nito na ang isang Triskelion ay laging sumusulong, hindi kailanman nandarambala (stagnant), at may kakayahang malampasan ang anumang mga hadlang saanman man siya "ihagis."

Ito ay hango sa sinaunang salawikain na ๐™Œ๐™ช๐™ค๐™˜๐™ช๐™ฃ๐™ฆ๐™ช๐™š ๐™…๐™š๐™˜๐™š๐™ง๐™ž๐™จ ๐™Ž๐™ฉ๐™–๐™—๐™ž๐™ฉ, na ang ibig sabihin ay "๐™†๐™–๐™๐™ž๐™ฉ ๐™จ๐™–๐™–๐™ฃ ๐™ข๐™ค ๐™ข๐™–๐™ฃ ๐™ž๐™๐™–๐™œ๐™ž๐™จ, ๐™ž๐™ฉ๐™ค ๐™–๐™ฎ ๐™ฉ๐™–๐™ฉ๐™–๐™ฎ๐™ค."





Tuloy tuloy lang ang serbisyo pang komunidad ng ating Kapatiran para sa ating mahal na Barangay Muzon Naic, Cavite Cap S...
18/04/2026

Tuloy tuloy lang ang serbisyo pang komunidad ng ating Kapatiran para sa ating mahal na Barangay Muzon Naic, Cavite Cap S sa ating lahat mga Tol. ๐Ÿ–๐Ÿ˜Ž ๐Ÿซก



Syiento Pursyento Suportado namin sa aming Chapter ang ating 4 FF sa kanilang adhikain na mas maisaayos ang ating Suprem...
14/03/2026

Syiento Pursyento Suportado namin sa aming Chapter ang ating 4 FF sa kanilang adhikain na mas maisaayos ang ating Supremong Kapatiran. Cap S sa lahat mga Brod/Sis.๐Ÿซก

Supportado mo ba ang mga Founders sa pagsulong nila sa Konstitusyon ng TGP Global? O Salungat ka dito? Opinion mo ay mahalaga!

Save the Brotherhood/Fraternity. ๐Ÿ–๐Ÿ˜Ž
26/02/2026

Save the Brotherhood/Fraternity. ๐Ÿ–๐Ÿ˜Ž

Sa mga sumisigaw ng โ€œSAVE THE TRADITIONโ€, tanong lang:

Ano na ang naiambag ninyo sa mga brods na nakulong dahil sa hazing? May tumayo ba sa inyo sa korte? May nagbayad ba ng abogado?

May humarap ba sa magulang ng namatay at nagsabing, โ€œkami ang may kasalananโ€?

Madali talagang ipagtanggol ang โ€œtraditionโ€ kapag hindi ikaw ang nakakulong, hindi ikaw ang naglalamay, at hindi ikaw ang humaharap sa habambuhay na konsensya. Sa pilosopiya, ang isang gawain ay hinuhusgahan hindi sa romantisadong intensyon, kundi sa konkretong bunga. Kung ang bunga ay kulungan, kabaong, at wasak na pamilya, hindi na iyan tradition, iyan ay sistematikong pananakit.

Ang tunay na lakas ay hindi ang manakit para tanggapin, kundi ang tumanggi kahit kutyain.
At ang tunay na kapatiran ay hindi nag-iiwan ng bangkay at bilanggo, kundi buhay, dangal, at pananagutan.

Kung hanggang sigaw at pang-iinsulto lang ang ambag ninyo, samantalang ang iba ang nagbabayad ng dugo at taon sa kulungan baka hindi tradition ang ipinaglalaban ninyo, kundi ang sariling EGO.

Dito tayo sa tumatalima sa Batas ng Republika ng Pilipinas at Sumusunod sa Gabay ng ating FF at TCOC. ๐Ÿ–๐Ÿ˜Ž
17/02/2026

Dito tayo sa tumatalima sa Batas ng Republika ng Pilipinas at Sumusunod sa Gabay ng ating FF at TCOC. ๐Ÿ–๐Ÿ˜Ž

Real talk, nagbago na talaga ang direction ng Initiation Rites. Noon, ang sukatan ng pagtanggap nasa pisikal na hirap, pagtitiis, tapang, at kung gaano mo kayang tiisin ang proseso. Pero letโ€™s be honest, matagal na itong nasa banggaan hindi lang sa loob ng kapatiran kundi pati sa batas at public accountability.

Sa panahon ngayon, hindi na pwedeng i-base ang pagiging Triskelion sa pananakit ng katawan. Under existing laws and anti-hazing standards, malinaw na ang legitimacy ng anumang initiation nakasalalay na sa compliance, discipline, at structured formation at hindi sa paluan at sakitan.

Dito pumapasok ang TDAP. Hindi ito โ€œpinalambotโ€ na proseso. In fact, ibang level ang challenge. Hindi katawan ang sinusubok, kundi utak, prinsipyo, at pag-intindi sa Tenets and Code of Conduct ng Tau Gamma Phi. Mas mahirap pumasa kung wala kang alam, dahil hindi mo madadaan sa tapang lang o yabang.

Kung tutuusin, mas mataas ang standard ngayon. Hindi sapat ang kwento ng โ€œnapagdaanan ko yan.โ€ Ang tanong na ngayon kung naiintindihan mo ba ang Tenets? Kaya mo bang ipaliwanag ang Code of Conduct? Kaya mo bang ipagtanggol ang kapatiran sa legal at moral na paraan?

Kaya kapag may nagmamataas sa tradisyon pero wala namang maipakitang kaalaman sa aral, doon lumalabas ang mismatch. Hindi issue kung sino ang mas hirap ang pinagdaanan. Ang issue kung sino ang may tunay na naunawaan.

Sa huli, ang pagiging Triskelion hindi dapat umiikot sa alaala ng lumang tradisyon, kundi sa kalidad ng mga Triskelion na hinuhubog nito sa kasalukuyan.

Address

Governor's Drive Muzon
Naic
4110

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when TAU GAMMA PHI - Triskelion De Muzon Chapter posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share