01/03/2026
Hindi na tumabi ang mrs ko pag uwi nya galing SG.
48 yrs old(M) meron kmi 3 anak ng mrs ko at sa akin nya lang iniwanan, maliliit pa ang 2 kong anak nun ng umalis sya,halos 3 yrs din sa sa SG na ang alam ko ay hindi tlaga sya umuwi kc wlang umuwi sa amin.
Next na pagsign nya ng kontrata kinausap q sya na umuwi muna sya kc ang panganay nmin nag asawa na sa edad na 17,Kaya nman nakiusap aq na kong pwd magpahinga muna sya at ng makausap nman nya ng personal ang mga anak nya.
Napapansin ko rin na umiiwas din sya sa akin,pero syempre bilang asawa iba na un ramdam ko tlaga at npaisip aq na cguro meron na tong iba,at bukod nga dun madalang din sya magpadala or magpadala man sya ay pambayad lng ng kuryente tubig at baon ng mga anak nya.Sa akin ayos nman un kc aq meron nmang trabaho.
Lumipas nga ang 3 taon umuwi sya pero hindi muna sya dumiritso sa bahay nmin meron pa ata sya dinaanan na iba.
Pagdating sa bahay ang nkakapagtaka iba na tlaga sya,ibang iba sa dti sa pannamit iba na sya tsaka never syang nkipagtabi sa akin.
Tinatanong q sya kong meron na ba syang iba sabihin nya lang sa akin para mapag usapan nmin kc ayaw q rin na magkagulo kmi nkakahiya sa mga kapitbahay at kamag anak nmin.
Pero hindi tlaga sya umamin sa akin,makalipas nga ang 2 taon ulit nagtiis aq na baka napagod lang or sadyang ganun lng tlaga dhil trabaho sa ibang bansa hindi rin biro pero sadyang cguro panahon na para sa sarili ko total nman pinabayaan na man na aq.
Kinausap q ung mga anak ko na gusto kong magkaroon ng kasama in short Gf,Pero naintindihan aq ng mga anak ko,nagkaroon nga aq ng gf at sobrang bait din.
Pero alam nyo ba nong pinasok ko to hindi man lang dumating sa punto na magkagulo,hinayaan aq ng mrs ko na magkaroon ng iba hindi q man lang narinig sa kanya na sinumbatan nya aq,pero nagtataka aq na hanggang ngaun ilang taon na sya sa abroad wla tlaga sya naipundar,Or sabi ko baka kya meron na syang asawa na singaporean.
Hindi tlaga sya umamin sa akin kht sa mga anak nya wla sya nakikiwento, kaya nman kht nagkaroon aq gf maayos kmi ngaun at wlang gulo pero hindi q alam ang totoo sa kanya.
Ang pinagtataka ko lang hindi tlaga sya nagalit or nanumbat man lang!
(Sender kuya AL)