14/03/2026
Isang insidente ng sunog ang naganap sa Looc Elementary School, Looc, Nasugbu, Batangas ngayong Marso 14, 2026, na agad namang tinugunan ng mga kinauukulang ahensya. Mabilis na rumesponde ang Bureau of Fire Protection – Nasugbu Fire Station sa pangunguna ni SFO4 Ma Augustus Ramon G. Santos, Chief Intelligence and Investigation kasama nina:
FO3 Raymond E. Afable, Crew Nozzle Man,
FO3 Jorem A. Nilo, Fire Truck Driver Operator,
FO3 Emmanuel Glenn A. Macalindong, Crew Nozzle Man,
FO2 Jemar F. Boneo, Fire Truck Driver Operator and Fire Investigator,
at FO1 Rassel A. Laguardia, Nozzle man,
kasama ang CHDI–Hamilo Coast Nasugbu Fire Response Team, sa pangunguna ni Sir Darcy N. Arante, Detachment Commander Officer, ang Municipal DRRMO, Sangguniang Barangay ng Looc sa pangunguna ni Kapitana Jocelyn M. Guevarra, Konsehal ng Bayan, G. Marcos H. Guevarra, PTA, at mga kasapi ng komunidad na agad nagsagawa ng operasyon upang makontrol at mapatay ang apoy.
Ang BFP ang pangunahing ahensya ng pamahalaan na may tungkuling sugpuin ang mga sunog at tiyakin ang kaligtasan ng mga komunidad.
Sa tulong ng agarang aksyon ng mga bumbero at fire response team, at sa bayanihan ng mga residente ng komunidad, mabilis na naapula ang apoy at napigilan ang posibleng mas malaking pinsala. Ang sama-samang pagtutulungan ng mga awtoridad at mamamayan ay nagpakita ng tunay na diwa ng pagkakaisa at malasakit sa isa’t isa sa panahon ng sakuna.
Lubos ang pasasalamat sa BFP-Nasugbu, CHDI–Hamilo Coast Fire Response Team, at sa lahat ng tumulong mula sa komunidad na walang pag-aatubiling nagbigay ng kanilang oras at lakas upang masigurong ligtas ang lugar.
Ipinapaabot din ang pasasalamat sa aming mahal na District Supervisor, Mrs. Avelina O. Gaa, sa kanyang agarang pagdating upang ipakita ang malasakit at pagdamay.
Lubos na pasasalamat din sa pamunuan ng ating paaralan sa pangunguna ni Ma'am Lilizeil F. Javier at mga kaguruan.
Ang pangyayaring ito ay patunay na sa pamamagitan ng mabilis na responde, koordinasyon, at bayanihan, napapangalagaan ang buhay at ari-arian ng bawat isa.